Dito Umiikot Mundo Ko
-
RECENT COMMENTS
- kamote king on FlipTop Battle Emcees REAL NAMES
- kamote king on FlipTop Battle Emcees REAL NAMES
- kamote king on FlipTop Battle Emcees REAL NAMES
- May on Getting A Ducati – My Dream Bike Since I Got My First Old Spice
- Kaylum Circle on Sumigaw Ako Sa Trabaho For More Than An Hour. Hindi Ako Napagalitan. Pinuri Pa Ako
- Kaylum Circle on Lahat Pwede Bawiin, Pag Sinabi Mo JOKE LANG
- promking on Lahat Pwede Bawiin, Pag Sinabi Mo JOKE LANG
- promking on Sumigaw Ako Sa Trabaho For More Than An Hour. Hindi Ako Napagalitan. Pinuri Pa Ako
Tag Archives: abra
3 Of the Best Videos This Week
Para naman matuwa ang nakararami, bigyan muna natin ng pagpupugay ang mga nag upload ng videos this week.
Unahin na natin ang video ng mga INMATES sa CEBU:
Due to insistent public demand, the world renowned dancing inmates of Cebu finally had their own version of Psy’s Gangnam Style music video.
Umuulan pa nun pero hindi nagpatinag ang dancing inmates. Prison is MORE FUN in the Philippines talaga. Credits to Mark Anthony Bautista for taking the video.
Next Video, ang MMK Parody ng Mocha Girls with the title “Canton”
Super Sexy ng Mocha Girls lalo na si Mae. Nakakatuwa talaga sila. Hindi lang sila magaling sumayaw at kumanta, may talent din sila sa acting.
Pero syempre, pag Canton ang pinag-uusapan. Pinakamasarap pa rin yung Canton ng MochaGirls.
Lastly, si Abra ng Lyrically Deranged Poets.
Nilabas na niya ang video ng GAYUMA. Antagal ko nang inaantay to. Kung maaalala ninyo, nagamit na reference ni Shehyee to nun TeamSS vs TeamLA sa FlipTop Dos Por Dos semis. (Ang GAYUMA mo ay para kay Crisostomo Ibarra).
Laugh Trip. Andaming cameo ng mga FlipTop Battle Emcees. Batas-LUTO!
Posted in Videos of the Week
Tagged abra, cebu, dancing inmates, mocha girls, prison, videos of the week, youtube
Catch The Top Battle Emcees at Club Coco this September 13 Thursday
September 13, 2012, Thursday, sa Coco Super Club sa Laguna. Madali lang puntahan yun. Sumakay ka lang ng bus papunta sa Pacita, madadaanan na yung lugar.
Top Battle Emcees. Actually, hindi lang yung mga battle emcees, andyan din ang mga malulupit na rapper.
Eto ang poster para hindi kayo maligaw.
Para sa balita tungkol sa event na ito, i-like ninyo ang CocoSuperclub FB fan page.
Kung hindi mo naintindihan ang poster, 200 ang entrance fee. Nandun si Smugglaz, Joseph Amara, Mike Kosa, Abra, Zaito, Daddy Joe D, Negatibo. Free 2 drinks.
Si J-Hon ang emcee, so malamang, 28 years na naman bago mag-start ang mga battle.
Magkita-kita tayo dun.
Nabalitaan ko lang din ang event dahil sa video na to:
Congrats nga pala kay Smugglaz at Shehyee, sila ang nag-champion sa Dos Por Dos!
Posted in Swoosh News
Tagged abra, Club Coco, Coco Super Club, smugglaz, target, Zaito
Counter Blog: OPM isn’t dead you idiot.
Basahin ang original post dito: CLICK HERE.
Tama, OPM is not dead, at tama rin na matuturing na BOBO o INUTIL ang nagsasabi na dead na nga ang OPM.
Unang-una, hindi lang Pop at Rock ang music genre na meron ang Pinas. Meron din tayong Hiphop na pinamunuan ng ating Master Rapper na si Francis M, may he rest in peace.
2 years ago nang mabuo ang FlipTop Battle League. Matapos ang ilang buwan, nag-decide ako na pakinggan na rin ang musika ng mga Battle Emcees dahil na bore ako sa kakaulit-ulit ng mga battles nila Dello, Batas, Loonie, Abra, Zaito, at Target. Para na rin malaman ko kung anong kanta ang ginagamit nila sa intro nila.
Nagulat na lang din ako dahil andami palang mga kanta na ginawa ng mga taong ito bago pa man umusbong ang FlipTop. May mga YouTube Channels sila at may mga soundcloud accounts kung saan pwede mo mapakinggan ang kanilang mga obra. Hindi naging mahirap sa akin ang paghahanap ng mga kanta nila.
At na-enjoy ko naman talaga dahil nakaka-appreciate naman din talaga ako ng hiphop.
Bilang patunay, eto ang ilan sa mga accounts nila na pwede mong pakinggan ng kanilang mga kanta:
http://skwaterhawz.blogspot.com/ http://www.flipmusicproductions.com/Sample lang yan dahil yan lang ang mga alam kong Web site from the top of my head. Yung mga artists ngayon, bakit kaya hindi nila subukan na gawin ang ginagawa ng mga ito.
Gawa lang tayo ng kanta at upload lang. Mapapansin din tayo. Kung nasa puso mo talaga ang musika, bakit hindi?!
At wag kang umasa na sa isang kanta lang e sisikat ka na!