Tag Archives: alkansya

Memory Miyerkules Kupit

Meron akong alkansya dati. Yung bahay na kulay silver. Mabigat yun. Hinuhulugan dapat ng barya yun.

Ang kaso, nang madiskubre ko na pwede pala siya buksan sa ilalim, hindi na ako naghuhulog doon ng barya. Nanay ko na lang. Hindi ko nga alam kung naghuhulog talaga siya, ang alam ko lang, mabigat ang alkansya dahil mahirap yun buhatin.

alkansya

alkansya

At talaga namang napaka-ingay ng mga barya sa loob kapag itataom mo yung alkansya para buksan ang pinto at makuha ang mga barya.

Panahon noon ng malalaking piso. Si Fidel V Ramos ang presidente at trip ng Bangko Sentral na paliitin ang piso. Kaya naman hindi na ako nagdadalawang isip pa sa kada kukupit ako ng barya para bumili ng Fanta. In a few months kasi, magiging obsolete na ang malalaking mamiso at mawawalan na ito ng halaga.

Yan ang parati iniisip, para naman guilt-free ang pangungupit.

Pag bumibili pa ako ng Fanta noon, hindi ako lumalabas ng bahay. Inuutusan ko ang yaya ko na bumili. Hindi naman siya nagtatanong kung saan ako nakakakuha ng pera. Siguro, happy na rin siya makalabas ng bahay. Mabilis naman siya makabalik kaya ayos lang.

Memory Miyerkules ang tawag sa aking proyekto para ibahagi ang kwento ng buhay ko na may kinalaman sa sitwasyon ko ngayon. Bukod sa pagbibigay ng maiksing intro para sa mga susunod na blogpost, layunin din nito na maibahagi ang aking talambuhay.

PS Bank Savings..

Matagal ko na pinapangarap na magkaroon ng Savings account. Para naman hindi pang estudyanteng style ang ginagawang kong pagtitipid gamit ang 10 litre mineral water bottle. Maliit daw kasi ang nasi-save pag ganun ang style mo.

Kaya nang pumasok ang 13th month pay, sinigurado ko na ang fraction nito ay gagamitin ko pambukas ng savings account sa bangko.

Ang napili kong bangko; Philippine Savings Bank, aka PS Bank. Continue reading