Tag Archives: anygma

FlipTop Qualification Requirements (For August 7, 2015 Tryouts)

#FlipTop
#BattleRap

To try your luck in the Fliptop Battle League, MC Anygma, the league’s president shared his announcement on his fan page.

fliptop qualification requirements

fliptop qualification requirements

purchase Clomiphene uk 1) Become a REAL Rapper.

2) Submit your Information

  • Send in a message on http://www.facebook.com/mcanygma.
  • Real name, emcee name, full address, age, and birthday.
  • Affiliations (label, team, group).
  • Songs/battles (if available).

3) Prove your Lyricism

If you are from NCR / Luzon

  • 16 bars for battle rap (written or recorded).
  • 16 bars for song (written or recorded).

If you are from VISAYAS / MINDANAO

  • 2 sets of 16 bars for battle rap (written or recorded, Tagalog).
  • 16 bars for song (written or recorded, any dialect).
  • 16 bars for song/battle rap (written or recorded, vernacular).

Note: submit this on mcanygma’s fb page.

4) Be present during the Tournament.

  • August 7, 2015
  • Everyone who receives a go from Anygma will have a place in the Tournament.
  • P500 entrance fee for the Tournament.

DEADLINE: August 1, 2015

Target and KJah @ Vuclip Event – battle rap review

Astig ang laban na to. Ganito talaga dapat ang talastasan. Ibang level kasi si KJah at sinabayan siya ni Target sa ganitong klase ng battle, at masasabi ko na mahusay ang pagkaka sabay ni Target.

First to spit si Target at usual na Fliptop ang ginamit niya. Nang bumitaw naman si KJah, dinala niya ang battle sa palaliman. Nag-expect si Target ng bitaw na pambebenga na usual sa laban sa Fliptop pero hindi siya nakakuha kahit isa.

Kaya sa round two, bumitaw si Target na naghahamon kung ano ba talaga ang gusto ni KJah na klase ng laban. Syempre, handa si KJah sa pagsagot na pagkampihan at pagtuturo sa ibang tao kung ano ba talaga ang pinaglalaban nila sa Fliptop.

Pero akala ko talaga, sa round three, hindi makakasabay si Target. Mali ako. Napataas pa nga ako ng kamay nun na parang si Robin Padilla. Ang huling verse naman ni KJah ay pagpapatunay na hindi nagkamali ang Vuclip na imbitahan ang Fliptop na mag-endorso ng kanilang produkto.

Anlupit ng battle na yun. Palaliman talaga. Oo, mas malalim si KJah pero bilib pa rin ako kay Target dahil nasabayan niya ang gustong klase ng battle ni KJah.

Hindi ko alam kung ano ang Vuclip at kung binayaran nila ang Fliptop para mag-perform sa event na yun. Pero isa lang ang nasisiguro ko, hindi sila nagkamali sa pagkuha ng mga battle emcees na mag endorse ng products. Magaling si KJah sa palaliman na parang technology na ini-introduce ng Vuclip. Mahusay din si Target na parang flexibility ng product na kung ano meron ang Vuclip.

Ibang level na ang Fliptop. Product endorsers na!

Mumurahin Kita Bilang Respeto Sayo, Batas vs Righteous One

Nung una kong beses nalaman na may laban si Righteous1 ke BATAS sa Ahon 2 ng Fliptop Battle league, parang gusto ko tawagan ang Fliptop president na si Anygma para sabihin na may mali sa poster niya. Akala ko trip lang nila yun.

Pero seryoso pala sila.

Kung sa bagay, si BATAS lang naman ang may lakas ng loob na umalipusta kahit na sino. Kung ibang battle emcee ang ihaharap mo, baka maawa lang kay Righteous1 at bumitaw ng mga mahihinang lines.

Kung susuriin mo ng mabuti yung mga banat ni BATAS, napaka-teknikal ng mga panlalait niya. Ang ganda ng istorya. Ang ganda ng wordplay at ang husay ng bitaw. Hindi siya nagpakita ng awa.

Tinignan niya si Righteous1 bilang kapantay niya sa liga ng battle rap. Hindi niya ina-under estimate yung kalaban niya. Respeto sa kapwa battle emcee.

Dahil sa battle na to, tumaas ang respeto ko sa kakayahan ni BATAS. Karapat-dapat siya sa liga.

Kayo, ano ang take ninyo sa laban?

Nilalabas ng FLIPTOP ang mga bagong laban tuwing Wednesday at Saturday. SUBSCRIBE na sa kanilang channel: http://www.youtube.com/user/fliptopbattles

Definition: Anygmatism

A person’s state of running FlipTop battles on his head.

Kung baguhan ka sa rap game at wala kang alam tungkol sa pagkamatay ni Francis M, dapat mong kilalanin ang mga malulupit na hiphop sa panahon ngayon. Kailangan makilala mo ang mga pangalan nila at kung saang grupo sila nagmula.

Yan ang pinagkaka-abalahan ko ngayon, ang makinig ng Filipino Rap Battles sa Youtube.

 

FlipTop

Malulupet kasi talaga sila. Kung akala mo ay ginagamit lang ang Balagtasan sa panliligaw at pagpapatawa, nagkakamali ka. Gaya ng ginagawa sa 8-mile ni Eminem, ginagamit na rin ang pakikipag-talastasan sa mga duelo.

Ang pinakamalupet na kinikilala ko ngayon ay si BLKD (Balakid). Alam ko UP student siya. Aktibista kung maituturing pero malulupit ang kanyang mga simile at hyperbole patungkol sa gobyerno, simbahan at sa buhay ni Juan De La Cruz.

So far, eto ang pinaka-idol na laban na nakita ko. Panuorin ninyo sa link na ito.

 

BLKD
BLKD

Pag kayo, may di pagkakaintindihan ng kaibigan mo, sure ako masi-settle ninyo yan sa isang fliptop battle. Hanapin na lang ninyo si Anygma para mag “referee”.