Tag Archives: basketball

Memory Miyerkules Free Throw

Summer noon. Bago ako mag grade 3. Nagjogging kami papunta sa Dominican College. May dala kaming bola para mag-basketball doon.

 

free throw

free throw

Kasama ko si Unni, si Marc, si Tito Urso at Kuya Do. Di ko matandaan pero kasama din ata namin si Willie.

Maliit pa lang ako nun. Sobrang liit. Hindi ko pa kaya ibato ng malayo ang bola. Accomplishment na para sa akin ang maihagis ang bola para tumama sa ring. At buong pwersa ko pang ginagawa yun.

Pero this time, may kailangan akong patunayan. Need ko maka-shoot ng Free Throw. Yung hindi tumatalon sa linya. Kailangan ma-shoot, hindi yung tumama lang sa ring o sa board.

Pwersa mula sa wrist, bend your knees, follow thru, yan ang mga pointers na sinabi sa akin ni Tito Urso.

Ginawa ko. Hawak ang bola ng dalawang kamay. Nag bend ako ng tuhod. Ibinuhas ang lakas papunta sa aking mga kamay. Inihagis ang bola papunta sa ring.

Nang mabitawan ko na ang bola, wala na sa aking mga palad ang magiging kalalabasan. Ipinasa-Diyos ko na lang ang kahahantungan ng eksena.

Nakataas pa rin ang aking mga braso para sa follow thru. Hindi ko binababa hanggat hindi pa nalalaglag ang bola sa lupa.

Nakatingin ang aking mga kasama sa ginawa kong Free Throw.

Matapos ang ilang sandali, ibinaba ko rin ang braso ko nang may ngiti sa aking mga labi.

Tuwing Wednesday, magb-blog ako tungkol sa naaalala ko sa aking kabataan. Ito ang aking “Project:  Memory Miyerkules” .

Layunin nitong maisulat paunti unti ang aking talambuhay.

 

Memory Miyerkules Pagod

Friday. First Year HS. First Subject namin sa klase. May experiment sa Science, pero hindi ko talaga kaya lumibot sa classroom para pumunta dun sa sulok kung nasan ang mga kakailanganing gamit.

Sobrang sakit kasi ng mga muscles ko sa binti. Parang pinipilipit sa sakit. Bawat hakbang ay parusa; parusa sa mga kasalanan na hindi ko pa ginagawa.

Nung kahapon kasi, basketball practice. Side step, sa pinakamababang posisyon na kaya mo. Mga benteng zigzag na ikot sa kalagitnaan ng araw. At walang ibang pwedeng inuman na water jug kundi ang jug ni coach.

May pinaghahandaan kaming tournament e.

Eto ang kinalabasan ko ngayon. Hindi talaga ako makalakad. Umuupo na nga lang ako sa sahig para kahit papaano ay ma-relax ang legs ko. Pero pag kailangang tumayo, napapangiwi ako.

Uulitin ko ba kung gaano kasakit? Basta masakit talaga.

Pero may mas masakit pa pala kesa dun.

Tuwing Wednesday, magb-blog ako tungkol sa naaalala ko sa aking kabataan. Ito ang aking “Project:  Memory Miyerkules” .

Layunin nitong maisulat paunti unti ang aking talambuhay.

 

Memory Miyerkules Angel of Refraction

First year High School. Basketball practice.  Kasali ako sa Varsity namin. Hindi naman talaga ako yung tipong pang-ace player. Maliit lang kasi ang population ng school namin kaya nakasali ako.

Excused kami buong araw ng Thursday. May pinaghahandaan kasi kaming competition.  Buong araw, puro ensayo. Takbo dito, takbo doon. Habol ng bola, shooting, execute ng play at focus sa dribbling.

Puro second year ang kasama ko. Hindi kasi active sa sports ang mga kaklase ko sa first year. Ewan ko ba sa kanila. Hindi rin naman sila nage-excel sa subjects pero parang puro pasarap lang ang gusto nila. Ayaw nila ng sports.

Well, yun na nga. Practice. Gunners ang name ng team namin. Code name ko sa Gunners: Spy. Mahilig kasi akong maghanap ng weakness ng team ng kalaban at dun ako nagpo-pokus. Kung hindi sila magaling dumepensa sa tres, dun ako titira.

Small Forward pa ang posisyon ko nun. Hindi pa ko nagsasanay mag point guard. Neto na lang ako nag point guard dahil hindi na ako isa sa mga matatangkad na players. Napag-iwanan na ang height ko e.

Pero nung araw na yun, sa loob classroom namin, may nakatingin sa salamin ng bintana. Ginagamit niya ang angle ng bintana para mapanuod ang practice namin sa basketball court. Kunwari ay tulala sa kawalan pero ang totoo, nanunuod siya sa bawat kilos at galaw namin.

Ganun siya gumalaw.

At sure ako, binabasa niya rin ang blog na to.

Tuwing Wednesday, magb-blog ako tungkol sa naaalala ko sa aking kabataan. Ito ang aking “Project:  Memory Miyerkules” .

Layunin nitong maisulat paunti unti ang aking talambuhay.

we wanted it more

DLSU vs San Beda. Elite 8. PCCL. San Juan Arena.

Pano na to? Nasa strong side natin ang dambuhalang si Sudan Daniel. Sinubukan na ni Ferdinand mag spot at na block ang tira niya. Nag aerial rave na rin si Maui Villanueva pero hindi rin nagtagumpay, shot block pa rin ni Daniel.

Nakay Elorde ang bola. Nakadikit sa kanya ang bantay niya. Six seconds remaining sa shot clock. Walang oras to setup another play.

Puso lang ang pwede nating ipanlaban. Puso lang.

Nagdrive si Elopre. No choice. Kailangan banggain ang Afro-American na si Daniel.

Hindi gagana ang stop and pop. Hindi rin gagana ang aerial rave. Hindi ka si Macmac para mag tear drop; hindi mo specialty yun.

Inihagis ni Elorde ang bloa. Mataas, muntik nang tutumama sa board. Buti na lang hindi.

Natumba si Elorde, pero hindi naman dangerous ang pagkabagsak. Bahala na si Batman.

Puso lang ang inihain niya. Wala nang iba.

Pumasok ang bola. Naghiyawan ang Lasalle crowd.

After another hour, Lasalle posted the biggest upset of this Collegiate Basketball year. San Beda which was at 18-0 bowed down to a more determined yet injury-filled De La Salle.

And yes, we wanted it more.