Tag Archives: aldub

8 Things To Watch Out for – ALDUB Movie – Imagine You And Me

#IYAM

Ugali kong gumawa ng list na uunahin ang title at mapapasubo na lang sa content. Ganun talaga  pag susubukan mo magsulat tungkoil sa much awaited movie ng sinusundan mo na love team kahit hindi ka naimbitahan sa blogcon kahapon. O well, basta ako, manonood ako on its frist few days.

Kaso wala pa akong kasama.

Habang nag-aantay ng reply ng possible date, tirahin ko na tong list na to. Bago pa matira ng iba.

Here are my 8 things to watchout for in ALDUB’s first movie Imagine You and Me: Continue reading

Alden Richards Wardrobe By URBAN GENERATION

#TrendyAllTheTime talaga tong si Pambansang Bae.

Konting pa-cute lang, ilabas ang dimples – gwapo na. Samahan mo pa ng positive attitude at ever thankful na disposition, with a dash of pagiging madasalin, aba… Perfect Bae.

Buti na lang ngayon, pwede na ako magpaka-Alden Richards, kahit sa attire lang. Since 2012 kasi, si Alden Richards na ang endorser ng Urban Generation, isang humble department store sa Old Manila.

Sa store mo makikita yung mga sinusuot ni Alden araw-araw sa Eat Bulaga.

Continue reading

Pinakamabigat Na Feeling

Mahal mo e.

Mahal na mahal. Alam mo ang totoo. Handa kang sabihin. Handa kang ipaglaban. Handa kang magsakripisyo.

Pero hindi pwede.

Kahit pagbali-baliktarin mo ang mundo. Isuot mo man ang brief mo sa labas gaya ni Superman. Maglagay ka pa ng sinturon gaya ni Batman. Gamitan mo man ng kutsara, kutsilyo, lagari. Ilawan mo man ng lampara, lighter, kandila, flashlight, o spotlight. Ilang ulit mo man nguyain ang Lotte Blueberry chewing gum. Tumalon ka man sa susunod na pagtapat ng orasan sa Bagong Taon. Hindi pa rin mangyayari.

Imposible.

Posible pero hindi pwede.

Gusto mo.

Pero ayaw ng tadhana.

Feeling mo handa ka na.

Handa na kayo.

Pero hindi pa ito ang Tamang Panahon.

Hindi pa hinog ang bunga.

Hindi pa angkop ang sangkap.

Hindi pa mainit ang kawali.

****

Yan yung naramdaman ko sa Kalyeserye episode kahapon, October 14. Kababalik lang ni Alden mula sa 7 day absence. Busy ata siya sa mga commitments niya here and abroad. Sakto naman na aalis si Yaya. Pupunta daw ng Cebu. Magbabakasyon sa mga kamag-anak niya doon.

Wala kang magagawa. Yun ang dapat mangyari. May kanya-kanya kayong buhay.

Sabi nga ni lola,

“Masyadong malaki ang mundo para paikutin mo lang sa iisang tao.”

“Ang mga mata ninyo ay nagtatagpo, nag-uusap. Ipikit niyo lang at higit niyong mararamdaman ang tibok ng puso niyo.

“Ang hindi kayang hawakan ng kamay mo, hawakan mo ng puso.”

 

 

Special Moments:

Na-late ka ng dating.

He shouted “Maine” instead of “Yaya”.

Ipikit niyo lang, at higit niyong mararamdaman ang tibok ng puso niyo

ALDUB notes : #ALDubEBforLove RECAP

25M tweets. Wow.

Pero syempre, hindi ako magpapahuli.

Sa dinami dami ng quotes / lessons / learnings ng September 26 episode, hindi ko na dadagdagan pa. Umakayat na ng ligaw si Alden, at kinilig tayong lahat. Sapat na yun.

Pero gusto ko lang i-point out ang scene na ito.

Pauwi na si Alden. Nakapagpaalam na siya sa mga lola. Nagpapaalamanan na sila ni YayaDub. Naibigay na ni YayaDub ang love letter na sinulat kanina. Hindi natin alam kung kailan sila magkikita uli.

Per kailangan ng souvenir. Hindi sapat ang pictures na lahat naman ay makakakita. Dapat may something special. Dapat may take away. Something na common pero pahahalagahan.

Pwedeng ticket sa sinehan kung nanood kayo ng sine.
Pwedeng resibo sa restaurant kung kumain kayo sa labas.
Pwedeng tissue paper, di ko alam kung saan galing, basta kung meron, GO!

Pero sa eksenang ito, panyo ang naging souvenir.

panyo 2

panyo 2

Pinagpawisan.

Galing sa kaba.

Galing sa hindi mapakaling pagkakakilig.

Galing sa hindi maipaliwanag na nadarama.

Something na pwedeng itago ni YayaDub. Amuy-amuyin, langhap-langhapin. Ilagay sa altar at dasalin na agad silang magkita muli.

At alam na niyo siguro kung kanino galing ang panyo:

panyo

panyo

Malupit pa rin talaga si bossing pagdating sa mga panliligaw moves.

More power bossing!