Tag Archives: 2012

Artistahin Ka Ba?

Feeling mo siguro sikat ka na nyan. Feeling mo maganda ka at marami kang talent. Well Feeling mo lang.

Ang totoo, kailangan mo ng gabay para magamit mo sa tama yang talento mo. Nung bata ako, sumasali rin ako sa mga acting workshops. Lead roles ang mga nakukuha ko sa aming school plays. Kaya kong makipaglaban na parang si Aliguyon sa harap ng entablado.

Pero duwag ako pag dating sa malakihan na workshops.

Alam ko mas matapang ka kesa sakin. Sure ako na naghahanap ka na rin ng makabuluhan na gagawin ngayong summer.

Bat di ka mag-register dito:

Artistahin ka ba

“Unang Sine Pinoy National Summer Workshop” by D’ream Arts Production

 

Balita ko gagawa daw ng 15 movies ang project na ito. Kakailanganin nila ng napakaraming videographers, linemen, support staff at syempre, mga artista. Full length film ang target kaya sana, mahuhusay ang mga makukuha.

Isipin ninyo na lang na pampalawak na rin ito ng inyong portfolio. Gusto ko talaga sumali!

It's More Fun In The Philippines

Bago ako maglunch, nabalitaan ko na may presscon ang Department of Tourism dahil ilalabas nila ang bagong slogan para maka-engganyo ng mas marami pang turista.

Hindi ko akalain na makikita ko na ang slogan pagkatapos ko kumain ng lunch. 10am po ang lunch ko kaya yung iba, hindi pa nanananghalian.

Ok, excited na ba kayo? Hindi ako makakuha ng magandang picture ng Slogan kaya nagnakaw na lang ako sa mga friends ko sa internet. Eto ang picture na kuha ni Erika Tapalla. Follow her on Twitter.

photo taken by Erika Tapalla

photo taken by Erika Tapalla

“It’s more fun in the Philippines” will be the international campaign.
“1 for fun” will be the internal, national campaign.

Magandang slogan ito. Wala pa akong masabi dahil hindi pa ako nakakakita ng pinagkopyahan. In a few days siguro, maglalabasan ang critics pero sa ngayon, magsasaya na muna ang lahat.

Ang saya nga ng Twitter feed ko dahil astig ang mga sinasabi ng iba’t ibang personality sa Twitter.

Nilabas rin nga pala nila ang link sa bago nilang website. Bisitahin mo na bago pa magdown dahil sa overwhelming traffic. Click Here.

Mas masaya talaga sa Pinas. Sure ako na magiging atat na sa paguwi ang ating mga kababayan na OFW.

I Pledge To Speak Up This 2012

Uunahin ko na to. Bago ako mag-bigay ng review ng 2011, bibigyan ko muna ng pansin kung ano ang plano ko sa susunod na taon. Magiging mas maingay ako.

Hindi lang sa blog kundi sa araw-araw na buhay.

Kapag may gusto ako, sasabihin ko. Pag may naisip ako na idea, ishi-share ko kaagad. Kapag may suggestion ako, magsi-send kaagad ako ng memo sa nakakataas para malaman nila na may maganda akong naisip. Magiging mas bibo ako.

Kung naging ganito lang ang aking attitude this 2011, nakumpleto ko siguro ang aking TO DO LIST. Sa totoo lang, ayoko balikan ang TO DO LIST 2011 ko dahil sure ako, wala pa sa 1/4 ang na-accomplish ko.

Actually, ganito na ang ginagawa ng karamihan sa atin. Kapag may nangyari, report kaagad sa Twitter o sa Facebook. Nauuna ko pa nga malaman sa Twitter na lumindol kesa mag-announce ang Phivolcs at Pagasa. Yung traffic nga sa EDSA, sa Twitter account ng MMDA ako umaasa at hindi sa TV o radio. Mabilis ang tsismis lalo na kung Pinoy ka.

Mali ba ang Speak Up?

Kadalasan sa mali natin nagagamit ang kakayahan ng teknolohiya na ito. Marami tayong pinapahiya na tao at nasisirang pangalan dahil mas mabilis pa kumalat ang kasinungalingan kesa sa katotohanan.

