Tag Archives: bintana

Memory Miyerkules Angel of Refraction

First year High School. Basketball practice.  Kasali ako sa Varsity namin. Hindi naman talaga ako yung tipong pang-ace player. Maliit lang kasi ang population ng school namin kaya nakasali ako.

Excused kami buong araw ng Thursday. May pinaghahandaan kasi kaming competition.  Buong araw, puro ensayo. Takbo dito, takbo doon. Habol ng bola, shooting, execute ng play at focus sa dribbling.

Puro second year ang kasama ko. Hindi kasi active sa sports ang mga kaklase ko sa first year. Ewan ko ba sa kanila. Hindi rin naman sila nage-excel sa subjects pero parang puro pasarap lang ang gusto nila. Ayaw nila ng sports.

Well, yun na nga. Practice. Gunners ang name ng team namin. Code name ko sa Gunners: Spy. Mahilig kasi akong maghanap ng weakness ng team ng kalaban at dun ako nagpo-pokus. Kung hindi sila magaling dumepensa sa tres, dun ako titira.

Small Forward pa ang posisyon ko nun. Hindi pa ko nagsasanay mag point guard. Neto na lang ako nag point guard dahil hindi na ako isa sa mga matatangkad na players. Napag-iwanan na ang height ko e.

Pero nung araw na yun, sa loob classroom namin, may nakatingin sa salamin ng bintana. Ginagamit niya ang angle ng bintana para mapanuod ang practice namin sa basketball court. Kunwari ay tulala sa kawalan pero ang totoo, nanunuod siya sa bawat kilos at galaw namin.

Ganun siya gumalaw.

At sure ako, binabasa niya rin ang blog na to.

Tuwing Wednesday, magb-blog ako tungkol sa naaalala ko sa aking kabataan. Ito ang aking “Project:  Memory Miyerkules” .

Layunin nitong maisulat paunti unti ang aking talambuhay.

Window ng FX

May sariling topak yung bintana ng FX namin. Yung sa passenger seat. Medyo diskaril na yung mga gears nun kaya hindi na kaya ng sariling mekanismo na maibaba ang bintana. Ang resulta: kailangan tulungan ng pwersa ng kamay mo manually.

Aminado naman ako na kadalasan e tinatamad ako. Pag magmamaneho ako at hindi ko balak mag-aircon, binubuksan ko ang bintana na walang tulong ng aking pwersa.

Kahapon, pagka-park ko sa 2nd floor ng building namin, sinubukan kong isara ang bintana. Inikot-ikot ko ang lever.

May lumagutok… Patay.

Inikot-ikot ko ulit.

Hindi Gumalaw ang bintana. Nasira ko ata.

Ginawan ko na lang ng paraan para magmukhang sarado. Inipit ko ang mga tshirt ko sa pinto para matakpan ang butas gawa ng sirang bintana.

Kaagad akong nagtxt sa tatay ko. Sinabi ko kagad ang nangyari.

Pag-uwi ko kinagabihan, sinalubong ako ng tatay ko. Pinagbuksan ako ng gate. Pinaalala ko sa kanya ang tinxt ko sa kanya. Sabi niya, bukas na lang daw niya aayusin.

Mahusay ang tatay ko magkumpuni ng mga nasisira namin. Kahit na parati niyang sinasabi sa aming magkakapatid na pag may pinasok kaming problema, hindi niya kami tutulungan na ma-solve ito, never pang nangyari na iwanan niya kami sa ere.

Well, kaninang umaga, bago ako maligo, inaayos na niya ang bintana. Bago ako umalis ng bahay, pinaalalahanan niya ulit ako kung paano isara ang bintanang iyon ng maayos.

So far, wala nang problema sa bintana ng FX.

Ang husay talaga ng tatay ko.