Tag Archives: bagyo

Swoosh News: Jacque Bermejo

Kung magri-research ka ng pinaka-hot na topic sa internet ngayon, malalaman mo na bukod sa Bagyong Ondoy, e mayroon na mas malakas na unos pa na dumating sa isa nating kababayan sa pangalan na Jacqueline Bermejo. Sa dami daw ng text messages at emails at comments na nakukuha niya, mistulang Bagyong Ondoy na rin ang sumalanta sa kanya ngayon.

Sino ba si Jacque Bermejo?

Napag alaman ko galing sa iba’t ibang blog sa internet na si Jacque Bermejo ay tunay na tao at hindi kathang isip lang. Meron siyang mga pictures sa Multiply at sa Facebook. Kasalukuyan siyang nagtatrabaho sa Dubai bilang isa PR officer. Continue reading

Getting Ready for SUPER Typhoon Pepeng (Parma)

Kakaalis lang ni Bagyong Ondoy. Tinangay niya kasama ng ating mga gamit sa bahay ang ilang daan sa mga mahal natin sa buhay. Kapalit nito, nag-iwan siya sa atin ng mga mapapait na karanasan, mga nakakaawang litrato at mga hindi kailanman malilimutang eksena na sumira sa tahimik nating mga buhay at bahay.

Nakakalungkot isipin na hindi pa nga tayo nakaka recover sa trahedyang ito, may paparating na naman na bagyo. Sabi sa report, malakas daw ang hangin nitong si Bagyong Pepeng. Hindi pa sigurado kung ganoon din kalakas ang ulan pero sure ako, magiiwan na naman ito ng bakas sa ating kaawa-awang bansa. Sana lang wag na ito kumuha ng mga buhay. Continue reading

Bagyong Ondoy

Nagtaas ng signal number 2 ang PAG-ASA. Ewan ko ba  kung bakit yung signal number na iyan, hindi ganoon ka reliable. nakakapikon lang.

Birthday kasi ng lola ko sa Bulacan. Meron kaming schedule ng get together for Sunday. At dahil nga sa forecast ng PAG-ASA na sa gabi pa darating ang mata ng bagyong Ondoy, kampante naman kami na pumunta sa SM Hypermarket para bumili ng ipa-pot luck para sa birthday part ng lola ko sa Bulacan.

Pero pagdating dun sa kalsada, tignan mo naman kung gaano kataas ang tubig. Continue reading