Summer ng pamilya sa beach. Kumpleto kami.
Naisipan namin mag-pose sandali at kumuha ng group picture bago lumusong sa dagat. Trademark na ata ng pamilya namin ang mabilis makahanap ng sariling pwesto sa isang frame ng picture.
Ang problema nga lang, ang mga malilikot na bata.
Sobrang bata pa ang bunso kong kapatid noon. Medyo may kalikutan din siya. Pero ok naman siya mag-pose pagdating sa pictures.
Nakakatuwa nga, kahit mainit ang sikat ng araw, nakuha pa namin mag-pose.
Ready 1-2-3. Click.
Maayos ang pagkakakuha ng litrato.
De-film pa ang uso noon. Kaya medyo natagalan bago namin nakita ang mga sarili namin sa picture.
Nang ma-develop na ang picture, nagtaka kami lahat. Hindi pa kami nakakalusong sa dagat pero basa na ang bunso kong kapatid na si Choy.
Hanep.
Napaisip tuloy kami, paanong nakalusot sa amin yun. Imposibleng magpunta siya sa dagat at makabalik sa sand para mag-picture.
Paano kaya siya nabasa na hindi pa lumulusong sa tubig?
Tuwing Wednesday, magb-blog ako tungkol sa naaalala ko sa aking kabataan. Ito ang aking “Project: Memory Miyerkules” .
Layunin nitong maisulat paunti unti ang aking talambuhay.