Bago ka magsimulang magbasa, tandaan mo na HINDI KO PA NAPAPANUOD ang movie kaya imposibleng magka-spoiler sa blogpost na to. Saksak mo yan sa utak mo.
Pero importante ang mga spoilers sa internet lalo na sa mga ganitong mga movie na medyo technical. Batman Dark Knight Rises, or BDKR, ay showing na sa Pinas. Manunuod na nga ang mga pinsan ko mamaya. Dapat manunuod din ako after shift pero hindi pwede ang Diwata dahil hindi pasok sa schedule nya. So malamang, next week na lang ako makakapanuod.

Bakit ba importante ang mga spoilers? Paano ito makakatulong sa mga “Da Moves” mo?
Simple lang tol. Syempre, magyayaya ka ng chick manuod ng Batman na movie. Yung mga hindi interesado, hindi talaga papayag. Merong isa o dalawa diyan na papayag pero hindi sila kasing geek mo kaya magtatanong sila sa iyo pag may mga scene at characters na sila na hindi nakikilala o naiintindihan.
Para gwapo ka at matalino, pinaka-advisable talaga e panuorin mo yung movie bago ang schedule ng date ninyo. Para lahat ng tanong niya ay masasagot mo.
Ang kaso, 3D na ang mga movies ngayon. Ranging 250-550 pesos na ang presyo ng sine. Hindi ka na pwede mag double showing pag hindi ka sa Quiapo nanuod.
Dito papasok ang spoilers. May mga bloggers, movie bloggers to be specific, na naimbitahan na ng iba’t ibang sinehan at production teams para magsulat tungkol sa movie. Ang gagawin mo na lang ay maggu-Google ka para makita yun at kahit papano ay ma-gets mo yung movie bago kayo manuod ng jowa mo.
O pano? game? click ka dito para sa possible spoilers para mukha ka namang matalino. Eto pa isa. At Eto pangatlo para hindi naman lugi ang pag-click mo sa blog ko.
Binasa ko yan lahat dahil may makakasama akong manuod na slow pagdating sa mga DC comics na movie.
*Ang blogpost na to ay nasa TIPS at wala sa Movie Reviews na category. Obvious naman siguro kung bakit, di ba?