Tag Archives: basted

I Am Sorry, Hindi Pa Ako Handa Na Ibigin Ka

Ang sakit marinig yan mula sa taong nililigawan mo. Yung tipong nagtapat ka ng feelings o di kaya nagpaalam ka kung pwede ka bang manligaw.

Matagal mo na rin kasi siyang napapansin. Madalas ka nga magnakaw ng tingin sa kanya. Hindi mo alam kung ano ang sasabihin mo kapag dumarating siya. Nagdadalawang-isip ka pa kung bibitawan mo yung joke na pina-practice mo noong isang linggo pa.

Marami ka na rin pick up lines na naipon. Maraming pagpaparamdam na ang naibigay mo. Konting kendi, paghahatid ng pagkain, pagyaya mag-yosi, lahat yan nagawa mo na. Lahat naman yun, tinanggap niya, kinain, pinagbigyan. Pero hindi niya kayang ibigay sayo ang hinihiling mo ngayon.

Baka kasi meron pa siyang ibang jowa. Baka kulang pa ang naipon niya. Baka may mga pangarap pa siyang gustong matupad. Baka strict ang parents niya.

Ang masakit nito, baka hindi ka niya talaga gusto. Ayaw niya sayo. Wala siyang mapapala sa sweldo mong kakarampot. Hindi niya nakikita ang future niya sayo. Pasensya na pero hindi talaga kayo bagay.

Hindi mo siya kayang buhayin. Wala ka pang naipundar na palasyo, walang magarang kotse, walang naipon sa bangko. Masaklap pa kung wala kang plano para makuha ang mga to.

Mukhang never na nga talagang magiging kayo.

Pero alam mo kung ano ang pinakamasakit?

??

/asf??werfa?

tweaT?

Yung SABIHIN NIYA YAN SAYO NANG MAGTANONG KA NG, Miss… “Anong Oras Na?”

#acheche

Memory Miyerkules: Turned Down

Fourth Year High School. Malapit na ang prom. Wala akong girlfriend noon dahil break pa kami ni Super Ex. Mahirap makapag-back to back promking titles kung wala kang date sa prom night.

Pano to?

Isang Saturday, habang papunta sa A1 driving school sa may bayan, dala ko ang cellphone at nagte-text. Well, isa lang naman ang nasa isip ko na pwedeng humalili ke Super Ex pagdating sa mga ganitong sitwasyon.

Tinext ko siya.

“Wala pa kong date sa prom. Can you be my date?”

Antagal ng kanyang sagot.

Nagsimula an ang 2-hour session ko sa A1. Natural driver naman ako kaya parang breeze lang sa akin ang pagmamaneho. Sinabihan lang ako ng instructor kung saan pupunta at kung saan iikot.

Hindi ako pwede maglabas ng cellphone habang nagmamaneho. Bawas points yun. Ginalingan ko na lang sa pagda-drive.

Sa galing ko magmaneho, tinulugan ako ng instructor. Chance ko na to. Nilabas ko ang cellphone.

Wala pa rin text.

Drive pa ko, dalawa, tatlong stop light.

Wala talagang reply.

Natapos ang aking driving lesson pero hindi pa rin pumasok ang text message. Wala na kong pag-asa.

“Sige po. Alis na po ako, til next time po,” sabi ko sa mga tao sa A1. Sumakay na ako ng jeep pauwi.

Hindi pa nakakaandar ng malayo, tumunog na ang cellphone ko.

Exciting. Sana pumayag siya.

“Sorry, I was asked by Kiko already kanina. I said yes.”

Patay na.. Pano na to? Wala akong date..

Tuwing Wednesday, magb-blog ako tungkol sa naaalala ko sa aking kabataan. Ito ang aking “Project:  Memory Miyerkules” .

Layunin nitong maisulat paunti unti ang aking talambuhay.