Bago ang lahat, like niyo muna sila sa FB:
Parang isang typical elitista bar lang naman ang Clover. May vallet parking para sa mga may dalang kotse at relatively, madali naman puntahan ng mga commuters coming from EDSA / Quezon Ave. Nasa Panay Ave lang ito at walking distance siya mula sa EDSA. Hindi rin delikado dahil mataas naman ang security level sa vicinity ng ABS CBN compound.
Ang nakakapagtaka, hindi ganun kataas ang presyo ng mga pagkain nila. Around 100-150 pesos lang ang isang dish. Hindi mo rin naman kailangan magkanin dahil inom at kwentuhan din naman ang kadalasang ipinipunta mo sa ganitong lugar.
Clover bar has a game room para sa gustong mag beer pong. May room din para sa KTV kung gusto ninyong mag-enjoy na kayo lang. May mga lamesa sa labas para sa mga birthday celebrants na gustong magpa-beer tower at syempre ang VIP place para sa gustong pumarty.
Pero iba na ang usapan kapag Wednesday.
Ang dance floor ay mas nagiging wild kapag Wednesday.
Last week, ni-launch nila ang kanilang Boy Night Out Wednesday. Bukod sa special games para sa mga boys, may mga ledge dancers na talaga namang nakakatuwa panoorin.
Ano ang mapapanalunan? Syempre ang paboritong prize ng mga boys kapag may Boys Night Out o STAG Party. Kung ikakasal na ang friend mo, I suggest, dalhin mo siya sa Clover Restobar kapag Wednesday!
Gusto ko lang ipakita itong GIF na ito sa inyo:
Kung gusto pa ninyo makita kung ano ang meron kapag Wednesday sa Clover, aba pumunta na lang kayo.
Dapat lang magpaalam ka sa girlfriend mo pag pupunta ka dito. At kung girlfriend ka, research ka muna kung ano ang meron sa lugar, baka hindi mo na payagan ang boyfriend mo pag nabasa mo to.
Ang balita ko lang, baka magkaroon din ng Girls Night Out sa Clover. Makakabawi din naman ang mga girls.
Clover Restobar 131 Panay Avenue, 1103 Quezon City, Philippines 0916 694 3310