Tag Archives: #30DaysBlog

Day 2: I Can Doodle My Goal #30DaysBlog

Naku! Mahirap ata ang goal setting. Sa ngayon, wala akong iniisip kundi ma-zero out ang credit card ko.

Gusto ko magkaroon ng “saving habit”. Financial ang goal ko this year. Bawas muna sa moments na kailangan ng malaking money. Dito muna tayo sa pagsi-save. Iwas muna sa taxi kung pwede. Kung kayang mag-commute, jeep-bus-trike-lakad, edi go!

credit card cut in half

credit card cut in half

Bawas din sa paglayas buwan buwan. Ang ilandaang masi-save ay pantanggal utang. Tandaan na max out ang credit card ko.

Maraming kaakibat na bawal pag pera ang pinag-uusapan. Dapat maging mas creative ako sa mga lakwatsa. Dapat extra kayod ako sa trabaho. Dapat unahin ang pagsabi ng NO kesa sa YES pagdating sa mga imbitasyon na medyo mataas ang damage. Iwas muna sa relationships na uubos ng oras at yaman.

Then, next project na tayo pag na zero out na siya.

 

#30DaysBlog Introduce Yourself

Kanina sa opisina, nakaupo ako sa workstation katabi ang isa sa aking mga co-Team Leads.

Kilala ang co-Team Lad na ito sa pagtatanong ng mga katanungan na ine-expect na niya ang sagot. Kapag hindi mo siya sinagot ng tama, bibigyan ka niya ng tilt-head / iling na mararamdaman mo na may mali sa sinabi mo. Kaya naman babaguhin mo ang sagot o gagawan mo ng paraan para tumama ka.

Yun ang naramdaman ko kanina nung tinanong niya ako kung bakit ba ako ang KampeonNgPagibig.

Hindi ko gustong sagutin ang tanong. Sa totoo lang, absurd na ituturing na bigyan mo ng palayaw ang sarili mo, lalo pa’t superlative ang pipiliin mong pangalan. Kahit ngayon, marami ang nagtatanong sa akin, bakit kampeon. Saan nagsimula? Sino ang nagsabi?

Kung babasahin mo ang about page ng blog ko, makakakuha ka ng ideya, pero hindi yun ang storya.

KnP sa Gerrys Grill

KnP sa Gerrys Grill

Eto ang tunay:

Isang panahon sa buhay naming magbabarkada, lahat kami single. Sa mga pagkakataong ito, pumupunta kami sa bahay ng isa at doon tumatambay ng isang weekend. Laro kami ng Mario party at kung anu-ano pang games sa PC at console. Patugtog, kwentuhan, clean fun; yan ang peg namin.

Naisipan namin sumali ng mga DOTA matches. Pag kailangan ng team name, parati kami nagtatalu-talo. Wala kaming choice kundi gamitin ang Kampeon Ng Pagibig dahil yun lang ang pinag-agreehan ng lahat. Galing ang salitang Kampeon dun sa gamit namin na team name noong Game Jock pa si Iya Villania na Iya’s Champions. Galing naman ang salitang Pag-ibig sa isang bagay na inaasam-asam namin lahat nang mga panahon na yun.

Ako si Pepi, ang ikalima sa mga Kampeon Ng Pag-ibig. Isa akong Team Leader sa Aegis People Support. Isa akong blogger sa blogsite na ito, contributor sa ilan pang mga online publications, at Senior Travel Coordinator para sa Travel Factor. Gitna ako sa tatlong magkakapatid na puro lalaki. Ang celphone number ko ay 0917KAMPEON.