Tag Archives: birthday

Lola During's 85th Birthday

#YanAngLolaKo

Kwento ko lang yung nasagap ko na story kanina ha. Para makilala ninyo ang lola ko.

Noong bata pa raw sila mami, ugali na nilang magkakapatid na mangapitbahay para maglaro ng goma. Ate – Ditse – Sanse – Mami. Meron silang larong kalye gamit ang mga pinagbungkus-bungkos na goma. Sisipain mo ang mga goma, ang humiwalay, iyo na.

Old school POG ang tawag dun.

E minsang nagkaroon ng bulilyaso. Nagkabatuhan ng bato. Tinamaan ang tita Ditse ko sa noo. Duguan siyang nakauwi ng bahay. Halos isang balde na raw ng dugo ang nakalat sa sahig.

Delikado pala ang laro ng goma… madugo.

Takut na takot silang magkakapatid. Dahil nga naman sa larong ito, may nasaktan pa.

Ugali ni lola na magdelegate ng responsibility. Sa pagkakataong ito, ang ate nila mami ang tiyak na pagagalitan dahil nga, siya ang panganay.

Ang ginawa ng ate, ayun, nagtago. Naglayas. Hindi makita. Umabot pa nga sa barangay at sa mga pulis ang paghahanap.

Eventually, dahil magaling maghanap ng nawawala ang lolo ko, nakita rin ang ate. Nang makauwi ng bahay, hindi na daw siya kinagalitan. Naghain na lang daw ng pagkain sa lamesa.

Pero ang ulam, nilagang goma.

Yan ang lola ko.

Maalalahanin yan. Kahit isa’t kalahating dosena kaming magpipinsan, alam niya kung sino ang may birthday sa kahit na anong buwan. Hindi kami nawawalan ng regalo tuwing pasko. Sinisigurado niyang nakakain na ang bawat isa kapag bumibisita sa kanya. Take note, may pabaon pa.

Para sa iyo lola, happy happy eighteen-fifth birthday. May you live and love more than a hundred years.

lola during 85th birthday

lola during 85th birthday

Isa munang pabebe wave dyan.

 

lola 85th pabebewave

lola 85th pabebewave

Keep Calm – What Went Wild

28th Birthday Party.
KeepCalm
May 31, 2014

Buwis Buhay Concoction aka Seven Spirits aka Pepi Brew;
(1) El Hombre
(2) GSM Blue
(3) Tanduay White
(4) Curacao
(5) Tanduay Rhum
(6) Cossack
(7) Red Horse.
* For added flavor, please use Four Seasons juice powder.
*Sa saktong timpla, damihan ang yelo.

Yan ang nakahain sa lamesa. Isang tore lang dahil hindi ako nakakuha ng dalawa pa. Pero ayos na yun. Naubos din naman. Di ko alam kung natapon, binuga sa kalaban, o talagang ininom. Basta ang alam ko, naubos siya.

KnP Brew

KnP Brew

Nagtataka nga ako, nun nagliligpit na ako ng mga bote, may mga sanmig light, tanduay ice, isandosenang red horse mucho, Jack Daniels, Boracay Rhum, Antonov, at extra na GSM blue. Hindi ko alam kung saan nanggaling ang mga yun dahil hindi naman ako naglabas ng pera para bumili nun.

Check ko nga muna sa tindahan, baka may nagpalista at ipinangalan sa akin. #SaSobrangLoserMo.

Aegisites

Aegisites

Aegisites 2

Aegisites 2

Finally

Finally

KnP

KnP

Minsan Beki

Minsan Beki

Sangalang

Sangalang

Summer Siren Girls

Summer Siren Girls

Wow Chicks

Wow Chicks

Nagsimula dumating ang mga bisita ng 6:30pm kahit 8pm pa ang nakasulat sa invitation. Hanggang 11:30 pm, dumarating pa rin ang mga tao. Abot ata sa singkwenta ang people.

Naka-dalawang Himala ata ako, mga anim na boyband songs, katakut-takot na parokya, bamboo. Basta malupit ang tugtugan. Next year, mas magiging organized ang pictures.

Also, dapat mas unique pa ang hashtag. Ang hirap maghagilap e.

***

Shoutout nga pala kay Lei, ang girlfriend of the night. Sorry di kita naasikaso ng mabuti.

Sa mga tumugtog, si Kalvin at RV ng Lights Out, ang best drummer ng Gumaca na si Tontonbagyo, si TL DonP sa vocals, at ang special guest lead guitars na si Poli! Lakas! Sa uulitin guys!

Kay Melissa, finally nagkita rin tayo!

