Tag Archives: A1

Memory Miyerkules Like A Rose

High School. Need kumanta sa Music class namin.

Hindi talaga ako singer. Nagpapanggap lang. Ayos naman ang tono ng boses ko pero 1.5 octave lang ang range ko. Basta hindi ako panlaban sa mga contest.

E ang hirap din maghanap ng kanta na nasa loob ng range ko. Dapat minus one ang tape para marinig ang boses ko.

So hanap tayo neto sa Odyssey. Music store yun. Meron pa ata nun sa mga mall.

Nang makakita ako ng magandang tape na minus one, binili ko na. Ang napili kong kanta; Like A Rose by A1.

Eto video:

http://www.youtube.com/watch?v=FO0CYCm9xWE

Like a Rose

Hindi ko alam kung maganda ang naging grade ko pero sure ako, naging memorable ang kanta na yun sa mga kaklase ko. Para daw kasi ke super ex yung kanta.

Bahala na nga sila kung ano isipin nila.

Tuwing Wednesday, magb-blog ako tungkol sa naaalala ko sa aking kabataan. Ito ang aking “Project:  Memory Miyerkules” .

Layunin nitong maisulat paunti unti ang aking talambuhay.

 

Memory Miyerkules: Turned Down

Fourth Year High School. Malapit na ang prom. Wala akong girlfriend noon dahil break pa kami ni Super Ex. Mahirap makapag-back to back promking titles kung wala kang date sa prom night.

Pano to?

Isang Saturday, habang papunta sa A1 driving school sa may bayan, dala ko ang cellphone at nagte-text. Well, isa lang naman ang nasa isip ko na pwedeng humalili ke Super Ex pagdating sa mga ganitong sitwasyon.

Tinext ko siya.

“Wala pa kong date sa prom. Can you be my date?”

Antagal ng kanyang sagot.

Nagsimula an ang 2-hour session ko sa A1. Natural driver naman ako kaya parang breeze lang sa akin ang pagmamaneho. Sinabihan lang ako ng instructor kung saan pupunta at kung saan iikot.

Hindi ako pwede maglabas ng cellphone habang nagmamaneho. Bawas points yun. Ginalingan ko na lang sa pagda-drive.

Sa galing ko magmaneho, tinulugan ako ng instructor. Chance ko na to. Nilabas ko ang cellphone.

Wala pa rin text.

Drive pa ko, dalawa, tatlong stop light.

Wala talagang reply.

Natapos ang aking driving lesson pero hindi pa rin pumasok ang text message. Wala na kong pag-asa.

“Sige po. Alis na po ako, til next time po,” sabi ko sa mga tao sa A1. Sumakay na ako ng jeep pauwi.

Hindi pa nakakaandar ng malayo, tumunog na ang cellphone ko.

Exciting. Sana pumayag siya.

“Sorry, I was asked by Kiko already kanina. I said yes.”

Patay na.. Pano na to? Wala akong date..

Tuwing Wednesday, magb-blog ako tungkol sa naaalala ko sa aking kabataan. Ito ang aking “Project:  Memory Miyerkules” .

Layunin nitong maisulat paunti unti ang aking talambuhay.