Tag Archives: BelAir

Memory Miyerkules First Day High

Unang araw ko sa Laguna BelAir School. First year high school. Transferee ako galing sa Dominican College Sta.Rosa.

http://www.youtube.com/watch?v=NgvM6wq8wJ8

Ang hindi alam ng karamihan, ang kuya ko ay nauna na sa akin na nagtransfer; si Kuya Do. Isang taong siyang mas matanda sa akin. Second year siya sa taon na yun.

Naging tradisyon na nang school namin na sabihan ang mga estudyante na uniform kagad ang isusuot sa first day ng pasukan. Pero likas na pasaway ang mga old students kaya hindi sila sumusunod. Nagsusuot ng casual attire ang old students sa first day of school.

At ang naka-uniform, either sobrang masunurin lang sa school o di kaya e transferee.

Hindi ako ganun. Since alam ko ang kalakaran, kahit transferee ako, nag-casual attire ako.

Marami kaming mga new students. At akala ng ibang new students, old student na ako dun dahil nga naka-casual ako. At dahil kilala ko na ang upperclassmen, makulit na rin ako sa school.

Nawi-wierdohan nga ang iba kong kaklase na old students dahil medyo makapal na ang mukha ko simula pa lang ng klase.

Tuwing Wednesday, magb-blog ako tungkol sa naaalala ko sa aking kabataan. Ito ang aking “Project: Memory Miyerkules” .

Layunin nitong maisulat paunti unti ang aking talambuhay.

Sulat para kay Ryan

Dear Ryan Hizon,

Hindi tayo close. Actually, hindi ko nga naaalala na nagkaabot pa tayo sa Laguna BelAir School e. Ganumpaman, kilala kita dahil sa mga naging kaklase mo. Ilan sa kanila ay kakilala ko personally.

Kumusta ba ang naging buhay mo sa Afghanistan? US Citizen ka di ba? Mahirap ba makapasok sa US Army? Nakakakain ka ba ng tatlong beses sa isang araw? Teka, may Adobo ba dun?

Sorry talaga at hindi tayo nagkakilala ng lubusan. Ako nga pala ang presidente ng Alumni Association natin sa LBAS. Naisin ko man na makilala ka pa ng personal, mukhang malabo na. Continue reading

P:MM – Thank You Mama Mary

Holiday nun. Dahil ata Dec.8 – Immaculate Concepcion. Naisipan namin nila super Ex, Kian, at Quicksilver na magliwaliw. Una muna, nagpunta kami lahat sa bahay namin sa SanLo.

Dun ko ata unang pinakilala si super ex sa bahay namin. Para medyo hindi halata, group date ang eksena. Kaya isang grupo kami.

Matapos namin maglunch, punta namin kami sa bahay nila Kian sa San Pedro. Commute to da max talaga, halos maga-apat na oras ata ang biyahe. Medyo malayo kaya medyo madilim na nung nakarating kami dun. Ang purpose ng pagpunta, hindi ko rin alam. Basta nagpunta kami.

Ang naiisip ko lang na dahilan, gusto rin ni Kian ipakilala si Quicksilver sa kanila. Pero para hindi rin halata; group date. Ewan. Ganun ata talaga pag mga High School pa lang kayo.

Ending namin e inihatid kami ng ate ni Kian pabalik sa BelAir. Nagkotse kami. Ang travel time na tatlong oras kanina, kalahating oras na lang ngayon. Iba na talaga pag may sarili kang sasakyan. Dun ko naisip na dapat ako matutong magmaneho talaga.

Matapos kaming ihatid pabalik ng BelAir, umuwi na rin si Kian kasama ng ate niya. Nasa bahay ako ni Quicksilver at medyo gabi na talaga. Hindi pa ako nakakatawag sa bahay namin. Ang alam sa amin, hinatid ko lang sila sa sakayan papalabas ng SanLo. Hindi na ako nakapagsabi na sasama ako sa San Pedro.

So malamang, galit ang mga magulang ko pag-uwi. Patay ako neto.

Pauwi na ako nang mapadaan ako sa Club House. Pista Opisyal at may special na mass na ginagawa nang gabing iyon. Magsisimba ako bago umuwi kahit late na. Holiday of Obligation. Ayoko magkasala.

Sakto naman at kakilala ko ang pari. Sakristan kasi ako. Dahil wala siyang alalay sa misa, tumayo na akong alalay. Disente naman ang bihis ko e.

Kinapalan ko na ang mukha ko at nakisabay sa pari. Dadaan kasi sa sakayan papuntang SanLo ang pari bago ito makauwi sa Balibago. Sakto. Meron akong naging excuse. Pag-uwi ko sa bahay, para hindi ako mapagalitan, kinuwento ko sa nanay ko ang nangyari.

Buti na lang nakipagmisa ako. Buti na lang pista opisyal. Buti na lang Dec.8 Immaculate Concepcion. Buti na lang ambait ni Mama Mary. Buti na lang talaga.

Happy Birthday Mama Mary.

Seroquel online purchase Sana hindi kayo malito:
Dec.8 – Immaculate Conception
Sep.8 (9months after) – Birthday ni Mama Mary

Tuwing Wednesday, magb-blog ako tungkol sa naaalala ko sa aking kabataan. Ito ang aking “Project:  Memory Miyerkules” .

Layunin nitong maisulat paunti unti ang aking talambuhay.