Tag Archives: callalily

Kean Cipriano REVEALS Love For Eunice of Gracenote

in a brotherly/sisterly way.

December 4, 2012. Kagabi lang. Ini-launch ng Soupstar at Universal records ang album ng Gracenote sa 70s Bistro sa Anonas, QC. Andaming fans na pumunta. Nandoon para sumuporta ang Gracians, Yengsters, family at friends ng bawat members, pati na rin ang iba pang mga banda ng Soupstar namely Callalily at 6cyclemind. Andun din si Ramon Bautista, yung POGI.

Gracenote Album Launch

Gracenote Album Launch

Hindi na EP lang ang First Movement.

Album na ang 8-track record ng Gracenote at available na rin sa Astroplus at iba pang leading record stores nationwide. Pwede rin ma-download ang mga kanta sa iTunes.

Si Kean Cipriano @keancipriano ang nag-introduce sa banda para sa kanilang first set. He has so much love for the band and, thus, making a promise of support not just for Eunice (his bandmate for BBS) but also for @ChenGracenote, @EjGracenote, and @JazzGracenote. Quoting the Callalily frontman;

“Susuportahan ko sila. Sana suportahan niyo rin. Malayo ang mararating ng bandang ito.  Makakarating sila ng BUWAN.” *

*Making a reference to the moonman trophy of Eraserheads.

Kean Cipriano watching Gracenote perform

Kean Cipriano watching Gracenote perform

In a small talk with Kean, sinabi niya na natutuwa siya kay @EuniceGracenote. Nakikita niya yung sarili niya dun sa batang singer. Front act/guest band lang din ang Callalily sa 6cyclemind at Sandwich dati kaya nakikita niya ang pattern ngayon. Kung anong klaseng suporta ang binigay sa kanila ng mga mas naunang banda, ganun din na suporta ang maibibigay niya.

At promise! May makikita kayong patunay ng suporta na ipinapakita ni Kean. Ang alam ko lang PWEDE DAW SIYA.

Ako na nagsasabi sayo Mr Kean Cipriano, mas malupit ang energy ni Eunice Evangel Jorge. Next time mo na ko i-rebut kung marunong ka na mag-keyboard/violin/drums. Tattoo lang ang lamang mo sa suspenders at purple shoe laces ng Gracenote.

At Kean, hindi lang ikaw ang nagmamahal sa Gracenote. Susuportahan ko rin sila hanggang makarating sila sa buwan. Mahal ko rin si Eunice!

Kampeon with Kean

Kampeon with Kean

Come to think of it? May chance kayang magkatuluyan si Kean at Eunice? I mean, wala namang masama di ba? Bagay naman sila.

Alam ko, single si Eunice, di ko alam kay Kean.

Eunice with Converse on

Eunice with Converse ON

Also, maganda nga pala ang Converse sa Gracenote.

Gracenote with the Bloggers

Gracenote with the Bloggers

Salamat Soupstar and 70s Bistro!

6 Facts That You Should Know About GRACENOTE

Unang beses kong na-recognize ang Gracenote last Nescafe Fans Day sa MoA Music Hall. Actually, si Eunice Evangel Jorge lang ang nakita ko dun dahil nag guest siya sa 6cyclemind. Kasama kasi siyang kumanta sa revival ng song na Alapaap.

Magkakaroon sila ng launch ng kanilang album sa December 4, 8PM sa 70’s Bistro, Anonas QC. Gusto ko sila mapanood ng live. Iba kasi ang energy ng front man / vocalist / keyboard / violin na si Eunice.

At cute pa ang dimples niya na lumalabas kapag kumakanta siya.

Gracenote Album Launch

Gracenote Album Launch

Sila ang latest band na hina-handle ng Soupstar kung saan kasama nila ang Imago, Sandwich, 6cyclemind at Callalily. Relatively, mga bagito ang mga members ng band pero buo na ang kanilang tunog.

Nung una nga, masasabi mo na Paramore Wannabees lang sila pero nun nag-umpisa na sila maglabas ng sarili nilang kanta, mari-realize mo na may ibubuga talaga sila.

At uulitin ko, iba talaga ang energy na dala ni Eunice. Follow her on Twitter. @EuniceGracenote

Without further ado, eto na ang 6 Facts na nakalap ko sa pags-stalk sa kanila sa internet. Dapat alam mo tong mga to bago ka pumunta sa Album Launch nila sa 4th.

6 GRACENOTE Facts:

  1. GRACENOTE consists of @EuniceGracenote, @ChenGracenote, , @JazzGracenote, and EJ, all hailing from St. Scholastica’s College. Hindi regular member yung isa pa nilang gitarista pero sobrang galing nun. Alvin ata ang name nun.
  2. So far, dalawang kanta pa lang nila ang may Violin. Yun ang pagkakaalam ko ayon sa mga YouTube videos. Far Away at ang paborito ng lahat na Minsan Lang Naman. Dapat siguro magdagdag pa sila.
  3. Ang pangalan nun Violin ay Ara, short for Araneta. Nabasa ko lang to sa Tumblr ni Eunice. Apparently, nasira yung Violin at hindi ko na alam kung na-restore pa o napalitan. Pakitanong na lang sa kanya.
  4. Kuya Obet ang pangalan nung taga-abot ng Violin. Pangarap kong maging Kuya Obet someday.
  5. Violinist si Eunice sa BBS song na Wala Na Tayo feat Kean Cipriano. Kaya hindi nakakagulat ang galing niya.
  6. Para masiguro mo na Eunice yun, naka suspenders at Purple shoe laces siya parati.

OK, hindi ako sure sa mga facts na yan, so pwede natin masabi na theories sila. Di ko pa naman sila nai-interview talaga at YouTube videos lang ang basehan ko.

Siguro, pag nagkita-kita na lang sa album launch, dun na lang magkakaalaman.

My Callalily Experience

Yung mga haters dyan, comment na kayo sa baba.

Callalily at Y! Rocks

Callalily at Y! Rocks

Sobrang iba ang dating ng Callalily. Malakas ang charisma ng vocalist/frontman nila na si Kean Cipriano. Fina-follow ko nga siya sa Twitter e.

Kagabi, pinalabas sa GMA 7’s “Follow that Star” ang maiksing kwento tungkol ka Kean. Galing pala siya sa Catholic school at madasalin siyang tao. Kaya pala may mga references sa kwentong bibliya yung mga kanta nila.

FYI lang, ang kanta nilang Pasan ay hango sa tula na Footprints in the sand. Pasan ka ng Diyos sa mga pagkakataon na mabigat ang mga problema at di mo kayang tumayo at magpatuloy pa.

Sigurado akong ang mga paborito ninyong celebrities at mafi-feature sa “Follow That Star”, 7:55 PM sa GMA News TV. Abanagan niyo lang sila.

Ngayon, san ko ba susunod na pwedeng makita si Kean Cipriano?