Tag Archives: benedict

First Birthday ni Benedict

Sorry sa mga avid fan ng blog ko, ngayon lang ako nagkapanahon para dito e.

Pero update ko lang kayo ng pictures, para di naman kayo ma-late sa happenings sa buhay ko.

Unahin natin ang birthday ni Benedict, April 1, 2010. First birthday niya ito kaya medyo special.

The Sunday after ng kanyang birthday, nag-celebrate siya sa Marikina. Spongebob ang theme ng birthday kaya halos lahat ay naka yellow.

Naghost ako ng program at nagpalaro ng games sa mga bata doon. Yun lang ang talent ko e.

Kaya yung mga susunod na birthday dyan; available po ako mag host ng children’s party. Ready na ninyo mga papremyo, ako bahala magpahirap sa mga bata. ahahaha.

Oo nga pala, may bumisita palang international superstar sa birthday ni Benedict. Kaso wala yung mga ka-grupo niya e.

Happy Birthday Benediiiiict!!

Nai-"baon" ko si Benedict

Dala namin dito sa Ozamiz ang digicam. Sa hindi inaasahang pagkakataon, nabitbit din pala namin ang video ng pamangkin kong si Benedict Ezekhiel. Ipinamalas na naman niya ang kanyang katakawan. Eto ang susunod na katakawan antics ng aking inaanak.

Check him out.

Hayaan mo , Benedict, papasalubungan din kita ng mga pictures galing dito sa Ozamiz.

Maliit pa ang tiyan mo

Si Benedict Ezekhiel ay anak ng kuya ko. So bale, pamangkin ko siya. Pero dahil ginawa nila akong ninong noong binyagan, siya ngayon ay inaanak/pamangkin ko. Sapat na dahilan iyon para bigyan ko siya ng sarili niyang neo-nickname. Ang tawag ko sa kanya ngayon ay Joseph Mathematics. “Joseph” dahil lahat kami ay meron “Joseph” at siya lang ang wala. “Mathematics” para pwede kong tawagin ang kuya ko na “Father of Mathematics”. Cool noh?

Malikot din itong si Mathematics. Kaya na niyang dumapa mag-isa (pero di pa siya marunong makabalik sa pagkakahiga). Marunong siyang sumagot sa mga tanong sa kanya (mga hoo,, at haaa lang). Alam niya rin kung pano punasan ang sarili niyang bibig (parehong proseso lang yun ng paglalaway sa kamay niya). Kaya niya rin umubos ng 1/4 bottle ng S-26 (Gatas pambaby).

Noong 5 months sakto siya, nag-attempt sila mommy na pakainin siya ng gerber. Success naman daw dahil nagustuhan ni Math ang gerber. Dalawang subo lang daw yun. Pero sa liit ng tyan ni Math, sapat na ang dalawang subo. Continue reading