Tag Archives: artista

Artistahin Ka Ba?

Feeling mo siguro sikat ka na nyan. Feeling mo maganda ka at marami kang talent. Well Feeling mo lang.

Ang totoo, kailangan mo ng gabay para magamit mo sa tama yang talento mo. Nung bata ako, sumasali rin ako sa mga acting workshops. Lead roles ang mga nakukuha ko sa aming school plays. Kaya kong makipaglaban na parang si Aliguyon sa harap ng entablado.

Pero duwag ako pag dating sa malakihan na workshops.

Alam ko mas matapang ka kesa sakin. Sure ako na naghahanap ka na rin ng makabuluhan na gagawin ngayong summer.

Bat di ka mag-register dito:

Artistahin ka ba

“Unang Sine Pinoy National Summer Workshop” by D’ream Arts Production

 

Balita ko gagawa daw ng 15 movies ang project na ito. Kakailanganin nila ng napakaraming videographers, linemen, support staff at syempre, mga artista. Full length film ang target kaya sana, mahuhusay ang mga makukuha.

Isipin ninyo na lang na pampalawak na rin ito ng inyong portfolio. Gusto ko talaga sumali!

Memory Miyerkules Artista

May talent ako sa pag-arte. Kapag may school plays, sa loob lang ng klase o sa buong school, parati akong sinasali. Kadalasan nga, ako pa ang bida.

First Year High School. And title ng play at “The Prowess of Aliguyon”. Si Aliguyon ay isang mahusay na mandirigma noong panahon bago pa makarating ang mga Kastila. Magaling siya sa trumpo nung bata pa siya at mahusay siya sa espada nung paglaki niya.

Ako ang gumanap na Aliguyon sa play.

Meron sa play namin na fight scene. Imbes na espada ang gamit namin, tubo. Para maganda ang tunog. Actually, dapat kawayan lang yun o kaya naman ay arnis, pero hayaan mo na, tapos na e.

Ako ang nag-choreograph ng fight scene. May leg sweep pa nga kami at meron jump and slash. Tapos, meron din parry left at parry right. May part pa na mabibitawan ng kalaban ko yung espada niya. E since patas lumaban si Aliguyon, bibitawan ko rin ang espada ko. Para hand to hand combat naman ang kasunod.

Ewan ko ba kung bakit hindi ko pinursue ang pag-aartista. Siguro kasi, hindi ako sobrang gwapo. Katamtaman lang. Tsaka tamad din ako.

Magaling akong artista, pero hindi ako maarte.

At ayoko rin sa maarte.

Tuwing Wednesday, magb-blog ako tungkol sa naaalala ko sa aking kabataan. Ito ang aking “Project:  Memory Miyerkules” .

Layunin nitong maisulat paunti unti ang aking talambuhay.