Tag Archives: call center

Call Center Workwear For Christmas Gift

By Heler Designs and TeeTops

Sure ako, may mga friends or relatives kayo na sa call center nagwo-work. Kung gusto ninyo sila regaluhan, bat hindi mga T-Shirt na designed para sa kanila.

Eto ang sample ng Heler Designs:

Skull and Phones Kolgirlby Heler Designs

Skull and Phones Kolgirl by Heler Designs

Skull and Phones Kolboy by Heler Designs

Skull and Phones Kolboy by Heler Designs

Heler Designs Contact Info
Mobile Phones        * 0927 798 8851
Address                     * 1235 Makati, Philippines
Screen Name           * iamevilnom(Yahoo! Messenger)
Website                     * http://www.helerdesigns.com 
                                      * http://www.helermagazine.com
Email                          * raymond.padolina@facebook.com

Call Center/BPO na ang makabagong bayani. Tapos na ang era ng mga OFW. Wala pa sa akin ang figures pero sure ako, magkalapit lang ang presyo ng OFW at BPO industry.

Eto naman ang designs from TeeTops:

Call Center Invincible by Tee Tops

Call Center Invincible by Tee Tops

Call Center Mysterious by Tee Tops

Call Center Mysterious by Tee Tops

Call Center Writer by Tee Tops

Call Center Writer by Tee Tops

Call Center LOVER by Tee Tops

Call Center LOVER by Tee Tops

TeeTops Contact info
Mobile Phones        * 0915 897 3726
Email                           * tee.tops@yahoo.com.ph
Facebook Page      *  https://www.facebook.com/pages/Teetops/262005157202454
 

Baka makita ninyo ako na magsuot ng Lover shirt by TeeTops. Paki-tawag na lang po ang pansin ko.

Call For Sponsors: Call Center Broker / BPO Summit Manila $ 2012

October 27, 2012. 8am-6pm.

Sa dami ng mga call center sa Pilipinas, I am sure na marami na tayong karanasan sa industriya na to. Pano ba talaga pinapatakbo ang mga call center sa Pinas?

Tayo na ang NUMBER ONE sa BPO industry at mapapanatili natin ang ganito kapag napag-aralan pa ng mabuti ang industriya ng mga call center.

Call Center Broker / BPO Summit Manila $ 2012

Call Center Broker / BPO Summit Manila $ 2012

Bat hindi ka makibahagi? I am sure, malaki rin ang balik sa mga bigating kumpanya kung magbibigay sila ng resources nila para sa event na to.

Mga 1,400 call center BPO brokers lang naman ang capacity ng event na to; mga TOP CEOs, Brokers, Call Center Pros, Freelancer, Start Up BPO’s sa Call Center Outsourcing Industry.

Baka kailangan na ng isang 20,000 manpower BPO company ng isang bagong food provider. Pwede mo ma-showcase ang iyong Mnu kung mags-sponsor ka!

Kung isa kang probinsya na may sapat na tao para mapunuan ang 100 seating BPO industry, bat hindi mo subukan i-offer sa mga decision makers ang lugar niyo? By 2013, baka magbukas na ang pinakabagong call center sa inyong maliit na barrio.

25k pesos Bronze Sponsors(booth + flyers insert +token+blogs+ social media promotion), 2 free delegate ticket slot/tickets50k pesos Silver (booth + flyers insert +token+blogs+ social media promotion + speaker slot + radio or tv slot )4 free delegate slot/tickets

100k pesos gold
(booth + flyers insert +token+blogs+ social media promotion + speaker slot + radio or tv slot, panel TV interview ) Poster big ads + 10 free delegate slot/tickets

You can give raffle prizes or tokens to delegates or any cash donation if your in tight in ads budget.

Beneficiary: 10% of the total revenue of the Ticket and Sponsorship you bought. Will proceed to August 8, 2012 heavy Disaster in Manila, Philippines Typhoon Victims.

