Tag Archives: cavite

Zoomanity Gives Back : over 600 Recipients Of Christmas Packs

#Christmas #PressRelease

“Christmas is for children” quotes Robert L. Yupangco, CEO of Zoomanity Group, one of the leading companies in the theme park industry. With this in mind, the company took the opportunity to give back the happiness and blessings to less fortunate children this season of sharing and thanksgiving. Aside from promoting their advocacy which is called the 4 E’s ( Education, Environment Conservation, Exhibit and Entertainmnet) the company believes that it is part of their corporate social responsibility to give happiness to those kids who need it the most. Through one charitable activity called “Christmas Gift Giving”, Zoomanity Group chose sets of orphan kids from different foundations, annually to experience a whole day of fun, love and care in their parks.

Continue reading

Bakit Walang Aguinaldo Day?

Hindi ba ninyo yun tinatanong?

May Rizal Day at Bonifacio Day pero walang Aguinaldo Day. Ibig sabihin ba non, hindi kapantay ng ating unang Presidente pagdating sa kabayanihan sina Gat Andres at Doc Jose?

Sa Aguinaldo Shrine

Sa Aguinaldo Shrine

Ako, hindi ko rin yun naisip. Para sa akin kasi, yung June 12 – Araw ng Kalayaan e parating si Emilio Aguinaldo ang nasa litrato. Nasa likod pa nga siya ng limang pisong papel dati.

Nakakalungkot lang isipin na libre na nga ang tumambay sa Aguinaldo Shrine, wala na ngang bayad ang pagpasok sa bahay ni Emilio, araw-araw rin namang bukas ang lugar, madalang pa rin tayong pumunta sa Kawit, Cavite.

Hindi ko na nga naaalala kung nakapunta na ako dun sa Aguinaldo Shrine o hindi pa. Malamang hindi pa.

Mga dude, 10 minutes away from Mall of Asia na lang ang Aguinaldo Shrine dahil sa Cavitex.

Balkonahe ng Unang Wagayway

Balkonahe ng Unang Wagayway

7 Floor Tower

7 Floor Tower

Himpilan ng Heneral

Himpilan ng Heneral

Buti na lang at naimbitahan ako sa isang blogger event para makasama ang isa sa mga apo sa tuhod ni Gen. Emilio Aguinaldo. Nalaman ko kung gaano ka-patriotic si General. Natutunan ko ang ibang mga kwento tungkol sa kanyang bahay. Nalaman ko na lousy ang editing ng movie na El Presidente at hindi rin magaling umarte si Gov Ejercito bilang si Gen. Emilio.

 

Ang Kampeon at si Pao Aguinaldo Abaya

Ang Kampeon at si Pao Aguinaldo Abaya

 Nakapanood pa ako ng Christmas Lights Show sa bahay ng dating presidente.

By the way, inihahanda na nila ang 50 years ng pagkamatay ni Aguinaldo at 150th birthday niya. Abangan natin ang mga event na to.

Kahit ano pa ang sabihin ng ibang tao, para sa akin, mahalagang icon ng ating kalayaan si Emilio Aguinaldo. Sa kanya nanggaling ang watawat at pambansang awit. Naging kontrobersyal lang yung paraan niya para i-unite ang Pilipinas.

Heneral Emilio, isa kang Kapwa Kampeon.

Munting Buhangin

Nakapunta na ba kayo sa Munting Buhangin Beach Resort sa Nasugbu Batangas? Sobrang simple lang ang pagpunta doon.

Dahil wala naman akong kotse, nagcommute lang kami papunta. Eto ang step by step procedures kung pano pumunta:

1) Magpunta either sa Baclaran kalsada o sa Coastal Mall.
2) Mag-abang ng Mindanao Express na bus na biyaheng Nasugbu.
3) Sumakay at magbayad. Maglaan ng 200 pesos dahil may sasakay na nagbebenta ng burger sa may bandang Cavite.
3) Mag-antay ng halos dalawa hanggang taltong oras kapag peak hours.
4) Bumaba sa bayan ng Nasugbu, pumasok sa Jollibee para maki-CR. Pumasok na rin sa 7-11 para bumili ng kung anu-anong gustung baunin sa beach.
5) Makipagusap sa tricycle at makipagtawaran ng presyo. 200 ang going rate papunta sa Munting Buhangin. Pwede mo pababain hanggang 150.
6) Sumakay sa tricycle. Pagdating sa destinasyon, makipag-usap sa mga tao doon para makakuha ng magandang lugar.
7) Kumain, Lumangoy at mag-enjoy.

*Paalala: walang istasyon ng bus sa Buendia na diretso sa Nasugbu. Wag mo nang ipagpilitan.

Eto nga pala ang pictures namin:

Para next year, marunong ka na magpunta!