Tag Archives: collect

McDonalds Minions Collection

How many minions are there to collect?
What is the cheapest Happy Meal can I purchase?
How much would it cost to collect all 9 minions?
At least how much calories would I consume if I collect all 9?

Gusto ko ng minion. Actually, nakakuha na ako ng isa at sapat na yon.

Pero para sa mga Despicable Me 2 fans na nag-aabang ng showing sa July 3 WORLDWIDE; gusto nilang makumpleto ang Minions Happy Meal toys, kulang ang isa.

Nagkakaubusan na ng minions. Dalawang McDonalds ang malapit sa opisina ko at out of stock na rin sila. Makakakuha na lang siguro kayo pag nagpunta kayo sa mga liblib na lugar na himalang may McDonalds kagaya ng Subic at Pampanga.

Yung calories na magi-gain mo sa pagubos ng 9 na happy meal, mabu-burn mo rin naman sa paghahanap lang ng McDonalds Store na nagbebenta ng lahat ng minions. Bawi bawi lang din.

Minions By MyManila.Net

Minions By MyManila.Net

Yung akin, isang Evil Minion Chopper aka EMC. Nagbabantay sa station ko para hindi bumaba ang Customer Satisfaction rating ng aking team.

Ok na siguro yun.

Goodluck sa mga naghahanap.

CollectiCON at Nuvali Sep11 2011

Mahilig ka ba mangolekta ng kung anu-ano? Balita ko, magtitipun-tipon sa Sta.Rosa ang mga collector sa September 11, 2011.

Trade Collectibles. Bid for rare items. Shop ’til you drop. COLLECTICON: The NUVALI Collector’s Fair | Sept. 11, 2011

Pwede makipag SWAP, mag BUY, mag RESTORE, mag BID, at mag DISPLAY ng lahat ng klase ng collectibles.

Wag kang pilosopo; hindi ito tungkol sa mga kolektor ng utang o basura. Mga koletor ito ng mga magazine, toys at kung anu-ano pang seryoso na bagay. Eto poster o.

Nuvali CollectiCON

Magkita tayo dun ha!