Tag Archives: coach

Coach Jay Valencia On Natural Running

Ang swerte ko naman at naka-attend ako ng isang maikling talk tungkol sa Natural Running. Nagsalita tungkol sa topic ang malupit na Newton Running Coach na si Coach Jay Valencia.

Hindi naman bago ang konsepto. Actually, binigyan lang ng tamang definition kung paano tumatakbo ang mga bata. Naaalala ko pa noon kung gaano ako kabilis tumakbo pag naglalaro kami ng Ice-Ice-Water, Moro-moro at mataya-taya.

Coach Jay

Coach Jay

Basically, good posture ang puhunan sa Natural Running. Hindi naman sa dapat conscious ka sa ginagawa, dapat lang pinababayaan mo ang natural movement ng muscles na magrelax at contract.

Eto ang basic points na napulot ko mula sa talk ni Coach Jay Valencia:

  • Everything is aligned
  • Athletic Knee Bend
  • Lock Loose Muscles
  • Lean Forward = Move Forward. Lean Back = Move Back.

I need to put the theories to the test. Lalo pa ngayon at meron na akong Newton Sun Visor. Add me on FB para makita mo ang Sun Visor ko.

 

Pero ngayon, beach muna dahil birthday ng KampeonNgPagibig#1.

* Maraming salamat Coach Jay Valencia.

Ikakasal Na Si Coach Rio

Ikinasal na yung iba kong friends. Nag-commentator pa nga ako dun sa isa e. Yung isa ko pang pinsan, ikakasal sa January. Yung Coach ko sa Southern Treaders na si Running Ade, kinasal na rin. Yung teammate ko na si Kuya Pedro, ikakasal na rin.

Lahat sila kinasal/ikakasal na. Sumabay pa tong si Coach Rio.

Eto pruweba:

Coach Rio Engaged

 

Kung Hindi pa sapat yan, eto pa isang proof:

Tadhana: Coach Rio’s Engagement Proposal Video. from Ian Celis on Vimeo.

 

Sino na kaya kasunod?

Miami Heat Coach Erik Spoelstra sa Pinas

I got a word (hindi ko alam kung tismis lang o kung totoo) na darating daw ang first Filipino-American head coach in the NBA na si Erik Spoelsta. Sa wakas, makikita ko na rin in person ang dimples nya.

coach spoelstra

coach spoelstra

Marami akong gustong itanong ke coach; kung ano ang posisyon niya sa Spratlys Islands, kung ano ang ratio ng mga Pinay exes niya sa hindi Pinay tsaka kung nakakain na siya ng betamax, adidas at isaw.

Sa wakas, maitatanong na natin sa kanya ang mga controversial questions kagaya ng; nakasakay na ba siya sa Porsche, marunong ba siya maghugas ng plato, at meron ba siyang TFC sa states.

Habang inaantay natin ang pagdating ni Coach sa Pinas, siguro naman, pwede tayong sumali muna sa aking NBA 3on3 Premium Items giveaway. Malay ninyo, madagdagan ang perks ng Premium packages.