Tag Archives: date

CONTEST ALERT! How To Join The Red Carpet Premier Of MyBebeLove #KiligPaMore

#ALDUBDeExplorerTrials @DirekJoey

Nung isang gabi, sa blogcon ng first movie ng Aldub na MyBebeLove, binanggit ni Direk Joey Javier Reyes na may pakulo siya para sa Premier Night ng blockbuster for sure movie.

Gusto niya ng representatives from Aldub Nation na rumampa sa Red Carpet sa Premier Night. Pipili siya ng tatlo from the Twitter world sa pamamagitan ng isang contest.

My Bebe Love in cinemas December 25 MMFF 2015

My Bebe Love in cinemas December 25 MMFF 2015

Continue reading

Malapit Na Pasko! Single Ka Pa Rin Ba? Single Professional Get-Together

#Single Ka Pa Rin Ba? Malapit Na Pasko! Wag Maging SMP!
#Holidate2014
#NotASpeedDatingEvent

This December 6, 2014, Single Professional Get-Together (SPGT) will hold their third event. Organized by Events and Friends Production Manila (EFPM), an avenue for single professionals to MEET, INTERACT, and BREAK PHYSICAL BARRIERS will be played.

Date: December 6, 2014
Venue: The Balcony Gastropub, Makati City
Time: 1pm to 6pm

 BREAK PHYSICAL BARRIERS? Gusto ko yan! Gustung-gusto! #HindiAkoManyak

Single Professionals

Single Professionals

Kulang na kasi tayo sa physical connection. Yung mga relationship natin, puro na lang galing sa pagiging textmates at pakikipag-chat sa ating mga nililigawan. We should be more visible and more physical.

All backed up by Science and Psychology.

Kung naka-attend ka na ng speed dating events, medyo maninibago ka sa ino-offer ng SPGT. Mas ini-encourage kasi dito ang chemistry at body language. Yung energy mo sa pakikipag-interact.

“There will be no  tables and chairs, only cheering, dancing and challenging (and possibly kilig-to-the-bone) activities.”

Attending the event may be for the purposes of:
– Looking for prospect friends, lovers or business partners
– Improving socializing skills with the opposite gender
– Overcoming shyness
– Wanting to relive childhood playtime years
– Doing something totally new

Eto na nga ba ang sinasabi ko e. Although Pictures paint a thousand words, actions still speak louder. And BOLD actions get more attention.

Excited na ako!

Kung tutuusin, pwede na ninyo gawing Christmas party ang event na ito. Yayain mo na yung mga HS classmates mo na alam mong SINGLE PA RIN Hanggang ngayon!

Registration is priced at Php1200 inclusive of food, drinks, and event souvenir. If you come in groups of 3-5, you get Php100 less. Groups of 6 and above pay Php200 less.

To Register, you may send your contact details to:
Events and Friends Production – Manila
Mobile: (+63) 927 975 1235/ (+63) 915 946 1280
Email: eventsandfriends@yahoo.com.ph
Event Fanpage: www.facebook.com/IndependenceDate

You may watch the first event #IndependenceDate after movie here.
You may read on Flaring Felicity’s pre-event write up on #FreedomDate event here.

 

 

Date Number 2: Cubao – Marikina – Rizal Park – Malate

Yung date number 1, The Hobbit movie yun. Click here for the review.

Marami kasi ang nagtatanong kung ano ang story namin. Worth it naman siya i-kwento dahil willing naman si Pen na magrelease ng mga kwento. Ang kaso lang, pag siya ang nag-kwento, may tendency na mag over-sharing. At least kapag ako, medyo controlled.

Eto muna ang first 2 pictures:

Merry Christmas from the Kampeon

Merry Christmas from the Kampeon

Jhey with the Christmas Tree of Bears

Jhey with the Christmas Tree of Bears

Nakakapagod din yung trip namin e. Paglabas ko sa trabaho ng 4pm, diretso na kami sa Marikina Riverside. Kinailangan namin mag-MRT.

Dahil first time ng probinsyana sumakay sa tren, in-enjoy namin ang view.

 

MRT sa dapithapon

MRT sa dapithapon

Pagdating sa Marikina, libot muna kami ng kaunti. Nagtingin-tingin sa mga tinitinda doon. Nagplano ng pasalubong pero wala namang nabili.

Kaya sumakay na lang kami ng Ferris Wheel, safe naman yung ride kahit mukhang hindi. Ahaha.

Tsubibo sa Riverbanks

Tsubibo sa Riverbanks

Afterwhich, dinner na. May paluto pala dun sa Riverside. Syempre, seafood ang kinain namin. Buti na lang may malapit na Watson’s para bumili muna ng Celestamine. Medyo allergic kasi si Jhey sa seafood.

