Tag Archives: a runners circle

Sa Wakas, Napanood Ko Na Rin Siya!

Hindi ko napanood ang Sa Wakas nung first run niya noong 2013. Wala akong pagkukumparahan. Matagal-tagal na rin akong hindi nagiging “cultured” dahil sa hindi ko pagpunta sa mga musicales at stage plays. Wala din akong napupuntahan na exhibits lately.

Pero, there is something about Sa Wakas na kinailangan kong mag-abang at kulitin ang kanilang Facebook page kung may tickets pa para sa Feb 2 run. Buti naman at meron.

Sa Wakas, is a musical inpired by the songs of Sugarfree. Naka benteng kanta ata ng Sugarfree ang napakaloob dun sa play.

sa wakas

sa wakas

WHAT YOU SHOULD KNOW

True to its title, Sa Wakas starts with the end of a boyfriend-girlfriend cycle, working its way back to the happiest moment of their relationship. In Tagalog… PAATRAS ang story.

Hindi ko alam kung bakit ganoon ang pag-iisip ng producers ng Sa Wakas. Siguro, paatras din sila maglakad, o di kaya, inuuna nilang ubusin ang Jolly Twirl bago nila kainin ang Yumburger.

I do not need to know all of Sugarfee’s songs and albums. Enough na na alam ko na sila ang kumanta ng “Hwag ka nang umiyak” na ni-revive ni Gary V. Dapat alam ko rin na sila ang kumanta ng Hari ng Sablay. Dapat din, kilala ko si Ebe Dancel, dahil siya naman talaga ang frontman ng Sugarfree. That would be enough.

Hindi ko na alam yung ibang kanta nila. Nandyan naman si Google.

WHAT I FELT AFTER WATCHING

Honestly, hindi ko ni-research ng mabuti ang Sa Wakas. Ang alam ko lang, it is a Sugarfree Musicale. Hindi ko alam ang background ng characters. Hindi ko binasa ang plot ng story. Hindi ko inintindi ang memes. Promise, clueless ako.

Kaya naman, sobrang nalilito ako kung bakit parang magulo ang story. Akala ko, flashbacks lang at tumatalon ang mga eksena. Inaantay kong bumalik sa present ang takbo ng istorya. Up until the break, hindi ko gets na paatras talaga yung scenes.

It worked to my advantage. I got an emotional whirlwind na produkto ng pagiging involved ko sa bawat eksena.

Hindi ko tuloy maintindihan kung ano ba dapat ang mararamdaman ko after watching.

  • Dapat ba malungkot ako dahil alam ko na ang story ay hindi talaga happy ending.
  • Dapat ba matuwa ako dahil sa bawat wakas, may bagong istorya na magsisimula.
  • Dapat ba masaya ako dahil nakaka-relate ako sa mga eksena.
  • Dapat ba ma-fulfill ako dahil alam ko ang mga kanta ng Sugarfree.

There is one thing I am sure about after experiencing Sa Wakas.

“Nakakatakot na magmahal ulit,

matatapos din pala…”

***

2 weeks na lang tatakbo sa Power Mac Center sa Circuit Makati ang Sa Wakas 2017. After this, baka abutin ng tatlo pang taon bago maipalabas ulit ito.

Para sa nanghihinayang dahil sold out na ang tickets sa www.sawakasmusical.com , pwede kayo mag message sa Facebook page nila at magtanong. May mga nakabili ng tickets na hindi makakarating.

Destiny na ang magtutulak sa inyo para mapanood at ma-experience ito.

knp sa wakas

knp sa wakas

Running Tips – No Cellphone

Ugali ko kasing tumakbo na may cellphone. Importante kasi sa akin na kapag na-bore ako, magti-text ako o tatawag kung kani-kanino. Kaya pag tumatakbo ako, nakagawian ko na dalhin sa pagtakbo ang aking Samsung Champ.

Kung normal na cellphone ang dala ko, mas madali sana magtext. Level 3 kiti-ki-text ako kaya keri ko magtext without looking at my cellphone. Ang kaso, hindi normal na cellphone ang dala ko. Touchscreen ang Samsung Champ. Kailangan ko mag-focus sa pagti-text kaya napapalakad ako.

No Cellphones

No Cellphones Allowed

Minsan, ginagawa kong misyon na makalagpas ng limang blocks bago ako magreply kapag tumunog ang cellphone ko habang tumatakbo. Kaso, hindi advisable yun dahil nagre-relax ang muscles ko pag naglalakad ako at mahirap maibalik ang aking rhythm.

Kaya ang tip ko ngayon, wag ka na magdadala ng cellphone kapag tumatakbo ka. Magsuot ka ng relo kung ang dahilan mo e may bini-beat ka na oras. Kung emergency cases naman ang reason mo, make sure na tumatakbo kayo in a group at meron kayong sweeper.

It worked for me, medyo nakarating ako ng mas mabilis sa A Runner’s Circle store kahapon kaya nakabili pa ako ng dried pusit. Napagbigyan ko na rin sa wakas ang cravings ko dahil nga hindi ko dinala ang cellphone ko.

Sa susunod na pagtakbo, iiwan ko na ang cellphone ko para matapos ko ang 10k route within 1 hour.

I would want to avoid any distractions and my cellphone is one of them.
– Pepi on running.