Tag Archives: cinema

Moview Review: Chernobyl Diaries

Make sure your popcorn is, at the least, buttered. The movie is no plain at all.

Kilala ba ninyo si Jesse McCartney? Singer/Voice actor din daw ang trip niya bukod sa pagiging artista. Nang ginoogle ko ang name niya, nadiskubre ko na voice actor pala siya sa video game na Kingdom Hearts.

Chernobyl Diaries

Chernobyl Diaries

Isa siya sa anim (actually apat lang, sabit lang yung couple) na magbabarkada na sinubukan mag Extreme Tour sa Pripyat, housing ng mga workers sa nasira na Chernobyl nuclear reactor. Nasira na yung nuclear power plant at nagrelease ng radiation na siya namang nagpa-clear out sa lugar. Ghost Town na ang Pripyat for the last 25 years.

Hindi ata ghosts ang movie na to. Walang supernatural. Puro scientifically based.

Sounds family ba? Tunog Resident Evil?

Gets Better and Better.

Chernobyl Diaries ang pinakagusto kong storyline sa lahat ng movies this Halloween 2012. Nagsimula ang movie sa maliwanag na umaga at natapos sa madilim na gabi. Bawat eksena, paganda ng paganda. Bawat cut scenes at camera angles, tumataas ang hype.

Yung pagsigaw ng tao, palakas ng palakas.

Maganda ang build up ng story. Walang crests and throughs. The next scene is always scarier. Para kang umaakyat ng bundok na patarik ng patarik.

At sa dulo, isang malaking splunge into the darkness, literally, no joke.

The Movie House

Sa SM North EDSA kami nanuod. Doon sa The Block. Lalakarin mo lang siya mula sa MRT North Ave. Hindi mahirap hanapin yung sinehan, basta marunong ka magtanong.

Apat lang ang sinehan doon pero malalaki. Wala nga lang Lazy Boy seats unlike sa Megamall at SM Sta.Mesa.

May nakapaligid din na mga restaurant pero hindi sila designed para sa pagkain na masarap kainin sa sinehan. Naghanap ako ng Rice in a Box (RBX) pero wala akong nakita. Buttered Popcorn na lang tuloy ako.

When I say malaki, I mean maraming pwedeng makaupo. Wala kami sa center aisle at tig-anim naman sa bawat wing. Then sa baba, tig-9 ata ang left and right side. Di ko sure pero yun ang tantya ko.

The movies shown are generally from CinExclusives; movies na sa SM Cinemas lang mapapanuod. You should use your E-Plus cards para sa freebies at discounts.

Pagsamahin mo ba naman ang isang date movie sa isang dating spot, sure na mag-eenjoy kayo ng partner mo. Highly recommended ang Chernobyl Diaries.

9 out of 10 stars para sa isang monthsary celebration.

Memory Miyerkules Blockbuster

Kakatapos lang namin manuod ng sine mag-anak. Habang ang credits ay nagro-roll at tumutugtog ang Official Sound Track ng movie, naglalakad kami papalabas ng sinehan.

Nakakapit ang kuya ko ke mami para hindi siya mawala. Bitbit ni mami si choy sa kabila niyang kamay habang ako ay nangungulit sa siksikan ng tao papalabas ng pintuan. Inaabot ko ang kamay ko sa guard para humingi ng tatak, patunay na nanuod ako ng sine. Nauna na ata si dadi sa labas ng sinehan para bumili ng vitamins niya.

Sa SM Centerpoint yun, pagkatapos ng misa sa umaga, diretso sa sinehan ang mga tao, at paglabas ng sinehan ay jampack na ang 4th floor ng building dahil sa mga nakapila papasok ng sinehan, mga bumibili ng ticket, at mga naglalaro sa arcade.

Ganyan kami noon, mura pa ang sine noong grade 1 pa lang ako.

Ngayon, hindi na ata ganoon ka-mura. Pero sana, makanuod pa ulit ng movie ang buo naming pamilya. Sa sinehan!

Kung hindi naman, pwede na ang 42-inch plasma sa salas na may surround sound. Ok na yun!