Ang naging entree namin ay ito:

  •  Grilled Squid with Cheese Toppings
  • Baked Talaba with Cheese Toppings
  • Sinigang na Hipen WITHOUT Cheese Toppings
  • Mainit na kanin.
  • SARAP!
Dinner namin sa Dampa. TSALAP

Dinner namin sa Dampa. TSALAP

Grilled Squid with cheese toppings

Grilled Squid with cheese toppings

Baked Talaba with cheese toppings

Baked Talaba with cheese toppings

Sinigang na Hipon

Sinigang na Hipon

Salamat sa Simply Lang.
Cel No. 09391459037
Tel No. 2279345
free advertisment ng Simply Lang sa blog

free advertisment ng Simply Lang sa blog

At dahil may energy pa kami, sakay naman kami ng Purple Line – LRT papunta sa Recto at sumakay ng Jeep papunta sa Rizal Park.

First time ulit ng probinsyana na makasakay sa Purple Line.

Purple Kampeon sa Purple Line-LRT

Purple Kampeon sa Purple Line-LRT

At gusto rin niya makita si Jose Rizal. Hindi ko alam kung bakit.

Si Jose Rizal at si Jhey

Si Jose Rizal at si Jhey

Tsubibo sa Rizal Park

Tsubibo sa Rizal Park

Ako, gusto ko makita ang mga Tsubibo at mga peryahan sa Grandstand. Kahit umuulan, go pa rin kami.

Tinapos namin ang date sa pag-inom ng masarap na San Mig Light at San Mig Flavored Beer sa Malate. Malamig yung mga alak at magaling yung bandang tumutugtog sa events place, dahilan kung bakit wala akong boses nun Christmas Break.

pen and pepi

pen and pepi

Ayan ang kwento, next blogpost na lang yung mga susunod na date ha. UP Los Baños naman ang destination namin nun.

CATEGORY: Girlfriend Chronicles.

P:MM – Thank You Mama Mary

Holiday nun. Dahil ata Dec.8 – Immaculate Concepcion. Naisipan namin nila super Ex, Kian, at Quicksilver na magliwaliw. Una muna, nagpunta kami lahat sa bahay namin sa SanLo.

Dun ko ata unang pinakilala si super ex sa bahay namin. Para medyo hindi halata, group date ang eksena. Kaya isang grupo kami.

Matapos namin maglunch, punta namin kami sa bahay nila Kian sa San Pedro. Commute to da max talaga, halos maga-apat na oras ata ang biyahe. Medyo malayo kaya medyo madilim na nung nakarating kami dun. Ang purpose ng pagpunta, hindi ko rin alam. Basta nagpunta kami.

Ang naiisip ko lang na dahilan, gusto rin ni Kian ipakilala si Quicksilver sa kanila. Pero para hindi rin halata; group date. Ewan. Ganun ata talaga pag mga High School pa lang kayo.

Ending namin e inihatid kami ng ate ni Kian pabalik sa BelAir. Nagkotse kami. Ang travel time na tatlong oras kanina, kalahating oras na lang ngayon. Iba na talaga pag may sarili kang sasakyan. Dun ko naisip na dapat ako matutong magmaneho talaga.

Matapos kaming ihatid pabalik ng BelAir, umuwi na rin si Kian kasama ng ate niya. Nasa bahay ako ni Quicksilver at medyo gabi na talaga. Hindi pa ako nakakatawag sa bahay namin. Ang alam sa amin, hinatid ko lang sila sa sakayan papalabas ng SanLo. Hindi na ako nakapagsabi na sasama ako sa San Pedro.

So malamang, galit ang mga magulang ko pag-uwi. Patay ako neto.

Pauwi na ako nang mapadaan ako sa Club House. Pista Opisyal at may special na mass na ginagawa nang gabing iyon. Magsisimba ako bago umuwi kahit late na. Holiday of Obligation. Ayoko magkasala.

Sakto naman at kakilala ko ang pari. Sakristan kasi ako. Dahil wala siyang alalay sa misa, tumayo na akong alalay. Disente naman ang bihis ko e.

Kinapalan ko na ang mukha ko at nakisabay sa pari. Dadaan kasi sa sakayan papuntang SanLo ang pari bago ito makauwi sa Balibago. Sakto. Meron akong naging excuse. Pag-uwi ko sa bahay, para hindi ako mapagalitan, kinuwento ko sa nanay ko ang nangyari.

Buti na lang nakipagmisa ako. Buti na lang pista opisyal. Buti na lang Dec.8 Immaculate Concepcion. Buti na lang ambait ni Mama Mary. Buti na lang talaga.

Happy Birthday Mama Mary.

Sana hindi kayo malito:
Dec.8 – Immaculate Conception
Sep.8 (9months after) – Birthday ni Mama Mary

Tuwing Wednesday, magb-blog ako tungkol sa naaalala ko sa aking kabataan. Ito ang aking “Project:  Memory Miyerkules” .

Layunin nitong maisulat paunti unti ang aking talambuhay.