Tag Archives: bus

Mga EVANGELISTS Sa EDSA

Nakasakay na ba kayo sa isang bus sa EDSA na may nagpri-preach na kung ano. Hindi ko alam kung El Shaddai siya o Iglesia ni Cristo pero ang alam ko, magpri-preach sila.

Simple lang ang scheme, tatayo sa gitna na bus na hindi masikip at magbubukas ng bibliya. Magpapakilala sandali at magbabasa ng kaunting verse. Magpapaliwanag ng kaunti tungkol sa nabasa. Tapos nun ay pipikit at magdarasal ng malakas. Magpapasalamat sa biyaya at hihingi. Ipagdarasal ang lahat ng nasa biyahe ganun na rin lahat ng mga naiwanan ng mga pasahero sa bahay.

Sakto lang naman ang dasalan.

Pero pagkatapos ng maiksing monologue na ito ay mamimigay siya ng ENVELOPE na may nakasulat na “Para sa Simbahan” at “Ang nagbibigay ng bukal sa puso ay pinagpapala ng Diyos”.

Nung una, umaangal pa ako sa mga ganito dahil feeling ko, pine-perahan lang ako.

Pero sa kagaya ko na busy na tao, kahit isang oras sa isang Linggo ay hindi ko na naibibigay para sa Diyos, siguro nga ay nakakatulong ang ganito.

Minabuti ko kanina na imbes na umangal e damahin ang pagdarasal. Wala akong paki-alam kung magkaiba kami ng Religion nung nagli-lead ng prayer, basta ang sa akin, pareho kami na nagdarasal. Pareho kami na nagpapasalamat, nagpupuri, at humihingi. Na kahit sa dalawangpung minuto sa loob ng bus papasok ng trabaho e maramdaman ko naman ang kabutihan na binibigay sa akin ng Diyos ko.

Pagkatapos namin magdasal, naramdaman ko ang gaan sa kalooban. Naramdaman ko ang ngiti sa aking labi na alam ko na may nagmamahal sa akin. Naramdaman ko na hindi nandyan ang mga taong yan para mambwisit, nariyan sila para bigyan tayo ng pagkakataon na mag-isip at magpasalamat sa Diyos; bagay na hindi na natin nagagawa parati.

Pag-abot sa akin ng sobre, nilagyan ko kaagad ng sampung pisong barya. Feeling ko kulang pa yun pero wala din talaga akong maibibigay dahil yun na ang pera ko na pang-yosi at pangchichirya. Sakripisyo na rin yun.

5 Noobie Tips When Riding A Bus From Manila To Cagayan

Sumakay ako ng Florida bus mula España, Manila papuntang San Jose Palengke, Cagayan. Sixteen (16) hours ang travel time. Sabi nga nila, longgest Weekend of 2012 ang Holy Week pero para sa akin, ito ang longgest 16 hours na gumagalaw ang bus na sinasakyan ko. BTW, Santa Ana, Cagayan is 447 kms North of Manila.

Papunta kasi kami sa Palaui Island para sa isang Ultimate Beach Bumming Experience na hatid ng Travel Factor HQ. For more information about the trip, pwede kayo mag-message sa akin para mai-guide ko kayo sa mga ADVENTURES na ino-offer namin sa Travel Factor.

Bus na may CR

Bus na may CR (click for more pics)

Unang beses ko mag-travel ng ganito kalayo by land. Kaya sa mga first timers dyan, eto ang mga maibibigay kong TIPS:

1) Control your WIWI.

Simpol lang yan pakinggan, pero hindi ganun kadali gawin. Syempre, magdadala ka ng tubig para hindi ka uhawin pero hindi mo dapat parati inumin dahil within 20 minutes lang, mararamdaman mo na kagad na maiihi ka. So, dapat sip lang ng onti para mabasa ang labi mo. OK na yun.

EXTRA TIP: Wag din uminom ng gatas at i-kontrol din ang fibers. Hindi advisable na magpupu sa CR ng Bus (kung meron man CR ang masasakyan mo).

2) Importante ang KUMOT.

Aircon ang bus na sasakyan mo, importante ang kumot dahil matutulog ka. Hindi parating bukas ang TV ng sasakyan. After 3-4 movies, papatyin nila yan at papalitan ng mga kanta na Ilokano ang language. Aantukin ka talaga.

Pustahan tayo, hindi mo kayang hindi matulog. Kahit nga yung driver, may ka-relyebo dahil matutulog din siya, ikaw pa kaya na pasahero lang at may magandang upuan na pwede ma-recline.

EXTRA TIP: Mas importante ang kumot sa unan. Kaya hindi mo kailangan yang unan mo. As a substitute, magdala ng jacket na hindi kapote.

3) Bumaba sa BUS STOPS.

Hindi naman kailangan na may bilhin ka sa bawat bus stop, pero kailangan mo bumaba para mag stretching. Kailangan magcirculate ng maayos ang dugo mo. Kailangan din mabanat yung muscles mo. Para ito sa ikabubuti ng iyong katawan.

Also, kapag huminto na para mag-dinner, laging tandaan na may iba pang eatery na malapit lang. Wag matakot na mag-explore. Kadalasan, mas masarap ang katabing karinderya. Make sure lang na mabilis ka kumain para hindi ka maiwanan.

