Tag Archives: aegis

I Am BPO #BPOandProud

#hellowork #nescafe

I have never been to any other business than BPO. Naalala ko pa noong nagsimula ako, I graduated February, and I forced myself to start to work as early as April dahil gusto ko, I will host a big party on my 21st Birthday. I chose BPO.

Started with People Support, which became Aegis, and then Teleperformance. Applied in one company, but I ended up having three.

After a good 8 hours of switching from one LOB to another, and landing a TL post in the process, I took my talents to a better business; Healthcare management. I am now a Certified Healthcare Consultant Specialist.

I love being part of the BPO industry. Gusto ko yung schedule na hindi sabay sa usad ng karamihan. Gusto ko yung puyatan sa gabi pero tulog sa umaga. Gustong-gusto ko yung sweldong malaki. Gusto ko yung holiday pay na minsan ay double o or more than double. Higit sa lahat, gusto ko yung LIBRENG KAPE sa pantry.

You may see me doing other jobs; blogging, events, marketing, sales, business brokerage, and even Network Marketing, pero…

My Bread and Butter is still BPO.

#BPOandProud

Salamat Nescafe para sa Good Vibes.

 

Ex-Aegisites RAGE About Aegis Video Moving To Malaysia

Hanep, Rage. Parang skill lang sa clash of clans.

Sino ba naman ang hindi maaasar, maiinis, at magagalit? Matapos kaming pagkakitaan sa loob ng anim na taon mahigit, gaganituhin ninyo kami?

no aegis

no aegis

Parang 5 year relationship na nauwi sa breakup.
Yung kinasal ka pa sa San Agustin Church tapos, divorce din pala.
Buti na lang hindi tayo nagka-anak.

Mga pare kong Indian, hindi rin naman din kami naging masaya nung nabili ninyo kami mula sa People Support. Tinanggal ninyo ang libre naming kape. Kahit hindi ako nagkakape, importante sa akin yun.

Naging sobrang kuripot niyo rin sa amin; sa maraming bagay. Nauso ang sharing ng workstations at naging less bongga ang mga party. Kulang kami sa pakulo at perks. Medyo boring din talaga ang naging relationship natin.

Buti na lang naka move on na kami. May bago na kaming lovelife. Teleperformers na ang tawag sa amin. Pagbubutihin namin to gaya ng ginawa namin dati. Hindi sila magsisisi.

Tang ina niyo lang, pramis.

Eto ang nasabing video:

 

I was really disappointed on this video.. just to cover your ass. You have to post this. Like telling us that 6 plus years you didnt gain money?.you f*uckin did… you were so proud and happy before, yet now you junk the country like a piece of sh*t…if i only have my tp lanyard with me now,. Ill be proudly removing what i’m wearing.. – Jhulz

 

Can’t afford to continue their business here so they settle for a CHEAPER location that’s what this video means. Come on, in fact mas madami sila kalahi dun mas magkakaintindihan sila ‪#‎ifuknowwhatImean‬‪#‎helloTeleperformance‬ – Rommel

Day 7: 7 People Worth Following In Twitter/Facebook/Google+ #30DaysBlog

7 in 7. Mukhang dun na nga papunta to.

day7of30

day7

Syempre, promote ko na lang sarili ko. Lalayo pa ba tayo.

Also, Gigs Manila. I contribute to the site.
Then Victoria Court dahil sponsor sila ng blog ko last month.
Travel Factor dahil part ako ng company as Senior Travel Coordinator.
At dahil ayoko maging unfair, Aegis! Kahit nabili na kami ng TP.

1) Kampeon Ng Pagibig on Facebook.

2) My Twitter

3) My G Plus
https://plus.google.com/u/0/118215695983349976998

4) Gigs Manila

5) Victoria Court

6) Travel Factor

7) Aegis

Bagong Bisor ng Aegis People Support

Pasensya na po sa mga fans ng blog na to kung hindi na kayo nakakabasa ng updates. Isang buwan na rin kasi nung nabigyan ako ng bagong role sa kumpanya bilang Bisor.

Supervisor. Team Leader.

Aegis People Support

Aegis People Support

Ibig sabihin nito, hindi na ako yung araw-araw na tumatapos ng 80 tickets sa Backoffice Queue. Binigyan ako ng isandosenang mga agents para i-motivate at i-monitor ang kanilang trabaho.

Isandosena, actually, labintatlo. Nadagdagan kasi ng isa matapos ang 2 weeks.

Isa pa, hindi na ako pang-umaga. Hindi na ako anak ng Diyos sa schedule ko. Yung dating 7am-4pm with weekends off ko, napalitan na ng 8pm-5am with Tue-Wed rest days. Yung dalawang taon ko sa pagiging pang-umaga, napalitan ng araw-araw na puyatan.

Kailangan ko na nga ata siguro magsuot ng damit ng Heller Designs na T-Shirt na to:

Araw-araw puyat by Heller Designs

Araw-araw puyat by Heller Designs

Pasensya na at hindi consistent ang pagsusulat ko dito. Pasensya na kung hindi ako nakakapagsulat ng Memory Miyerkules. Pasensya na kung outdated na yung mga event invitation sa sidebar.

Pag natimpla ko na ng maayos ang schedule ko, back to regular programming tayo, pero mukhang matagal pa yun.

Salamat nga pala sa mga manager ko na nagtiwala sa kakayahan ko, ganun na din sa mga TL na hindi umangal sa pagkaka-promote ko. Salamat na rin kay @penTells sa pag-push sa akin sa pag-apply.

“Mag-apply ka na kasi, para pag-pinakilala kita sa tatay ko, bisor ka.”