Tag Archives: Coco Martin

Life Is Hard. Matigas Ang Buhay

Maraming matitigas na bagay ang naeencounter ko lately sa araw-araw. Yung katigasan nila, hindi biro. Ok lang sana kung by default, matitigas na sila e. Pero kung e ang expected mo dapat e malambot siya, tapos matigas pala, hihinto ng slight ang mundo mo.

At mapapaisip ka na rin kung nasa panaginip ka lang.

Ice 4 Sale .. 3 pesos lang

Ice 4 Sale .. 3 pesos lang

Matigas na yelo. Masaya ako pag matigas na ang yelo na nasa freezer. This means pwede na siya i harvest at gamitin pampalamig ng tubig, ng juice, o ng coke. Mas masaya pa neto, hindi ako ang nagtanim ng water sa ice bag sa freezer. Salamat mami, or dadi, or ate Joan.

Di ko sure kung sino gumawa pero salamat.

Matigas na pader ng bahay. Depende naman ang happiness ko dito.

Pag nauntog ako, o kung sino man bata na inaalagaan ko, bad trip yun. Pero kung ang pader ng bahay ay gagamitin ko para paghampasan ng matigas na yelo, ok sakin yun.

Matigas na upuan sa jeep. Ito ang tunay na badtrip. Hassle to. Ineexpect mo pa naman, malambot yung upuan dahil maganda ang pagkaka upholster ng lumang tarpaulin ng pulitiko. Minsan, tarpaulin ni Coco Martin. Akala mo talaga malambot ang pisngi ng idol mong artista, yun pala, nalimutan palamanan ng foam.

Pwede ba, sais lang bayad ko, matigas po ang upuan niyo manong.

Yung mukha ng ex mo na nangungutang sayo. Kapal talaga beshie. Tindi. Tigas. Badtrip talaga to.

Yung manliligaw ng pinsan mo na nangungutang sayo. Isa pa to dre. Wag na wag mong pauutangin yan kahit bespren pa kayo nung college. Please lang. Pag naging sila, hindi ka na niya babayaran. Pag hindi naging sila, friendship over kayo dahil hindi mo siya inilakad. In other words, hindi ka niya babayaran. Naku KAAAAA!

Kayo, ano pang mga matitigas na bagay ang nae-encounter ninyo? Comment down below.

Dating Waiter ng Max's Fried Chicken sa Fairview ENDORSER Na!

Si Coco Martin yun, alias Juan De La Cruz.

Sa dami ba namang TV at print ads, hindi na maipagkakaila na ang morenong idol na si Cocobels (yan ang tawag ni PenTells kay Coco Martin) ay isa nang endorser ng Max’s.

Sana lang, nung presscon, pinagsuot nila si Coco Martin ng uniform ng isang waiter para may dating.

Almost seventy years (68 to be exact)┬ána sa business ang uniquely cooked Fried Chicken ng Max’s.┬áMarami rin silang struggles. Kakaiba sila magbukas ng mga restaurant dahil mas gusto nila na isang bahay talaga ang iko-convert nila. Yung ambiance nila, hindi nag-iiba. Stood the test of time talaga.

At marami silang naging pakulo last year. Nandyan yung ninong ko si Max at yung 4Sharing meals.

Sana nung bininyagan ako, naging ninong ko rin si Mang Max.

Coco Martin, bagong endorser ng Max's Chicken

Coco Martin, bagong endorser ng Max’s Chicken

Si Cocobels, ganun din. Andami niyang ginawang mga raket bago siya na-discover ng isang talent scout na kumain sa Max’s Fairview noong 2001. Matapos niyang magpakita sa talent scout, hindi na siya nakapagpaalam sa pinagtatrabahuhan na restaurant. AWOL siya.

Hindi ko nga alam kung nakuha na niya ang backpay niya e. Usually kasi pag AWOL, walang backpay.

Coco Martin, Max's endorser for its 70th anniversary

Coco Martin, Max’s endorser for its 70th anniversary

Kung bibigyan daw ng chance, at magandang deal, gugustuhin din naman ni Cocobels na makapagbukas ng sarili niyang franchise; actually, kahit na anong food business/restaurant. Kahit daw simpleng mamihan o gotohan, ok na sa kanya. Ang importante, may mga kumakain.

Walang kwenta kasi ang ganda ng restaurant mo kung walang kumakain.

Cocobels at ang Maxs Chicken

Cocobels at ang Maxs Chicken

Isa pang sinabi ni Cocobels, practical din siyang tao. Basta may magandang kapalit ang kanyang oras at pera, gagawin niya. Pareho pala kami ni Coco Martin.

Parang gusto ko na rin tuloy maging waiter sa Max’s Restaurant. Baka maging kasing-kisig din ako ni Coco Martin.

*Salamat kay PenTells para sa pag-cover ng event. I love you. Pagaling ka kagad!