Beneficiary of BPO Summit 2012
Si Jayson Biadog ang nagsabi sa akin ng event na to. Eto ang blog niya: http://www.jaysonbiadog.com

CALL CENTER BROKER/ BPO SUMMIT $ 2012 at Tanghalang Pasigueno 8am to 6pm. To reserve tickets and sponsorships please contact Jayson Biadog jbiadog@yahoo.com 09279896797 or PMCM Events at 5658851 / 0917 243392 http://www.jaysonbiadog.com/2012/08/call-center-broker-bpo-summit-manila.html

Breaking News: Call Center Agent, Sinapian Habang Nasa Traning Room

Ngayon lang ako nakarinig ng ganitong balita. Sa tagal ko na dito sa kumpanya namin, ngayon lang ako nakarinig ng news na may sinapian habang nasa training. Actually, ngayon lang ako nakarinig ng balita na may sinapian sa call center.

Wala naman kasing mumu dito sa building namin.

Sa 5th floor training room daw naganap ang nakakakilabot na pangyayari. Ayon sa isang kaibigan na bukas ang third eye, may matandang multo na mahilig magbihis ng puting damit na nilabhan sa Tide, ang tumatawid mula sa Training Room 1 papunta sa Training Room 2. Hindi pa makilala ang mumu na to dahil wala naman siyang suot na ID.  Hindi rin naman daw makausap dahil introvert ang mumu.

Nagkakaroon kasi ng training para ilipat ang higit sa isan g dosenang agents ng Tier 1 papunta sa Tier 1.5. Medyo mahirap ang Tier 1.5 kaya bukod sa multo, isa din sa mga kinatatakutan ang paglilipat sa isang call center agent sa Tier 1.5 Kung ako ang tatanungin mo, mas mabuti pa na magpa-Tier 2 ka na lang dahil mas kaunti ang load ng trabaho doon. Kailangan mo nga lang ng mas malupit na Technical Skills.

Kaya ganun na lamang ang takot ng buong klase ng biglang sinapian daw ang isa sa mga trainee. Hindi raw maintindihan ang mga pinagsasasabi ng call center agent na sinapian. Hindi naman mga jargons ang sinasabi at hindi rin naman alphabeks. Basta out of this world daw . Puro silent Z at silent D raw ang mga words. Pabulong ang mga salita at may tunog na SH at TH.

Tumulong pa raw ang aming manager na parating nakabukaka para patahanin ang biktima pero nasipa lang siya nito. Nakahiga daw ang sinasapian at lahat ng magtangkang lumapit ay tumitilapon na parang tinatamaan ng kamehameha ni Son Goku.

Bilang lunas, sinedate ang biktima gamit ang injection na bigay ng mga alagad ni Dick Gordon.

Mukhang may gustong ipahiwatig ang multo na mahilig magsuot ng laba sa Tide.

Limang piso lang.

call center LANG?

Hindi ako nakakanuod ng noontime show dahil sa trabaho ko. 9am-6pm ang pasok ko sa isang BPO company sa Makati. Call center agent ako.

Pero nagulat ako nang may mabasa ako tungkol sa isang komento na binitawan ni Jose sa EAT BULAGA. Sabihan ba naman yung nanalo sa kanilang show na ”Baka sa call center lang ang bagsak mo niyan”.

It was for me an irresponsible and an unjust comment on national TV. I have been in the industry after my graduation and never had practiced my bachelor’ degree in college. – http://jgsmart.blogspot.com/ 

Ano? Feeling mo kaya mo ang ginagawa ko sa call center? Akala mo ba madali ang trabaho namin dito? Oo nga at nakaupo lang kami pero hindi mo alam kung paanong pag-iisip at pagto-troubleshoot ng technical difficulties ang ginagawa namin dito.

Siguro nga hindi naka-linya sa karamihan ng call center agents ang kanilang kurso na kinuha noong college, pero naman hindi lahat ng graduate ng high school e kayang makapasa sa call center industry.

Naiinis ako sa komento na “call center lang”. Hindi mo pwedeng maliitin ang ginagawa namin dito. Kami ang nagdadala ng pera papasok ng bansa.

Sa call center nagtatrabaho lahat kaming magkakapatid, kaya ang insulto sa industriyang pinagta-trabahuhan ko ay insulto na rin sa akin at sa pamilya ko.

Preno naman tayo ng konti. Foul na yung comment mo e.