Tag Archives: bunga falls

Blogger na Hiniwalayan ng Girlfriend, Tumalon Mula Sa 3-Storey Kataas

na Waterfalls sa Laguna.

Hindi na napigilan ang blogger na ito (itago natin sa pangalan na Pepi) sa pagtalon mula tuktok ng Bunga Falls sa Nagcarlan, Laguna. Tinatayang may 15 meters din ang taas ng waterfalls na may 5-10 minutes na trail hike.

sinusubukan pa muna kausapin ng mga locals si Pepi bago ito tumalon

sinusubukan pa muna kausapin ng mga locals si Pepi bago ito tumalon

Kakaiba ang talon na ito. Hindi kagaya ng maraming mga talon sa Pilipinas, ang Bunga Falls ay “Twin Falls”. Para kasing dalawang tumatagas na gripo ito. Kung gaano kataas ang paglaglag ng tubig, ganun din kalalim halos ang tubig sa ilalim ng talon.

Kaya naman safe ang pagtalon mula sa tuktok ng waterfalls.

Ang technique lang sa pagtalon sa Bunga falls, tatargetin mo lang yung gitna ng dalawang umaagos na tubig. Kitang kita naman yun pag nasa taas ka na. Hindi ka magkakamali.

Sukatan ng pagkalalaki ang pagtalon sa mga ganitong klase ng nature-made beauty. Sa pelikula ko lang din to unang nakita, pero ngayon, pwede na ma-experience ito sa Nagcarlan.

kailangan huminga ng malalim at ihanda ang lalamunan sa pagsigaw bago tumalon

kailangan huminga ng malalim at ihanda ang lalamunan sa pagsigaw bago tumalon

Para makapunta sa Nagcarlan, pwede ka mag jeep either from Sta.Cruz or San Pablo, Laguna. P30 pesos din ang jeep, depende kung san ka bababa. Magta-tricycle ka na lang mula sa bayan ng Nagcarlan papunta sa jump off point ng Bunga falls.

May 5 pesos na environmental fee na sisingilin ang isang ale bago pa bumaba sa Waterfalls.

Eto ang video footage ng pagtalon sa Bunga Falls:

Salamat kay Jinkee Umali ng Calamba-Online.com para sa pictures.
Salamat kay Gigi Celemin-Beleno ng MommyGiay.com para sa video.