Tag Archives: coke

Share A Coke with Pepi #shareacoke #creatingyourown

Hindi naman talaga ako mahilig sa coke.

share a coke with pepi

share a coke with pepi

 

Para sa akin kasi, isa siyang reward. Iniinom ko lang siya kapag nasa handaan at gusto kong ma-enhance ang lasa ng aking kinakain.

Pampa-dighay ko rin siya.

Pero kung bibigyan mo ako ng anim na kahon na puro ganito ang nakasulat, aba e, talagang aaraw-arawin ko yan.

Also, parang magandang handa sa birthday yan. Biruin mo, lahat ng bisita mo naka-share a coke with Birthday Celebrant.

Astig di ba?

Visit na sa www.shareacoke.com.ph para makagawa ng para sa sarili mo o sa crush mo.

Coca-Cola Security Cameras

Grabe talaga ang Coke sa pags-spread ng HAPPINESS!

Sa latest video nila sa You Tube, pinapakita ng Coke na hindi lang puro masasamang elemento at bad vibes ang nakukuhanan ng mga Security Cameras all around the WORLD. May mga nahuhuli rin itong mga eksena ng pagkakaibigan, pagmamahalan, kulitan, at mga selfless acts na nagpapatunay na may mga mabubuting puso pa rin na nabubuhay sa mundo.

Na-share lang ito sa Facebook at gusto ko rin i-share sa blog ko. Gusto ko kasi ulit-ulitin ang tuwa at galak na nabibigay ng video.

Gaya ng Coke, araw-araw tayo nabibiyayaan ng saya at ngiti ng mga tao sa paligid natin, kakilala man natin o hindi. Matutunan sana natin na ma-appreciate ang mga bagay na ganito.

Sread the Love. Spread the HAPPINESS.

Follow @Coke_HappyPrez on Twitter.

KFC no longer offer Pepsi products

Anak ka ng Pepsi. The main reason kung bakit kumakain pa rin ako sa KFC dahil kayo na lang ang nago-offer ng Pepsi products… Why switch to coke?

KFC

KFC

Actually, matagal na silang nag-switch. Ngayon ko lang naisipan isulat dahil ngayon lang talaga nag-sink in sa utak ko na kailangan ko kumain sa JollyJeep pag lunch break ko para lang makakuha ng Pepsi products.

E nagka-problema kanina.

Habang lunch ko, medyo lumakas ang hangin at umulan. Hindi ako makakapunta sa JollyJeep. Gustung-gusto ko talaga ng softdrinks at nagsasawa na ako sa coke. Pumasok ako sa KFC at umorder ng kanilang Php50 na bugdet meal. Para hindi masyadong matapang ang lasa ng softdrinks, Sprite ang inorder ko instead of Coke.

Naging matagumpay naman ang combination ng pagkain ko. Mas bumagay sa famous KFC gravy ang Sprite. Mas tama na combination ito.

Pero badtrip pa rin. Gusto ko ng Pepsi!

Pepsi ang gusto ko!

Pepsi ang gusto ko!