Tag Archives: agent

Sup Call

Ngayon ang unang araw ng pag-take ko ng supcall. Medyo na promote kasi ako galing sa isang Executive/ Call Center Agent papuntang Executive/Call Center SME. Kami ang nagta-trabaho ng mga medyo komplikadong trabaho na hindi kayang tapusin ng mga Call Center Agent.

Sa Call Center industry, SME is the short term for Subject Matter Expert. May mga ganitong posisyon usually sa mga Technical Accounts kung saan kailangan ng experience tungkol sa products na ino-offer ninyo. Hindi kasi lahat ng tao, kaya kabisaduhin ang pasikut-sikot ng isang application o program.

Kahit ako SME na, hindi ko pa rin masasabi na lahat ng gusot sa mga produkto na handle namin, e kaya ko nang lusutan. Syempre, andyan pa rin ang mga hindi ko kabisado na Enterprise Accounts. Buti na lang meron mga mababait na bisor ang tumutulong sa akin pag may hindi ako naiintindihan.

Stepping stone talaga ang move ko na ito. I will make sure na pagkatapos nito, supervisor position na ang kakanain ko. Kelan pa kaya yun? So ayun ang balita sa akin. Pasensya na hindi pa ako makakapanlibre dahil may binabayaran pa ako. Pero sa birthday ko this year, maghahanda ako sa bahay.

Punta kayo ha.!

Trabaho: 46 tickets

Sa wakas, dumating na rin ang pinakahihintay ko; ang makuha ang raffle tickets para manalo ng iPod Touch. At dahil isa akong performer, (sa trabaho man o sa stage) binigyan ako ng 46 tickets.

Isang campaign kasi ang pinapatakbo ng aming kumpanya para ma-motivate ang mga empleyado. Para sa akin, effective ang ganitong campaign, dahil alam mo na sa kahit na anong hirap ang ipagawa sa iyo, alam mo na may makukuha ka na higit sa iyong basic pay. Maswerte nga kami at meron pa kaming ganito, samantalang ang ibang mga kumpanya, nagtatanggalan na ng mga empleyado. Pasalamat na lang ako at hindi ako natatanggal, kahit na medyo pasaway ako minsan.

46 raffle tickets, maari ko itong ipagyabang. Madami yung 46. Yung iba sa amin, 23 lang, o kaya 19 tickets lang. Isa ako sa mga top performer kaya hindi kataka-taka na makakuha ako ng ganito karami.

Pero tandaan natin na raffle ito. Walang kwenta ang dami ng tickets mo kung hindi naman ito mabubunot. Wala naman itong kwenta kung mahahalo lang sa ibang mga ticket ng ibang tao at maiiwan sa tambiyolo. Kulang ang isipin lang na nagawa mo na ang lahat ng kaya mo. Kadalasan, kailangan mo ng higit na swerte para manalo.

Kung mabubunot ang ticket ko, edi masaya. Kung hindi naman, ok lang. Basta para sa akin, sapat na ang nagawa ko. At dahil higit pa ang nagawa ko kesa sa mga nagawa ng iba, may karapatan ako magyabang. 46 tickets yun. Hindi basta-basta.

Ipagpi-pray ko na mabunot ang napakaswerte kong pangalan. I have 46 chances of winning.

Walang imposible.

I am the best Hosting Agent.

PS.

Just got my 500 SodexHo GC. Top 3 for May.. woohoo!!