Isang example na tong si Chris Lao. Nasira kaagad ang pangalan niya dahil kung anu-anong masasamang salita na lang ang binigay natin nang makita natin ang video niya. Hindi natin inintindi ang sitwasyon niya. Mainit nga lang siguro ang ulo ng tao.

Meron pa, si Atty. Midas Marquez, nasabihan kagad na bading dahil sa reaksyon niya nun nahulog ang mikropono. Wala pang isang segundo ang reaksyon niya na yun pero hindi na inintindi ng tao ang tunay na issue at pinagkatuwaan na lang ang reaksyon niya.

Eto pa ang malupit. Sure ako na marami sa atin ang Pro-RH Bill at gustung gusto na itong maipasa. Kaso nga lang, hindi tayo nagri-react dahil ayaw natin kalabanin ang simbahan. Takot din ata ako sa excommunication. Kung ako ang tatanungin, ok sa akin ang RH Bill. Ang kaalaman ay dapat ipinamamahagi. Kung mas marunong ang tao, mas uunlad ito.

pass the RH Bill

Sa totoo lang, ngayon lang ako nagsabi sa blog ko na Pro-RH Bill ako.

Ano ba ang ginawa ko nung 2011?

WALA. Wala akong ginawa sa buong taon na 2011. Kapag may issue, hindi ko pinakikialaman. Kahit na sure ako na malakas ang traffic nito sa website ko, hindi ko pa rin sinusulat.

Siguro dahil manhid ako; apathetic, sabi nga nila. Wala akong pakialam sa lipunan lalo na kapag hindi ako nasasagasaan. Kapag hindi ako directly na maaapektuhan, pinababayaan ko na lang ang iba na. Hindi ako nagkukusa.

Mas malala pa pala yun kesa sa sumang-ayon ka sa mali.

Mas masama na hindi ka kumuha ng side. Hindi maganda kung mananatili ka na neutral sa mga usapin. Kung hindi ka pa decided, mas maigi na aralan mo ng mabuti ang issue para makapagbigay ka kaagad ng opinyon mo sa lalong madaling panahon. Hindi ka dapat takot sa kritisismo. Ini-encourage mo dapat ang mga batikos para maituwid ang mga mali mong paniniwala.

Ang misyon sa 2012

Simple lang ang misyon sa 2012.  I need to speak up about what I have in mind. Hindi dapat kinikimkim ang impormasyon at karunungan. Hindi yan habambuhay sa utak. Hindi yan magiging totoo pag ikaw lang ang nakakaalam at naniniwala. Kaya lang naman naging Gospel ang buhay ni Hesus dahil apat ang nagsulat tungkol dito.

Dapat lang mas maging Bibo pa ako; Magkusa, Makialam, Makipagbalitaktakan.

Kaya itataas ko ang kamao ko para sa 2012.

Speak Up this 2012

I dare You To Speak Up this 2012

 

 

Air Phil piso fare for 2012 ONE DAY SALE!

Eto na, start na ng piso fare sa air phil in about 1.5 hours (as of this writing). Excited na ako.

Although ngayon pa lang, dini-declare ko na flightless ang 2012 ko, nati-tempt pa rin akong kumuha ng kahit isang lipad lang. Kahit Palawan lang. Tempting talaga ang piso fare!

One day selling period lang ito. At sure ako, mauunang maubos ang flights papuntang Boracay. So dapat, naka-set na sa browser mo ang flights mo sa unang minuto pa lang ng Agosto.

 

Air Phil piso fare

Air Phil piso fare

Eto ang destinations:

  • Bacolod
  • Busuanga
  • Calbayog
  • Catarman
  • Caticlan
  • Cebu
  • Iloilo
  • Kalibo
  • Legaspi
  • Masbate
  • Naga
  • Puerto Princesa
  • San Jose (Mindoro)
  • Tacloban
  • Tagbiliran
  • Tuguegarao

At syempre pa, limited ang Travel Periods

  • February 1 to March 15, 2012
  • June 1 to June 25, 2012

O pano, itutulog ko na lang ang August 1 at hinding hindi ako magbubukas ng website nila na http://www.airphilexpress.com/ para hindi ako makapag-book ng flights.

Help me oh Lord.