Tag Archives: credit card

Day 2: I Can Doodle My Goal #30DaysBlog

Naku! Mahirap ata ang goal setting. Sa ngayon, wala akong iniisip kundi ma-zero out ang credit card ko.

Gusto ko magkaroon ng “saving habit”. Financial ang goal ko this year. Bawas muna sa moments na kailangan ng malaking money. Dito muna tayo sa pagsi-save. Iwas muna sa taxi kung pwede. Kung kayang mag-commute, jeep-bus-trike-lakad, edi go!

credit card cut in half

credit card cut in half

Bawas din sa paglayas buwan buwan. Ang ilandaang masi-save ay pantanggal utang. Tandaan na max out ang credit card ko.

Maraming kaakibat na bawal pag pera ang pinag-uusapan. Dapat maging mas creative ako sa mga lakwatsa. Dapat extra kayod ako sa trabaho. Dapat unahin ang pagsabi ng NO kesa sa YES pagdating sa mga imbitasyon na medyo mataas ang damage. Iwas muna sa relationships na uubos ng oras at yaman.

Then, next project na tayo pag na zero out na siya.

 

DealSpot Security Check

First time ko nag purchase ng deal sa dealspot. Hindi ko kagad nakuha ang voucher dahil may security check daw na dapat gagawin para sa mga first time credit card users.

Kailangan daw yun para sure na ikaw ang may-ari ng credit card. Proof lang naman na iyo ang credit card.

dealspot security

dealspot securitydealspot security

Well, hindi ko na idi-discus dito kung anong klaseng security check ang ginawa sakin. Basta, hindi ako pinasayaw sa harap ng maraming mga unggoy o pinakain ng isanlibong pako.

Nai-submit ko yung security check ng Sunday, syempre hindi ko inexpect na ma-validate yung account ko dahil nga weekend. So kinabukasan, naka-antabay ako sa email ko. Gusto kasi ng Diwata na i-avail na yung deal sa hapon. FYI, diamond peel yun. Iku-kwento ko na lang sa ibang blogpost yung experience pag sinipag.

So ayun nga, dumating na yung validation email by lunch. Kasunod nun e yung voucher. Diretso print na. Na-honor namin yung voucher within the day ng walang hassle.

Good ang experience ko sa DealSpot. Happy ako sa group buying site na to.