Tag Archives: cellphone

Memory Miyerkules Unang Text Message

High School 2nd year. Kabibili lang ng tatay ko ng isa pang cellphone. Nakalimutan ko na kung san niya nabili pero ang alam ko, binili niya iyon para magamit ng nanay ko.

Hindi kasi ako ang una sa klase namin na nagkacellphone. Sa totoo lang, isa ako sa mga huli nang nagkaroon ng sariling number. Nakikitext lang ako sa nanay ko. Minsan, ang lumalabas ay parang ako na rin ang mayari.

Pero first time ito. Wala atang marunong sa amin gumamit.

So hiniram ko na kagad ang cellphone ng nanay ko. Sinaksak ang bagumbagong SIM Card.

Binuksan ko kaagad para magcompose ng message.

Air-con ang sasakyan namin pero hindi ko alam kung bakit ako pinagpapawisan.

Pawis na pawis. Kabadong-kabado. Hindi ko alam ang pipindutin sa keypad. Hindi ako nagtatanong sa nanay ko kung pano pumindot ng cellphone.

Pinagana ko na lang ang aking common sense.

Dalawang pindot sa number 5 para sa letter K. Dalawang pindot sa number 8 para sa letter U.

Medyo kuha ko na. Konting practice pa.

Isang pindot sa number 6 para sa letter M.

Mahirap pala ito.

K-U-M-U-S-T-A ?

Hindi ko na nailagay ang word na KA. Sinend ko na kaagad. 20 minutes akong nagcompose ng aking first Text Message.

Sinend ko. Sa crush ko ata yun na ang number ay nagtatapos sa 2699/

Pero wala akong nakuhang reply.

Tuwing Wednesday, magb-blog ako tungkol sa naaalala ko sa aking kabataan. Ito ang aking “Project:  Memory Miyerkules” .

Layunin nitong maisulat paunti unti ang aking talambuhay.

Online Greenhills

Kailangan mo ba ng cellphone? wala ka bang budget para sa brand new na high end phones? Kung oo ang sagot mo sa mga tanong na to, pareho tayo ng sitwasyon.

Sikat ang greenhills shopping center kapag cellphone ang pinaguusapan. Parang divisoria ng mga cellphone doon. Mga orig, peke, chinaphone, imate, second hand, brand new, lahat na ata ng klase ng mobile phone meron.

Pero ang post ko na ito ay hindi tungkol sa Greenhills. May mas maganda pang dapat puntahan pag cellphone ang pinaguusapan. Continue reading

New phone, New number.

Sa wakas, after 2 week of waiting,  nakuha ko na rin ang bundle na gusto ko; bagong cellphone at bagong number. Ginusto ko talaga to, at alam kong costly siya para sa iba, ayoko na ng hassle.

Nasira kasi ang cellphone ko na Nokia 6300 china edition. Nung dati, yung number 7 lang niya ang hindi gumagana, therefore wala akong letters PQRS. Pagkatapos ng ilan pang pagsubok, ayun, bumigay na rin. Ayaw na niya magcharge. Kapag sinasaksak mo, para na siyang christmas light. Wala nang kwentang ipaayos pa.

Continue reading