Tag Archives: barangay

NBA 3on3 sa Pinas

Sa bawat barangay sa Pilipinas, nagkakaroon ng pa-liga ng basketball. Basta may basketball court, mapa whole court of half court man yan, siguradong may magpapa-liga dyan pag summer.

Patapos na ang summer. Pasukan na sa Lunes. Sigurado ako may mga nakoronahan na na mga kampeon. Sigurado ako, tinanghal na ang Mythical 5 at MVP ng bawat barangay.

Pero ano na ang gagawin sa mga kampeon na ito? Hanggang doon na lang ba yun? Wala na ba silang makakatunggali? Sayang ang kanilang talento. Bat hindi natin sila dalhin sa NBA?

Para saan pa at tinawag tayong Basketball Country?

 

NBA 3on3

NBA 3on3

Ni-launch ng Sprite at NBA Asia ang NBA 3-on-3 sa Pilipinas last Friday sa isang restaurant sa Makati. Under ng NBA rules, maghaharap-harap ang mga koponan sa kanya-kanya nilang division.

Age Divisions

  • Boys Divisions:
    • 13 & Under
    • 15 & Under
    • 17 & Under
    • 19 & Under
    • Men’s Open Division
  • Girls Divisions:
    • 15 & Under
    • 19 & Under

    Suggestion ko sa mga Barangay, maghanap na kayo ng sponsors para maipasok ang mga championship teams ninyo. Dalhin pa ninyo ang pangalan ng Barangay para medyo sikat. Dito kayo sa link na ito mag-register. (Early bird registration until June 10, 2011)

    Sa July 1-3, 2011 sa Mall of Asia gaganapin ang tournament. Bawat team ay may apat na players (tatlo sa loob, isang pan-sub). Bawat half ay 5-minutes na stop time. May free throw, shot clock at 4-foul graduation. Race to 21 ang laro. Paki-click na lang ito para sa rules.

    Para naman sa mga hindi kasali sa tournament, magkakaroon din ng side games. May 3point shooutout, slam dunk contest, at basketball skills contest. Paki-check dito ang list of side games.

    Ang ating 4-time champion at NBA Legend na si Horace Grant ay dadalaw sa Pinas para sa event na to. Yung mga basketball fans dyan, eto na ang chance ninyo na magpa-picture.

    Darating din ang New York Knicks City dancer. Gusto ko sila mapanuod!

    The New York dancer

    The New York dancer

    Eto ang full facts sheet ng event.

    2010 Barangay Elections

    Nakakatuwa sa Barangay namin.

    Kung sa iba, kaliwa’t kanan ang pangangampanya 10 days before the elections, sa aming barangay, tahimik. Makikita mo lang yung mga kumakandidato na kumakaway sayo- pero wala nang mga tarp, wala nang mga campaign jingle. Sure din akong walang bilihan ng boto.

    Maliit lang ang barangay namin. Dalawang kanto lang ata, at medyo sikat din ang aming incumbent barangay kapitana. Kilala ko ang mga kagawad namin, pero hindi sa pangalan. Kilala ko lang sila sa mukha.

    Kanina, pagkatapos ko mag lunch, naligo ako at nagpunta na sa Quirino School. Dun kasi ako boboto.

    Pumasok ako sa room 312. Isa lang ang bumoboto nun, kaya mabilis lang ang naging proseso ko; check ng pangalan, thumbmark, kuha ng balota, upo sa armchair.

    Tumingin ako sa kodigo.

    Isa lang ang chairman na tumatakbo. Pito naman sa Kagawad.

    Tinignan ko ang aking balota; kailangan ko ng pitong kagawad at isang kapitan.

    Aba. simple lang talaga to. Hindi mo na kailangan pumili. Wala silang mga kalaban e. Sila-sila lang din.

    Kaya ang ginawa ko, para maiba naman. Inuuna ko ang apelyido ng kandidato bago ang kanyang pangalan.

    Tapos, pinagbali-baliktad ko na rin yung pagkakasunud-sunod ng mga kagawad. Alphabetical order kasi yung nasa kodigo. Ayoko mahalata ng COMELEC na nangongopya lang ako.

    Sumatutal, panalo ang lahat ng binoto ko. Sure na yun. Di na ko magba-blog pag may iba pang nanalo.

    Speaking of boto – balita ko, botong-boto sa akin ang parents mo a. So pano, tayo na ba?

    *rakenrol*