Tag Archives: bayani

Sulat para kay Muelmar

Muelmar Magallanes,

Kumusta?

Kumusta na ang bahay ninyo sa Manila Riverside Village. Lubog pa rin ba sa baha?
Wag ka magalala, sinigurado ng mga kinauukulan na ligtas na ang mga kapamilya at mga kapitbahay mo. Kung magkakabaha man, sisiguraduhin nila sa susunod na mayroon nang sapat na kagamitan para makapagligtas ng tao.

Hindi mo na kailangan lumusong pa sa rumaragasang tubig dahil aayusin na nila ang daloy ng tubig. Continue reading

Definition: Bayani

Bayani. ano ba ang salitang bayani?

Noong bata pa ako, isang palabas sa TV ang Bayani. Sa ABS-CBN yun. Dun mo mapapanood si Anna at si Noli na nagta-time travel at nangungupit ng mga bagay mula sa mga kwento ng ating mga Bayani. Makikilala mo sina Andres Bonifacio, Gabriela Silang, ang aking lolo na si Gregorio del Pilar, at ang ating pambansang bestfriend na si Jose Protacio Mercado Alonzo y Realonda Rizal. (alyas pepe)

Para sa iba, ang mga bayani ay mga characters na makikita natin sa mga pera. Sila ang nakakasalamuha natin sa araw araw. Ang pinakapaborito ng mga taong ganito ay si Aguinaldo.

Continue reading