EXTRA TIP: At syempre, laging may bayad ang CR. Maghanda ng limang piso.

4) Makipag-usap sa KATABI.

Importante yan. Para hindi ka ma-bore, dapat makipag-usap ka. Malay mo, maka-tsamba ka at makakuha ng number nya. Sa kaso namin, katabi ko yung kasama ko na travel coordinator kaya may napag-usapan naman kami kahit papano.

Para na rin medyo close na kayo. Sige ka, pag na-badtrip ang katabi mo sayo, baka isa pa siya sa magkakanulo sa iyo at magsabi sa bus driver na kumpleto na ang pasahero kahit wala ka pa sa pwesto mo. Yan ang unang tao na magbabantay sa mga gamit mo na iiwanan sa bus pag may busstop.

EXTRA TIP: Pag lilipat ng upuan, sabihan ang kundoktor.

5) I-enjoy ang BYAHE.

Lagi mo tatandaan na maraming amenities ang Bus. Pwede ka mag-request ng favorite movie o favorite song. Gandahan mo lang ang pakiusap.

May mga umaakyat din na nagtitinda ng kung anu-ano, parehas sila magtinda at matatawaran mo pa. Wag magdalawang isip na bumili.

EXTRA TIP: At syempre, patayin mo ang celphone mo pag matutulog ka na. Tipirin ang battery lalo na pag naka-blackberry social. Hindi mo kailangan mag-tweet sa kada kabig ng manibela. I-enjoy ang tanawin sa labas, walang ganyan sa Manila.

Ang mga TIPS na ito ay learned for experience. May iba pa akong tips pero ito ang top 5.

Kahit gaano kalayo, lalakbayin ko para sayo.

* Ang TIPS page na ito ay hatid sa inyo ng TravelFactor.Org. Kung gusto mo maka-experience ng 16 hour bus ride, bat hindi ka sumama sa susunod na UBBE Palaui. Heto ang link para sa Website ng TravelFactor:

Travel Factor

Kwentong Bus

Sumakay kami ng bus galing sa Export Bank sa Buendia Ave. Papunta kami sa Glorietta dahil bibili kami ng Zagu. Mainit kasi ang panahon at summer ngayon.

Air con naman ang bus. Tama lang ang timpla ng temperature at medyo nakakaantok ang palabas. Sa ganitong pagkakataon, wala ka nang ibang pwedeng gawin kundi manuod ng mga tanawin sa kalsada.

Andyan na rin ang mga drama at kilos ng bawat isang bumababa at sumasakay ng bus.

Kumusta naman ang isa naming kasakay na babae. Medyo Seksik siya, maputi, makinis ang balat at naka maiksing palda. Ok naman siya; ang problema lang, umuupo siya sa center aisle seat. at hindi lang yun, nakausli pa ang strap ng bag niya na nakakasagabal sa lahat na dumadaan.

Hindi lang ako ang nakapansin nito. Nang mabakante ang upuan na nasa likod ng babae, may isang bosing na nakaputi ang nanggaling sa dulo ng bus na bigla na lang lumipat doon. Nang makaupo na siya. Lumilingon lingon pa siya.

Scary.

Medyo tinignan ko ang mga kilos niya. Suspicious looking. Parang may masama

siyang balak.

Pinakiramdaman ko ang sitwasyon. Medyo pinakiramdaman ko rin ang apat kong

bulsa kung naroon pa ang mga kagamitan ko. Hindi na ako naglabas ng cellphone o ng wallet at baka ma-target pa ako. Hinayaan ko muna at pinanuod ang susunod na pangyayari.

Buti na lang at may sumakay na lola. gusto ni lola umupo sa katabi ni bosing. Hindi makatanggi si bosing kaya napa urong siya papunta sa windows seat.

Pero bago siya umurong, lumingon uli siya sa likod.

I grabbed the opportunity para makita kung sino ang nililingo

n niya. At para nga siyang may ka eye contact dun sa likod. Blue ang damit. Hindi ko na tinignan ng maayos. Malakas ang kutob ko na trouble ito.

Kaya niyaya ko na ang mga kasama ko kung gusto nila lumipat ng bus. Agree

naman sila kaagad dahil medyo aware din sila sa mga nangyayari.

Wala akong napansin na pulis para pagsumbungan ng suspicious looking person na to. Kaya diretso na lang kami sa Glorietta para mag-Zagu.

Ayala papuntang Boni MRT Station

(part 1 of a 2-part series) Pauwi from Makati.

Kakahatid ko lang kay Glorien sa trabaho. Galing kami sa kanila dahil birthday ng kanyang older sister na si Ate Calene. Matapos ko ibigay sa kanya ang kanyang packed lunch at huminto sandali sa landline para subukan kung makakatawag sa customer service ng Globe, lumabas na ako ng building at nag-abang ng bus. May mga kasabay naman ako na nag-aabang rin.

Pagsakay ko sa bus, napaupo ako sa pantatluhan na upuan sa unang row. Sa likuran lang ako ng driver. Di pa nagiinit ang pwet ko, siningil na ako ng konduktor.

“San kayo?”
Continue reading