Tag Archives: Boxing

Why Pacman LOST to Marquez In Round 6

December 8, 2012. 4th (and final) bout.

Pababa na talaga ang career ni Pacman pagdating sa boxing. OK LANG naman yun dahil may napatunayan na naman siya. Hindi na niya kailangan pang manalo ng sunud-sunod dahil ang bawat laban niya ay may big purse na kaagad na kapalit.

Nagpalitan daw ng suntok. Na knock down na si Pacquiao sa early rounds pero nakabawi siya sa round 5. Hindi lang klaro kung paano siya natalo sa round 6. Pero isa lang ang alam ko, TULOG SIYA.

pacquiao marquez

Sabi na ng friend ko, sa kakapilit niyang mag-pastor instead na mag-focus sa boxing, napa-aga ang pagpunta niya sa heaven. Joke lang naman yun. Hindi pa siya deads, pero sure ako na malapit na, kung hindi pa, ma-deads ang boxing career niya.

Yan ang problema sa taong gustong maraming ginagawa. Gustong maging omnipotent at omnipresent. Diyos lang, kung totoo man na may Diyos, ang kayang gumawa nun. This just means na tao rin si Pacquiao.

Pero ano pa nga ba ang magagawa natin? Wala rin naman di ba? Para sa akin, People’s Champ pa rin si Pacquiao. Kahit natalo.

Mag-Twitter at Facebook na lang tayo!

Ito ang reasons na nakalap ko sa Social Media circles ko:

  • Jr Ferrer Pilapil Puyat ata si Manny. Na beklif sa ring..
  • Patrick Philip Riva yan ang napapala kng nde ka na seryoso sa ginagawa mo.puro biblia sa church kc ginagawa nya.yan tulo nasa heaven na sa sya
  • Ria Hazel Lumandog Gusto lang naman daw ibalik ni Pacquiao yung PLANKING — lol!
  • @ellenmgadarnaEven the best fall down sometimes….
  • @jascurtissmith RT @MartinBautista9: Bawi na lang sa Miss Universe =)” preach!
  • @rianndeleon Ano din ang kinalaman ng pro-RH bill sa pagka-knock out ni Pacquiao????????? P****** mga tao. Maisingit lang e

At syempre, ito ang pinaka-malupit na reaso na nakita ko:

Magkano kaya iuuwi ni Juan Manuel Marquez ngayon? Maiisipan rin kaya niya maging pulitiko o magpaka-pastor?

Panalo Dapat Si Pacquiao Kung…

Sige nga, test of theories tayo. Simple lang, kumpletuhin lang natin ang sentence. Kung may twitter ka, gamitin mo ang hashtag na #PanaloDapatSiPacquiaoKung.  Ano? Game.

Pacman lost to Bradley

Pacman lost to Bradley

Una na ko, eto samples ko. Panalo dapat si Pacquiao kung ….

  • kung nanalo ang Boston sa Miami
  • kung hindi nanuod ang mga anak ni Pacman sa MGM Grand.
  • kung nakasali ako sa AxeAnarchyManila
  • kung hindi parating nag-aayos ng shorts na maraming logo si Pacman habang lumalaban
  • kung anti RH Bill ang lahat ng judges
  • kung hindi na bata ang kalaban ni Pacman
  • kung hindi pa naka-kasa ang rematch nila sa November
  • kung si Phil Philips ang kumanta ng Lupang Hinirang

O kayo naman, comment sa baba!

Pacquiao vs Bradley Online Streaming

Bago pa magsimula ang laban, at habang naglalagay ng boxing gloves ang pambansang kamao, gusto ko muna magshare ng konting links:

http://pacquiaovsbradley.nowstreaminglive.com/
http://www.sgylove.info/2012/06/watch-pacquiao-vs-bradleylive-stream.html#.T9PsobXLxJ1
http://bit.ly/LbKzOJ
http://www.phnoy.com/2012/06/pacquiao-vs-bradley-live-stream.html
pacquiao vs bradley

pacquiao vs bradley

Nanunuod ako sa isa sa mga links na yan.

Enjoy!

Go Pacman

* congrats nga pala sa Miami Heat. sila ang lalaban sa OKC para sa NBA Finals.

Pineda, Pacquiao at ang Rosaryo

Sabi ng iba, mas pang knockout pa raw ang pagkanta ni Arnel Pineda ng “Lupang Hinirang” kesa sa mga suntok ni Pacquiao ke Clottey.

Pero dahil nga sobrang konserbatibo ng mga Pilipino (na hindi ko naman maintindihan kung bakit), binabatikos na naman ang pagkanta ng lupang hinirang. sa lahat ng kumakanta ng lupang hinirang – pinagbabawalan silang mag express na kanilang sariling rendition ng awiting ito.

nasan na ang kalayaan?

bakit ganun? ang batas pa natin ang naglilimita sa ating kakayahan.

i don’t feel the freedom.

—————————————–

di bale na, panalo naman si pacquiao. siya pa rin ang WBO Welterweight champion of the world.

Sobrang tigas nung kalaban niya. Malakas talaga si Joshua Clottey. Isang libong suntok sa loob ng isang oras. hindi man lang natinag.

Unforgettable ang laban na to dahil dito ko lang nakita na ginamit ni Pacquiao ang pompyang. Round 3 nun. Kaya siguro hindi perfect ang scores ni Pacquiao dahil binawasan siya ng dalawang judge sa round 3 dahil sa pompyang

Di pala pwede yun sa boxing. Akala ko pwede. FPJ RIP.

Medyo ok na rin ang interview ke Pacquiao sa dulo ng laban. Hindi rin kasi magaling mag english ang kalaban niya kaya medyo nasapawan niya ng onti.

—————————————–

Gaya ng lahat ng mga naging laban ni Pacquiao, nagsusuot siya ng medalyang rosaryo sa kanyang leeg kapag nanalo siya. Parang ngayon, hindi dramatic ang pagsuot niya ng rosaryo.

Pero isipin mo na lang rin; sa dami ng suntok ni Pacquiao, para siyang nagdarasal ng rosaryo. Paulit ulit, walang tigil na suntok. Kahit sabihin pa nila na ulit ulit lang; basta malimit, epektibo.

Gaya ng pagdarasal ng rosaryo, boring para sa marami ang laban. Ok lang, kahit hindi tumumba ang kalaban, panalo pa rin naman.

May mga pagkakataon na nakakasuntok si Clottey, nagiging distraction yun sa mala-rosaryong suntok ni Pacman. Pero ayos lang, tuloy pa rin siya sa suntok. Di bale nang maliit, basta malimit.

Uulitin ko pa ba? Ang rosaryo ay parang suntok ni Pacquiao ke Clottey. Epektibo ang malimit, lalo na pag paulit-ulit.