Tag Archives: concert

Daniel Padilla invades Malolos, Bulacan

#Kathniel #PressRelease

daniel padilla concert
As a company that distributes top quality and effective beauty and skin products, Jaoming Marketing, makers of Erase Placenta, continues to enlighten the know-how of today’s modern society on proper skin management. Jaoming Marketing has proven its effective line of skin care products to its client base that are independent, fashion forward, and has active lifestyle. Jaoming Marketing through the years has remained true to its commitment in caring for the skin of the “Generation in Bloom.”
Erase Concert Series proudly presents “Daniel Padilla Road Tour” this coming Novemebr 28, 2015, Saturday, 7:00PM at Bulacan Sports Complex, Malolos Bulacan with special guests Kathryn Bernardoand Khalil Ramos, The Erase Concert Series is here to give entertainment to our loyal and new customers and at the same time to promote in a more exciting and focus way since the event is per locality. The event has drawn thousands of audiences that belongs to our base clients, partners and followers mainly ages 16-40 years old and 40% male-60% female.
TICKET PRICE:
Moshpit – Php 2,000.00
SVIP – Php 1,500.00
VIP – Php 1,000.00
Gold – Php 800.00
Silver – Php 500.00
Tickets available at all SM ticket outlets.
For Ticekt inquiries Please Call (MS. EDEN DOMAGOSO)
0917-9442118 or 09390679596
For other Details:
Daniel Padilla Road Tour -> http://www.facebook.com/events/1499109467054138

RakSaCebu 3 | HIGHLIGHT | Tanduay First Five Cebu

Kaya sinakto din namin ang pagpunta sa Cebu ng August 10-12 ay dahil sa Tanduay First Five. Anim kasi na artists ang kasama sa lineup this year. Actually lima lang pero parating kasali si Gloc-9 kaya nagmumukhang anim.

Yung bagong lugar sa Cebu, yung tinatawag nilang South Road Properties or SRP, dun ginanap ang event. relatively malayo siya mula sa City. Aabutin ng 100 pesos ang pamasahe sa Taxi kung galing ka sa Mactan Shrine. Madalang daw ang mga pumapasada na jeep papunta doon. Buti at naisipan nilang maglagay ng maraming bus papunta at paalis sa venue althroughout the event.

Tanduay First Five Tickets

Tanduay First Five Tickets

Like ka muna sa page nila bago tayo magpatuloy: https://www.facebook.com/SouthRoadProperties

Para makakuha ng tickets, nagpunta muna kami sa Chi Hing Grocery sa may Colon St para bumili ng dalawang Tanduay Light na long neck. Dun lang kasi kami makakakuha ng libreng tickets. Pinamigay na namin yung mga alak sa mga manong na nakasalamuha namin.

Chi Hing Grocery

Chi Hing Grocery

Backpackers ang style namin. Hobby din namin ang magtanong kaya natunton naman namin ang lugar kaagad.

Medyo antukin, hindi kami nakarating sa oras. Hindi namin naabutang tumugtog ang Spongecola at Wolfgang. Happy naman kami at tumutugtog na si Gloc9 pagdating namin.

Pentells with Spongecola

Pentells with Spongecola

Gloc 9 on stage

Gloc 9 on stage

Pinakanagustuhan ko yung performance ni Rico Blanco. May mga back up siya na nakapang-Sinulog, angkop na angkop sa Cebu. Fiesta pa yung atmosphere.

May mga nakainuman din kami sa labas ng venue. Konting shot lang naman. Hindi namin nakuha ang mga pangalan nila, sorry. Kung sino man kayo, paki-add na lang kami sa FB or follow ninyo kami sa Twitter (@pentells  and @pepideleon)

Enjoying Tanduay Light!

Enjoying Tanduay Light!

Yung performance ng Kamikazee, talagang malupit. At pinakanagustuhan ko naman na presence ay yung kay Chito Miranda Jr. Hindi pa naaalis sa isip ng tao yung scandal nila ni Neri pero walang nag boycott sa event. Yung suportya ng mga parokyano, nandun pa rin. SOLID.

Nakakaiyak pa rin kapag kinakanta nila ang mga songs ni Francis M. Nag Bagsakan nang wala si Kiko, kumanta si Gloc 9 ng Kaleidoscope World. Astig talaga.

Next year siguro, sasabayan ulit namin ang mga Pinoy artists sa pagbisita sa iba pang lupalop ng Pilipinas.

Summer Season is Gary V Concert Season

‘Gary V: On Higher Ground’ at Music Museum

Walong concert na sigurado akong mag-iiba ang init ng summer ninyo, yan ang hatid ng ating Pure Energy Concert veteran na si Gary V.

On Higher Ground

click to visit Gary V 's website

Isa itong benefit concert para sa UNICEF. National Ambassador for UNICEF kasi si Pure Energy sa loob ng 14 years. May kasabay rin siya na album na pinopromote na may kaparehong charity na tinutulungan.

Ang pinakahuling balita kay Gary V ay ang kakaiba niyang collab kasama si Sarah G at SomeDayDream para sa theme song ng CocaCola Concert ng Bayan na “Tuloy”. Promise, sobrang ganda nung kanta na pinaghalo ang Dance, Pop at Techno.

Tuloy ang Happiness!

Magkakaroon din ng movie si Gary V. Bali-balita lang yun. Kung gusto ninyo ng details, punta kayo sa concert. Sure ako na idi-discus nya yun dun!

May mga reviews na nga tungkol sa concert nya na malupit daw ang lightings. Gusto ko talaga makapanuod. Kung sasamahan ninyo ako, why not.

“Gary V: On Higher Ground” happens at Music Museum on April 12, 13, 19, 20, 26, and 27; and May 9 and 10. The show will be for the benefit of UNICEF and Shining Light Foundation. The show is supported by ABS-CBN, MYX, Smart, Soundcheck, Videosonic, Gold’s Gym, Aficionado, Coca Cola, Goldilocks, Lee, Universal Records, Star Records, Studio V, Essensuals Toni & Guy, Fernando’s, with media partners: Radio High 105.9, Crossover 105.1, Monster Radio RX 93.1, Tambayan, Magic 89.9, DZMM 630, Philippine Daily Inquirer, Philippine Star, Business World, People’s Journal and People’s Tonight.

“Gary V: On Higher Ground” will be directed by Gary and son Paolo Valenciano with Musical Direction by Mon Faustino. Tickets are priced at Php 3,500.00, 2,500.00, 1,500.00, 1,000.00, and 500.00. For tickets contact Ticketworld (891-9999), Music Museum (721-6726; 721-0635), and Manila Genesis (706-2170 to 71; 0915-4975225; 0908-8871397).

The Script in Manila

Kung hindi dahil ke Chris Medina, hindi ko makikilala ang The Script.

Isa silang banda from Dublin, Ireland. Kulay green ang kulay ng bansa nila. Hindi ko alam kung bakit. Sa Ireland nanggaling si Sheamus na wrestler at ang unang batch ng De La Salle brothers.

Maganda ang mga kanta ng The Script. Sobrang nakakarelate ako sa kanila. Halos lahat ng magaganda nilang kanta, tungkol sa bagong break up na umaasa pa rin na makipagbalikan. Yun bang umaasa pa rin na sana matauhan yung ex nila at balikan na lang sila bigla.

Magkakaroon ng concert dito sa Pilipinas ang The Script. Eto Poster:

Eto ang sample ng kanta nila. Para sa akin, eto ang pinakamaganda. Pakinggan mo!

http://www.youtube.com/watch?v=gS9o1FAszdk