Category Archives: Videos of the Week

let me comment on your video. let me scrutinize it.

Sa Dinami-Dami, Bat Ako?

May kakaibang sangkap ang kape pag naihanda ng mainit, lalo pa kung hindi lang ikaw ang iinom.

Kung gaano katagal ang pag-antay na lumamig ang kape, ganun din karami ang chance para matanong mo sa kasama mo kung (1) san siya nakatira, (2) pang ilan  siya sa magkakapatid, or (3) open minded ba siya sa business?

malabo si dj

Kaya nung nagkaron ng chance na tanungin ni Kathryn Bernardo si Daniel Padilla sa commercial nila ng Nescafe – kung sa dinami-dami bat ako; NO CHOICE si kuya mo Dj kundi sumagot ng vague answer na “parang kape, iba ang creamy chuchu, echos, kuning-kuning.”

Para sa fans ng Kathniel, nakakakilig ang sagot.

Para sa akin, malabo si Dj.

Dahil hindi pa malamig ang kape para higupin, naibalik ni Dj ang tanong ke Kathryn. Bakit daw siya? Sabi ko, malabo na to. Wala nang sasagot ng tama sa kanila. Magpu-promote na lang sila ng kape.

At ganun na nga ang nangyari. Continue reading

Never Pa Ako Nakarating Ng Palawan. Feeling Ko May Sumpa Ang Lugar Na Yun!

Oo, totoo. Never pa! As per experience.

Twice na akong nag-book ng flight to Palawan. Yung mga seat sale na months or years before the actual flight, yun ang mga nabu-book ko. Pinagpa-planuhan usually ng barkada ng ex ko. Maayos naman ang lahat.

Until there will come a time na magbi-break kami ng ex ko. At syempre, dahil nga awkward na yun, hinahayaan na lang na hindi magamit yung airfare. Hahayaan na lang na maging bakante ang upuan sa eroplano. Hahayaan na lang na matuloy ang mga friends sa lakwatsa. Ang ending, hindi na ako nakakapunta.

Hindi ko na makikita yung underground river. Wala nang Puerto Princesa. Walang nightlife. Wala lahat.

Wala ka na ngang jowa, wala ka pang Palawan trip.

Pero siguro naman, this time – with AIR ASIA, makakarating na ako ng Palawan, The Last Frontier. At hindi na ako magka-cancel pa.

Mapuntahan ko man lang yung pearl farm na pinuntahan ni Daphne.

****

Responsible Traveling and Palawan’s Pearl Farming Industry
up next on AirAsia RedTalks with Daphne

MANILA – As AirAsia continues to promote #HowIFly campaign, the world’s best low cost carrier recently visited a pearl farm in Palawan for the upcoming new episode of AirAsia RedTalks with Daphne. Continue reading

Nakaka – GWAPO Ang Shades

Oo, promise! Totoo yun! Para sa girls, nakakaganda din siya.

Bukod sa pamprotekta nito sa matinding sikat ng araw kapag 11:59 ng tanghali at papunta ka pa lang sa carinderia sa kanto para bumili ng lutong ulam, pwede mo rin siyang pantakip sa pimples mo na malapit sa mata.

Alden Richards, shades

Alden Richards, shades

Yung mga eyebags ninyo, pwede maremedyohan nang hindi gumagamit ng concealer. Yung mga cross-eyed at mga banlag, malaking tulong sa inyo ito. Yung mga galing sa iyakan dahil namatayan ng alagang gold fish, swak na swak sa inyo ang shades.

Nakita ko na rin na ginamit ang shades para pansandok ng kanin. Ewan ko ba, nalimutan ata ni senora-mamita yung sandok ng kanin kaya nag-improvise siya nung minsang nag-picnic sila sa Eco Park. At least, di ba, resourceful.

Ako, ginagamit ko ang shades para hindi obvious na chini-check out ko yung kaharap ko sa jeep. Mukha akong tanga minsan, kasi nga, naka-shades ako kahit 8pm na ng gabi.

Di ko lang alam kung gawain din to ni Alden Richards para hindi siya mahuli ni Maine Mendoza na tumitingin sa iba.

Kung gusto mo nga pala ng shades na makapagpapa-gwapo sayo, a la Alden Richards, panoorin mo to:

 

Paano Na Ba Ang Pakikipag-Date in this Age Of Millenials

Bukas na sa mundo ang istorya mo; lalo na kung kumpleto ka ng SOCIAL MEDIA apps sa phone mo.

Ganyan ang buhay ngayon, mapa-millenial ka o hindi. Alam na ng public, ng strangers, friends, friends of friends, at kahit ng ex mo, kung ano ang ginagawa mo. Though you control what is posted on Social Media about you, the idea of letting them know your likes and dislikes makes them closer to you kahit hindi pa talaga kayo magkakilala.

Consider this as an example. I KNOW na alam na ng “Fans” and “Followers” ko ang mga to:

  • Naglalaro ako ng football sa ASCOM.
  • Na-injure ako at nagpapa-PT sa Active Life Chicago PT – Shaw Blvd branch.
  • Umattend ako ng kasal sa Calaruega last month.
  • Mahilig ako sa lightsabers.
  • I watched Ely Buendia and Raymond Marasigan sa magkaibang gigs, all in the same weekend.

INSTAGRAM pa lang yan. Paano pa pag nag-stalk ka sa Tinder, Twitter, at Facebook ko.

Pag nagustuhan mo yung mga posts ko, marami tayong pwedeng pag-usapan sa ating “First date”.

Kaya Importante na mag-post ng mag-post sa Social Media pag single ka!

PS. Gusto ko rin si BP Valenzuela.