Tag Archives: bigmac

Happy Bundle by McDonalds FOUR Complete Meals For Just P495 (BigMac included)

Eto malupit. Save 221 Pesos by ordering your Happy Bundle. For P495, meron ka nang complete meal set for 4 people. Busog pa ang lahat.

Sa set A, merong apat na klase na burgers, apat na medium fries, at para makumpleto ang happiness, apat na 12oz Coca-cola.

Meron ding set B pero hind ko kabisado kaya paki-basa na lang sa baba.

Eto ang poster nila na maliit ang nakasulat:

Happy Bundle by McDo

Happy Bundle by McDo

DETAILS

  • The McDonald’s Happy Bundle is ongoing and available only via McDelivery (8-6236)
  • Choose between two McDonald’s Happy Bundle food adventures:
    • Happy Bundle A (P495) – Your choice of 4 burgers (Big Mac, Double Cheeseburger, Quarter Pounder with Cheese, McChicken Sandwich, Fillet-O-Fish), 4 Regular Softdrinks (Coke products in 12oz), and 4 Medium Fries. Save as much as P221!
    • Happy Bundle B (P495) – Your choice of 20 Pieces McNuggets or 4 Pieces Chicken McDo; 4 McSpaghetti, 4 Regular Softdrinks (Coke products in 12oz), and 2 Large Fries. Save as much as P203!
  • Choice of Softdrinks: Coke, Sprite, Coke Light or Coke Zero.
  • P40 fixed delivery charge applies.
  • Savings are based on à la carte prices.
  • Available from 10:30am to 4:00am only.
Kapag umorder ang tropa nito, akin ang BigMac.

BigMac Meal Birthday GREETING GAME WINNER!

Simple lang ang naging mechanics nun birthday ko. Dapat lang, i-text mo ko ng 12mn, salubong ng birthday ko. Pag ikaw ang unang nakapag-text, meron kang bigmac. ETO ANG MECHANICS!

So ayun nga, more or less, marami-rami rin ang gusto makatikim ng pinakamalaking burger sa roster ng McDonalds burgers. Pero syempre, isa lang ang nanalo.

From Jonalyn Jugo 11:43:31 PM ;  Advance Happy Birthday! 🙂 **20 minutes na lang ((Sa oras ko) Baka yung 12mn ko e 11 sumthin pa lang sayo) E basta, Kahit na advance e HAPPY BIRTHDAY! =))))) Ingat po palagi 🙂

From Jonalyn Jugo 11:52:59 PM ; 00:00 Happy Birthday! **Wish you all the best Pepi de Leon. =))))) God bless you 😉

From Diwata 11:58:12 PM ; Happy Birthday to you. Happy Birthday to you. Happy Birthday. Happy Birthday. Happy Birthday to you. Happy happy birthday my baby. My mahal. My honey may babe, my forever. Sorry if wala ako dyan ah. Bawi ako sayo pagbalik ko. Sorry if matigas ulo ko ah. 2 birthday muna tayo magkasama. At maraming maraming birthday pa tayo magkakasama. I love you very much baby. I love you.

From Mami 11:59:15 PM ; Happy Birthday son. May you have more birthdays to come.

From From Jonalyn Jugo 12:00:36 AM ; 12:00AM (Oras sa laptop ng pinsan ko) HAPPY HAPPY BIRTHDAY! 🙂

Ganyan kainit ang naging labanan sa aking birthday greeting contest. Mga limang beses nagsend ng message si Jonalyn Jugo at ang kanyang pangatlong text message ang pumasok na unang una sa pag-palit ng araw sa celphone ko. Dahil dyan, panalo siya ng BigMac meal.

Si Jonalyn Jugo ang Miss BonPen 2011. Medyo close na nga kami dahil siya ang nagbigay ng pinakamaraming hits sa Web site ko. Eto siya last year:

Jonalyn "Jolens" Jugo

Jonalyn “Jolens” Jugo

Ang problema ngayon, pano ko ibibigay sa kanya.

Pasensya na sa aking mahal na ina, masyado kang excited. Nauna ang text mo ng 45 seconds. Pasensya na rin sa Diwata. Kung hinabaan mo pa ng konti yung message mo, na-send mo sana to sa tamang oras. Next year, bawi ka na lang ulit.

Birthday Ko Bukas!

At dahil wala akong budget, hindi ko kayo kaya ilibre lahat. Yung inuman nga namin, potluck/pass the hat pa ang mangyayari.

Pero ayos lang yun. Masaya naman ang tropa basta kumpleto. Kahit na pipitsugin na chips lang ang pulutan. Basta may alak at picture picture, ayos na.

Kaso lang, masakit sa loob ko kapag hindi ako nakakapagbigay saya kapag birthday ko. Last year, full band na Lights Out ang inimbita ko sa bahay para tumugtog. Since kulang ako sa resources ngayon, babalik tayo sa #GreetingGame na natutunan ko nung High School.

Madali lang ang mechanics. Paglipat ng oras sa birthday ko, dapat mag-greet ka sa akin through Txt messaging. Oo at gagastos ka ng piso pero ayos lang yun dahil kung ikaw ang unang nakapagsend ng message, ililibre kita ng bigmac.

BigMac birthday 2012

BigMac birthday 2012

Simple lang naman di ba? BigMac Meal ng McDo. Large Fries, Large drinks. Ipapa-deliver ko sa inyo pag hindi tayo pwedeng mag meetup.

So pano, Txt ninyo ako a. Simpleng Happy Birthday lang, ayos na sakin yun.