Tag Archives: batas

FlipTop – AHON 6 Day 1 Results.

Mainit init pa.

Matapos ang mga reklamo sa sistema ng distribution ng tickets, nairaos din ang Day 1 ng Ahon 6. Ahon ang Anniversary event ng FlipTop. Dito ginagawa ang Isabuhay Finals.

3-day event ito sa San Juan Gym. Yung Day1 at Day2 lang ang may bayad. Yung Day3, pakita mo lang yung ticket mo nun Day1 or Day2, pasok ka na.

Ang pinaka-aabangan na upload dito e yung BLKD vs Tipsy D. Continue reading

Counter Blog: OPM isn’t dead you idiot.

Basahin ang original post dito: CLICK HERE.

Tama, OPM is not dead, at tama rin na matuturing na BOBO o INUTIL ang nagsasabi na dead na nga ang OPM.

Unang-una, hindi lang Pop at Rock ang music genre na meron ang Pinas. Meron din tayong Hiphop na pinamunuan ng ating Master Rapper na si Francis M, may he rest in peace.

2 years ago nang mabuo ang FlipTop Battle League. Matapos ang ilang buwan, nag-decide ako na pakinggan na rin ang musika ng mga Battle Emcees dahil na bore ako sa kakaulit-ulit ng mga battles nila Dello, Batas, Loonie, Abra, Zaito, at Target. Para na rin malaman ko kung anong kanta ang ginagamit nila sa intro nila.

Nagulat na lang din ako dahil andami palang mga kanta na ginawa ng mga taong ito bago pa man umusbong ang FlipTop. May mga YouTube Channels sila at may mga soundcloud accounts kung saan pwede mo mapakinggan ang kanilang mga obra. Hindi naging mahirap sa akin ang paghahanap ng mga kanta nila.

At na-enjoy ko naman talaga dahil nakaka-appreciate naman din talaga ako ng hiphop.

Bilang patunay, eto ang ilan sa mga accounts nila na pwede mong pakinggan ng kanilang mga kanta:

http://skwaterhawz.blogspot.com/
http://www.flipmusicproductions.com/

Sample lang yan dahil yan lang ang mga alam kong Web site from the top of my head. Yung mga artists ngayon, bakit kaya hindi nila subukan na gawin ang ginagawa ng mga ito.

Gawa lang tayo ng kanta at upload lang. Mapapansin din tayo. Kung nasa puso mo talaga ang musika, bakit hindi?!

At wag kang umasa na sa isang kanta lang e sisikat ka na!

 

Mumurahin Kita Bilang Respeto Sayo, Batas vs Righteous One

Nung una kong beses nalaman na may laban si Righteous1 ke BATAS sa Ahon 2 ng Fliptop Battle league, parang gusto ko tawagan ang Fliptop president na si Anygma para sabihin na may mali sa poster niya. Akala ko trip lang nila yun.

Pero seryoso pala sila.

Kung sa bagay, si BATAS lang naman ang may lakas ng loob na umalipusta kahit na sino. Kung ibang battle emcee ang ihaharap mo, baka maawa lang kay Righteous1 at bumitaw ng mga mahihinang lines.

Kung susuriin mo ng mabuti yung mga banat ni BATAS, napaka-teknikal ng mga panlalait niya. Ang ganda ng istorya. Ang ganda ng wordplay at ang husay ng bitaw. Hindi siya nagpakita ng awa.

Tinignan niya si Righteous1 bilang kapantay niya sa liga ng battle rap. Hindi niya ina-under estimate yung kalaban niya. Respeto sa kapwa battle emcee.

Dahil sa battle na to, tumaas ang respeto ko sa kakayahan ni BATAS. Karapat-dapat siya sa liga.

Kayo, ano ang take ninyo sa laban?

Nilalabas ng FLIPTOP ang mga bagong laban tuwing Wednesday at Saturday. SUBSCRIBE na sa kanilang channel: http://www.youtube.com/user/fliptopbattles