Kina Tal, Gabby, at Kat. Maraming salamat for gracing us with your presence. You never fail me.

Sa mga kasama sa office. Sorry madami talaga kayo masyado. Special shout kay Mike at Jhepoi. Kota ba?

Kay Donna, lasing ka na naman.

Kay Jen, sorry nabugahan ka.

Sa mainstay na KnP at sa mga hatak na barbeque buddies. Salamat. I will crash your party soon.

Syempre sa mga pinsan at kapatid ko. Maraming salamat sa pagpunta.

Kay mommy, maraming-maraming salamat sa pagluto ng masasarap na pagkain. Maraming-maraming salamat dahil kung wala ka, walang Keep Calm. 28 na ako! Ano na gagawin ko sa buhay ko? #MotherKnowsBest.

**Sa mga sumali rin nga pala ng birthday giveaway, maraming maraming salamat.

Aebie's 3rd Birthday at McDonalds Quezon Ave

in pictures.

Minsan na lang din kami magsama-sama magpipinsan, at kadalasan, birthday pa ng isang inaanak. Kahit kasi birthday ng pinsan ngayon, hindi na masyadong pinupuntahan unless maghanda ng bongga, gaya nung ginagawa ko 2-3 years ago.

So simulan natin ang pagku-kwento. Basahin na lang ninyo ang mga caption ng pictures.

Una, sinarado muna ang lugar. Ahahahaha.

Area closed

Area closed

Ano daw meron?

Birthday ni Alexa Bianca

Birthday ni Alexa Bianca

Third birthday! Pwede na siya sa playplace!

Third birthday! Pwede na siya sa playplace!

Earns a gift from Ninong

Earns a gift from Ninong

Syempre, may mga palaro para sa bata. May longest line, piñata tsaka basketball ala McDo.

Basketball ala McDo

Basketball ala McDo

Bumisita din si Grimace at sumayaw ng Grimace Gangnam Style.

Grimace Gangnam Style

Grimace Gangnam Style (click the image to see the video)

Pictures and videos were taken to immortalize the event

Pictures and videos were taken to immortalize the event

Lovers in McDonalds

Lovers in McDonalds

Ice Cream Ladies

Ice Cream Ladies

Maraming salamat sa McDonalds Quezon Ave na katapat ng malaking National Bookstore. Medyo maliit yung venue ninyo para sa amin dahil sobrang dami naman namin talaga.

Yung host ninyo, medyo sablay yung unang game niya na longest line. Wala naman kasing lugar para pahabain yung linya, pero ok lang yun. Ok naman din siya sa mga kasunod pa na activities.

Bring Me Withdrawal slip!

Bakit nga pala walang mga bola dun sa playplace? Inubos na ba ng mga nagpupunta dun? May plano ba kayo magrefill?

Na-enjoy namin ang birthday ni Aebie. Salamat Grimace. Thank You McDonalds!

Aebie saya Love Ko To!

Aebie saya Love Ko To!

Memory Miyerkules S2 – Birthday Greeting

February 4, 2004. Birthday ng Kuya ko. Wala akong regalo sa kanya kaya naisip kong pagtripan na lang siya.

Uso noon ang celphone. Piso ang charge sayo sa bawat text message na sini-send mo. Hindi lahat ng tao may cellphone. Hindi ko rin maalala kung may cellphone na rin ako nun.

Meron na ata. Pero hindi na importante.

Happy Birthday

Happy Birthday

Ang gawain ko, makikitext ako sa kahit na sinong makasalubong ko. Mga friends sa LSPO, mga kaklase sa ibat ibang subjects, mga blockmates, kahit strangers. Wala akong pinapatawad.

Basta ang kailangan ko lang gawin, magsend ng message sa kuya ko. “Happy Birthday”. Parang namamalimos ako ng piso noon. Game naman ang lahat ng may cellphone load. Ang bilin ko lang sa kanila, pag nagreply yung number, wag na sila magtextback pa.

Masunurin naman sila. Pero ang kuya ko, medyo nabadtrip ata dahil wala na siyang pang-reply sa lahat na maggi-greet sa kanya. Plano pa naman niyang pasalamatan ang lahat ng magsi-send sa kanya ng birthday greeting.

Di ko alam kung alam ng kuya ko na ako ang nan-trip sa kanya nun. Pero sure ako na nakakuha siya ng “more than the expected number” of text greetings.

Memory Miyerkules ang tawag sa aking proyekto para ibahagi ang kwento ng buhay ko na may kinalaman sa sitwasyon ko ngayon. Bukod sa pagbibigay ng maiksing intro para sa mga susunod na blogpost, layunin din nito na maibahagi ang aking talambuhay.