Narinig niyo na ba ang news? Mawawala na daw ang Wikipedia.
Nang minsan akong maka-bisita sa Wikipedia website , nakita ko sa banner nila na may big announcement daw si Jimmy Wales, ang founder ng Wikipedia.
Curious ako kaya napa-click ako sa link.
Eto ang first line ng kanyang announcement:
Google might have close to a million servers. Yahoo has something like 13,000 staff. We have 679 servers and 95 staff.
To make the story short, kailangan nila ng pondo para ipagpatuloy ang ad-free page na labs na labs ng lahat, lalung lalo na yung mga mahihilig sa quick research.
Ayoko mawala ang Wikipedia kaya parang awa niyo na, mag-donate na rin kayo kahit piso.
Gagawa pa nga pala ako ng Wikipedia page ko. Para naman pag may gumawa ng biography ko, madadalian siya sa pagri-research.