Tag Archives: 2010

year 2010 in review

Dalawang tulog na lang, tapos na ang 2010. Isang taon na naman ang nakalipas. Maraming nangyari sa buhay ko. Yung first half ng taon ay sobrang saya. Hindi lang maganda ang tapos pero overall, it was a very good experience. Although, hindi ko maire-rekomenda para sa inyo ang buhay ko. Baka hindi ninyo kayanin.

Ayoko na isa-isahin pa ang nangyari. Dalawang bagay lang ang naging remarkable. Una ay yung nagpalit ako ng status sa facebook. Pangalawa e yung nabaril ako ng holdaper. Hindi ko alam kung parehong good news, parehong bad news, o yung isa ay good at yung isa naman ay bad. Ito lang ang sure ako: lahat ng tao ay minsang nagpapalit din ng facebook status, pero hindi lahat ng tao ay nakaka-recover sa tama ng bala.

Balikan na lang natin ang To Do List ko noong 2010. Update ko na rin para makita natin kung successful ako for the year.

2010 TO DO LIST

1) Makakuha ng Driver’s License. – DONE

2) Mas kumita pa ng mas maraming pera kumpara sa 2009. – CHECK

3) Makabili ng laptop or mabuo yung isa pang desktop PC sa bahay. – DONE. Hello Qarla

4) Makapagpa-stable ng aking Savings Account na at least 50k ang laman. =) – Ouch, wala ako neto.

5) Makapag detoxify ng body.. ahahaha. – nakalimutan ko ata.

6) Makapunta sa Boracay or sa Bohol. – Boracay! Ayus!

7) Makapagpa-party para sa High School Alumni namin. – Kung hindi pa ko nabaril, di ko pa to nagawa.

So as a whole, meron akong score na 5 out of 7. Not a bad number pero mas ok sana kung lahat ay nagawa ko. Minor fail lang naman ang detoxification ng katawan. Spa lang ang katapat nun. Pero yun 50k; pagtitipid ata ang solusyon.

Half of me regrets living in 2010. Kung pwede lang sana, tapusin na natin ang kwento noong birthday ko. Pero ganun talaga e. Di bale na. May mga nangyari na sobrang dami kong aral na napulot.

Wish ko lang, everything will be better by 2011.

Book Review: ang mga kaibigan ni mama susan

Ito ang ikawalong Libro ni Bob Ong. Released lang this month. Buti nakahiram agad ako ng kopya.

Tutal Christmas season naman, maganda itong ipan-regalo sa mga Bob Ong fanatics. Yung mga wala pang regalo sakin, pwede na to. Available sa National Bookstore. Php150. May presyo pa kasi sa likod yung nahiram ko e. Kulay purple ang cover at madaling hanapin.

Not your usual Bob

Iba ang style na ginamit ni pareng Bob dito. Walang prologue at epilogue. Journal writing ang style. Yung unang 20 pages nga, naisip ko na kaya ko rin gumawa ng ganito kung parang blog writing lang din ang theme.

Pero mali ako.

Habang nagpapatuloy ako sa pagbasa, nabubuo sa isip ko ang isang Blair Witch Project. Creepy siya sobra. Hindi ganun kadali ang pagsulat ng buhay na hindi naman sayo. Pero baka napulot lang ni Bob Ong ang journal ng tunay na nagsulat at inangkin na lang ng ating idol ang honor. Hindi ko alam.

Second Time

Masasabi ko na ito ang pangalawang libro ni Bob Ong na hindi ko tinapos. Yung “Bakit Baliktad…” hindi ko yun tinapos dahil nainis lang ako sa pagiging TRUE ng mga stereotypes sa pinoy. Dito naman, hindi ko talaga tinapos dahil sobrang creepy niya.

Kung sinehan ito, nauna na akong kumaripas papalabas ng movie house.

I dare you, tapusin mo basahin ang libro. Bibigyan pa kita ng extra credit kung babasahin mo ang librong ito “Out Loud”. Ipapaputol ko ang daliri ko sa paa kung babasahin mo ang libro “Out Loud” sa isang upuan lang.

Undas 2010

Tinapos na namin lahat ng sementeryo na dapat namin puntahan ngayong October 31. Kailangan din kasi namin magpahinga at may kanya-kanya pa kaming pasok sa Nov1 or Nov2. Buong pamilya kaming lumarga.

Sinimulan namin sa lolo at lola ko sa Bulacan, Bulacan. Then, takbo kagad sa Good Shepherd sa San Fernando, Pampanga. Balik sa Meycauayan, Bulacan bago magpunta sa Eternal Gardens sa Balintawak.

Kung dati, dumadaan pa kami sa mga kamag-anak sa lugar, ngayon hindi na. Nagsasabi na lang kami na pupunta o nakapunta na kami. Yung tradisyon na ang Undas e para sa maging Family Reunion ng pamilyang Pilipino e hindi na muna namin sinunod ngayong taon.

Masaya naman ako sa pag-ikot namin sa mga sementeryo.Kahit na-flat pa ang isang gulong namin at medyo pumapalya ang karborador, andyan naman ang tatay ko para ayusin ang mga sira.

Isang buong rosaryo para sa Direct ancestors ko, at kakaunting dasal naman para sa hindi. Ayos na siguro yun para hindi ako dalawin.

Eto pala pictures. Puro yung pamangkin ko yan. Camwhore kasi siya e.

***

Yung mga ngayon pa lang pupunta sa mga sementero, nagbabala na ang RMN news, medyo maulan daw.. Magdala kayo ng payong.

2010 Barangay Elections

Nakakatuwa sa Barangay namin.

Kung sa iba, kaliwa’t kanan ang pangangampanya 10 days before the elections, sa aming barangay, tahimik. Makikita mo lang yung mga kumakandidato na kumakaway sayo- pero wala nang mga tarp, wala nang mga campaign jingle. Sure din akong walang bilihan ng boto.

Maliit lang ang barangay namin. Dalawang kanto lang ata, at medyo sikat din ang aming incumbent barangay kapitana. Kilala ko ang mga kagawad namin, pero hindi sa pangalan. Kilala ko lang sila sa mukha.

Kanina, pagkatapos ko mag lunch, naligo ako at nagpunta na sa Quirino School. Dun kasi ako boboto.

Pumasok ako sa room 312. Isa lang ang bumoboto nun, kaya mabilis lang ang naging proseso ko; check ng pangalan, thumbmark, kuha ng balota, upo sa armchair.

Tumingin ako sa kodigo.

Isa lang ang chairman na tumatakbo. Pito naman sa Kagawad.

Tinignan ko ang aking balota; kailangan ko ng pitong kagawad at isang kapitan.

Aba. simple lang talaga to. Hindi mo na kailangan pumili. Wala silang mga kalaban e. Sila-sila lang din.

Kaya ang ginawa ko, para maiba naman. Inuuna ko ang apelyido ng kandidato bago ang kanyang pangalan.

Tapos, pinagbali-baliktad ko na rin yung pagkakasunud-sunod ng mga kagawad. Alphabetical order kasi yung nasa kodigo. Ayoko mahalata ng COMELEC na nangongopya lang ako.

Sumatutal, panalo ang lahat ng binoto ko. Sure na yun. Di na ko magba-blog pag may iba pang nanalo.

Speaking of boto – balita ko, botong-boto sa akin ang parents mo a. So pano, tayo na ba?

*rakenrol*