Tag Archives: bgc

Binyagan natin ang Sun Life Building

May bagong building daw sa BGC. 14-storeys daw ito. Sun Life Financial building daw ang itatawag. P2-billion daw ang halaga para sa green building na to.

Sa corner ng 5th Avenue at Rizal Drive ang building.

Sun Life Financial

Sun Life Financial

 

Kasama si Piolo Pascual at ang Hebreo foundation, magkakaroong ng Vertical Run sa building na to sa December 10, 2011. 3pm mags-start ang takbuhan. Dito masusubukan ang tindig ng building na to.

Kasabay ng Vertical Run, meron din 3k, 5k at 10k races paikot ng Bonifacio Global City. Tatakbo daw si Piolo ng 10k pero hindi niya susubukan na i-beat ang personal record niya. Heel Strider daw siya (sabi niya).

Antayin natin ang poster para sa details ng takbuhan ha. Pag nakakuha ako ng kopya, ilalagay ko kagad dito.

 

Solo Run BGC and Back

Tinatamad na ako pag wala akong kasama tumakbo. Oo nga, solo mo ang kalsada at sarili mong pace lang ang iintindihin mo, pero boring daw yun tatakbo ka mag-isa.

Hindi naman pala.

Sa oras na alas sais ng gabi, oras ng pag-uwi ng mga tao from Makati, marami kang makikita. Pag magaling kang mag-eavesdrop kagaya ko, maririnig mo na pagkain ang pinaguusapan nila. Nagdidiskusyon sila kung saan kakain.

Bukod sa pag-eavesdrop, pantanggal bore din ang pagtawid sa kalsada at pakikipagpatintero sa mga sasakyan. Pipiliin mo ang babangga sayo. Make sure na BMW yun para may pambayad in case magalusan ang Golden Legs mo.

Makakakita ka rin ng mga taong nage-exercise din. Tumatakbo rin kagaya mo, pero sa ibang direksyon. Kakaway ka lang para Feeling Close.

Eto nga pala ang naging route ko.

Ayala > De La Rosa > Tawid ng EDSA > Mckinley Rd > BGC > Kalayaan > Estrella Bridge > Kalayaan Makati side > Makati Ave > Buendia > Ayala.

Kayo na lang mag imagine.

Sa susunod na solo run, try ko pumunta ng MOA naman.