Tag Archives: 2012

SONA Ng Pangulo 2012 Livestream

Livestream: Streaming media is multimedia that is constantly received by and presented to an end-user while being delivered by a provider. Its verb form, “to stream”, refers to the process of delivering media in this manner; the term refers to the delivery method of the medium rather than the medium itself. (nakuha ko lang sa Wikipedia yan).

Syempre, para sa mga walang TV sa loob ng kanilang kwarto at umaasa lang sa laptop, importante na alam din natin kung saan at paano tayo makikibalita sa kung ano na ang nangyayari sa ating lipunan.

SONA miki

SONA Miki, mas gusto ko siya na picture kesa sa mukha ng pangulo.

Sa maulang araw na ito, July 23, 2012, naka-schedule ang State Of the Nation Address o SONA ng Pangulo. Inaabangan ito ng lahat dahil dito nakabuod ang mga nagawa ng ating gobyerno sa loob ng isang taon at ang mga plano naman natin para sa susunod na taon.

Inaabangan din ito ng mga estudyante sa may Commonwealth dahil wala silang pasok.

Livestream channels #SONA2012 : http://www.ptv.ph  , http://www.ustream.tv/channel/ptv-livestream … , http://www.livestream.com/sona2012  , TVU: 68644

Nakuha ko lang yang mga links na yan sa Twitter ng PTV. Pwede mo sila sundan sa @PTVph. Tan ang “Official account of the People’s Television Network , a gov’t-owned and controlled corporation by virtue of Republic Act No. 7306.”

Magkakaron din sila ng Live Tweet ganap na 2pm mamayang hapon.

Eat your fill mamayang lunch at ihanda ang popcorn.

Sam Pinto Is FHM's Sexiest for 2012

Kailangan pa ba ng words ng blogpost na to? Naman, bumili na lang kayo ng FHM pag lumabas na ang issue dahil ako, sigurado, kukuha ako ng kopya.

At ha-huntingin ko si Sam Pinto para magpa-autograph.

It makes me wonder tuloy kung sino ang mga runner ups. Balita ko si Angel Locsin daw ang pangalawa at karamihan sa top 10 ay Kapuso stars. Hindi na nakakapagtaka dahil talaga namang bukod sa sexy talaga ang mga Kapuso, GMA-7 talaga ang inclination ng FHM.

Sam Pinto FHM's number 1

Sam Pinto FHM’s number 1 (photo from http://www.starmometer.com)

Ever since naman, parating Kapuso star ang number 1. Nung 2006 at 2007, si Katrina Halili ang nag back to back. Nung nasa Siyete pa si Angel Locsin, number 1 din siya. This year 2012, si Sam Pinto aka Neneng B naman ang nag B to B (back2back).

Lupit di ba?

Congratulations sayo. Kung gusto ninyo sya batiin ng congratulations, tweet niyo lang siya.

@SamPinto_  There’s still love in the world! 🙂 I feel it! I feel it! Thank you again 🙂

Ano Ba Yang Social Media Day Na Yan?

Mapapakain ba nyan ang nagugutom kong tiyan? Mabibigyan ba nyan ng lunas ang sakit na cancer? Aangat ba ang estado ng Ekonomiya ng Pilipinas dahil sa Social Media Day na yan?

May pauso ang Mashable. Pangatlong taon na nilang sine-celebrate ang Social Media Day na ito. Bukas, magkakaroon ng sabay-sabay na gathering sa mga key spots sa mga pangunahing cities para itipon ang mga Social Media users. Party-party lang siguro ang peg.

Social Media Day 2012

Social Media Day 2012

Dito sa Makati, sa Ayala Triangle fountain magaganap ang party. Gabi yun. Mga 7pm siguro. Hindi ko alam kung pupunta ako pero sana lang wag ulanin.

Bakit ba? Gaano na ba ka-importante ang Social Media ngayon? E ano kung may BLOG ka; Ano naman sakin kung marunong ka mag upload ng videos sa YOUTUBE; Makakatulong ba sa kapakanan mo ang TWITTER followers mo; mapapakain ba ang mga anak mo dahil meron kang PLURK; Magkakaron ka ba ng girlfriend dahil sa TUMBLR, PINTEREST, at INSTAGRAM mo.

Siguro nga, puro porma lang at mga may kaya lang ang nasa social media. Pero tandaan mo, minsan na tayo nailigtas ng Social Media. Natatandaan mo ba nung panahon ng Ondoy? Halos lahat ng tulong at simpatya ng buong mundo ay nakuha natin gamit ang mga Social Media networks.

Nandyan ang bayanihan sa BarrioSiete.com.

Sayo ba, paano ba nakatulong sa iyo ang Social Media? Kailangan din natin magpasalamat sa technology na to kahit papano.

THANK YOU SOCIAL MEDIA!

Birthday Ko Bukas!

At dahil wala akong budget, hindi ko kayo kaya ilibre lahat. Yung inuman nga namin, potluck/pass the hat pa ang mangyayari.

Pero ayos lang yun. Masaya naman ang tropa basta kumpleto. Kahit na pipitsugin na chips lang ang pulutan. Basta may alak at picture picture, ayos na.

Kaso lang, masakit sa loob ko kapag hindi ako nakakapagbigay saya kapag birthday ko. Last year, full band na Lights Out ang inimbita ko sa bahay para tumugtog. Since kulang ako sa resources ngayon, babalik tayo sa #GreetingGame na natutunan ko nung High School.

Madali lang ang mechanics. Paglipat ng oras sa birthday ko, dapat mag-greet ka sa akin through Txt messaging. Oo at gagastos ka ng piso pero ayos lang yun dahil kung ikaw ang unang nakapagsend ng message, ililibre kita ng bigmac.

BigMac birthday 2012

BigMac birthday 2012

Simple lang naman di ba? BigMac Meal ng McDo. Large Fries, Large drinks. Ipapa-deliver ko sa inyo pag hindi tayo pwedeng mag meetup.

So pano, Txt ninyo ako a. Simpleng Happy Birthday lang, ayos na sakin yun.