Tag Archives: Cheese Top Burger

KFC Innovation: Cheese Top Burger

Pano mo masasabi na special ang ensaymada?
Pano mo masasabi na special ang puto?
Pano mo masasabi na special ang burger?
Isa lang ang sagot sa mga tanong na yan, “DAPAT, MAY CHEESE SA IBABAW!”

Kaya naman nag-introduce ang favorite Chicken Restaurant ko ng bagong burger variant. Nilagay pa nila ito sa Streetwise meal para mas madaling bilhin ng mga tao. Instead of putting the cheese within the burger, mas minabuti nila na ilagay ang cheese sa ibabaw.

Nakaka-curious tuloy, hindi ba didikit ang keso sa papel na pambalot nila ng burger? Parang messy kainin. OK kaya ang presentation?

KFC Cheese Top Burger

KFC Cheese Top Burger

Maraming mga tanong na tatakbo sa usapin na ito. Buti na lang, naka-budget ang lunch ko. May limit na 50 pesos ang lunch ko ngayon at saktong sakto ito sa Streetwise meal na may CheeseTopBurger with Regular Drink.

At sa building namin dito sa Makati, may KFC sa ibaba. Katabi ng Yellow Cab at Starbucks.

Subukan na natin to!