Tag Archives: Choy

Memory Miyerkules S2: Disaster

born April 16, 1990.

May kapatid ba kayo na mas bata sa inyo? Hindi naman sobrang kulit, pero yung sobrang curious sa composition ng mga bagay at sa detalye ng mga gamit? Ganyan kasi yung mas bata kong kapatid.

Pero mas malaki siya sakin. Promise. Mas mabigat pa.

Mukha nga akong bunso sa pamilya e.

Isang araw ng bakasyon, ako ay grade 1 ata noon at siya naman ay 4 years old, naglalaro ako ng LEGO at gumagawa ako ng robot. Idol ko kasi noon ang Maskman at Bioman. May mga robot sila na malalaki at gusto ko rin ng ganoon.

Pero dahil mga 1 foot tall lang din ang dinosaur ko na laruan, kasinlaki lang din ng kalaban dapat ang robot ko. May standard size kasi ang mga ganyan. Ayon sa napapanuod ko, hindi pwedeng mas malaki ang kalaban kesa sa bida. Hindi rin pwede na overpowering naman ang bida kumpara sa mga pinapalaki ni Oke-Rampa na mga halimaw. Dapat sakto lang.

Sabi kasi yun ng Toei.

So ayan na, mabubuo ko na ang robot ko. Marami rin kulay ang robot kagaya ng napapanood ko noon sa ABC-5 or IBC 13. Hindi ko na sure kung anong channel. Ahahaha.

Ang kaso, umalis lang ako sandali para umihi sa CR. Hobby ng bawat tao na umihi sa CR. Hobby ng bawat bata na umihi sa salawal, kaya hanggang ngayon e mataas pa rin ang sales ng mga diapers.

Sabay naman sa pagsalisi ng aking nakababatang kapatid na ang pangalan ay Choy. Yun ang nickname niya dahil hindi siya payat sa majority ng buhay niya. Lately na lang siya nagpaka-slim.

Sinimulan niya ang wrecking squad. Di ko alam kung dahil yun sa mga kulay na ayaw niyang nakikita na magkadikit o feeling lang niya e pagkain ang LEGO at alam niya na hindi kasya sa bibig niya ang 1 foot tall na robot.

Basta pagbalik ko, back to start ako sa pagbuo ng robot, kasabay ng tugtog ng opening theme ng Maskman.

Memory Miyerkules ang tawag sa aking proyekto para ibahagi ang kwento ng buhay ko na may kinalaman sa sitwasyon ko ngayon. Bukod sa pagbibigay ng maiksing intro para sa mga susunod na blogpost, layunin din nito na maibahagi ang aking

 

Memory Miyerkules Sulok ng Salas

Bahay sa Sta.Mesa, mga anim na taon pa lang ata ako noon.

Kasama kong naglalaro ang bunso naming kapatid na si Choy. Lego ata ang binubuo namin. Mahilig akong bumuo ng robot na inilalaban ko sa kung anumang binuo ng kapatid ko.

Basta yung akin, robot. Yung kanya, mukhang manok na elepante. Hindi ko talaga maintindihan kung ano ang binubuo niya sa lego.

Pabilisan kami makabuo. Kadalasan, ako ang nauuna at susugurin ko kagad ang ginagawa niya kahit hindi pa buo ang kanyang manok. Syempre, pag ganun ang laban, panalo ako.

Isang umaga, nang mabuo ko na ang ginagawa kong robot, napalingon ako kung nasan dapat ang kapatid ko. Wala siya doon, at wala pa rin siyang nabubuo na kahit na ano.

Feeling ko, panalo na ako sa round na yun. Pero dahil mabait akong kapatid, nag-alala ako … San kaya nagtatago yun?

Hinanap ko siya, sa taas, sa kusina (madalas siya sa kusina), sa CR, sa ilalim ng lamesa, wala siya kahit saan.

Nang mabalik ako sa salas, may naamoy akong kakaiba. Sinundan ko ang amoy.

Natagpuan ko ang kapatid ko na nakaupo sa sulok ng salas. Mas lumalakas ang amoy habang papalapit ako sa kanya.

Pagtingin ko sa kanya, umi-ire pa rin siya.

Takbo na ako at hinanap ko si Ate Star, ang yaya ni Choy.

Tuwing Wednesday, magb-blog ako tungkol sa naaalala ko sa aking kabataan. Ito ang aking “Project: Memory Miyerkules” .

Layunin nitong maisulat paunti unti ang aking talambuhay.

My Brother sings: Bagyong Ondoy

Trapped ang utol ko noong kasagsagan ng Bagyo. Walang kuryente, walang internet, walang ilaw, in short, wala siyang mgagawa.

Pampalipas oras niya ang pagtipa ng kanyang gitara.

Dahil likas na talented master of none siya, bumuo siya ng kanta tungkol sa naranasan niya sa panahon na yun.

eto ang nabuo niya. nagsama pa siya ng tropa para mai-record lang ang kanta.

enjoy


Bagyong Ondoy (draft)