Tag Archives: divisoria

Habang may Buhay, may Bawi

Eto na naman tayo sa deadspot sa Kalentong. Kapag napapadaan ako dito pauwi, humihinto ang mobile data ko. Ito yung harap ng Don Bosco Mandaluyong, right after the palengke, kung galing ka ng tulay ng Sta Ana.

Napabaling tuloy ang atensyon ko sa drayber ng jeep at sa kakwentuhan nya. Hindi ko sure kung pasahero lang ang kakwentuhan o talagang friend nya from way back. Usapang operator ng jeep at kung magkano ang kita ng isang Punta-Divisoria na ruta. Mahina daw ang isanlibo sa halfday.

teresa punta

teresa punta

Pag nagcompute ka, hindi nga aabot kung ang lahat ng pasahero e diretcho lang. Pero kung ipapasok mo ang mga kada kanto hinto na akyat baba, titriplehin ang kita.

Sa kalagitnaan ng kwentuhan, nag-abot ng pamasahe ang isang ale. Tinanggap ni kuya drayber ang bayad. Sakto ang pamasahe, wala na dapat sukli. Kaya naman nagtaka ako nang bumunot ng singkwenta si kuya drayber.

Inabot niya dun sa ale ang singkwenta. “ayan, pan-Jollibee mo”.

Hindi na ako nakalingon para tignan kung maganda yung ale. Baka kabit niya, sa isip-isip ko.

“maaga ang pamasko mo a” sabi nun kakwentuhan na pasahero. Siya ang katapat nung binigyan ng singkwenta. Alam niya na sa batang babae na kasama iniabot at hindi sa ale. Na-confirm ko nung nag-Thank you ang boses ng maliit na bata.

“ganun talaga. Mababawi din naman yan.” sagot ni Kuya drayber. Tama nga siguro siya. Pasado alas nuebe na at garahe na ang nasa isip niya. Anong oras kaya siya nagsimula magmaneho at parang nakabawi na siya.

Isanlibo sa kalahating araw. Ayus yun.

“habang may buhay, may bawi” hindi pa tapos sa kwento si kuya drayber. “pag patay ka na, dun lang walang bawi”.

Quotable yun ah.

Tama nga naman siya. Hindi sana ako maniniwala kung hindi lang siya naglabas ng isang bungkos ng kaperahan na sa estimate ko e aabot nga ng isanlibo, o higit pa.

Di bale, makakabawi din tayo.

Chinatown Walk

I was out looking for long sleeves and bowties. Ikakasal na kasi si KnP#7 aka Skullpion this Saturday at gusto ng bride niya na nakabowtie daw.

By default, puti ang long sleeves na binili ko. Yung ganun ko kasi na small size, hindi na kasya sakin. Nakakainis dahil hindi ko akalain na may potential pala ako tumaba.

So I took one ride of jeep to Divisoria. 168 mall ang punterya ko. 80 pesos ang bawat bowtie, bumili ako ng lima. Para sa KnP yun. Yung long sleeves naman na plain lang, 480 pesos. Natawaran ko hanggang 450. Kailangan pa talagang mag-Divisoria para lang makahingi ng tawad.

Dahil tapos na ang errands ko, naghanap na ako ng lure spot. Meron dun saisang church na malapit kaya tumambay ako doon for a good 20 minutes. Nun natapos na, may nagbaba naman dun sa Chinatown Walk. Bagong lugar yun. Feeling ko nasa ATC ako na parang Beijing dahil puro Chinese characters. Nakarami ako ng majikarp at Psyduck. May Slowpoke din.

Puro psychic pokemon ang andun. Mga psychic siguro ang mga Chinese sa Binondo. Siguro dahil sa kanilang Chinese zodiac. Magpahula kaya ako dun kung kelan ako magkaka-love life ulit.

Enjoy the pictures.

Akala mo China? Chinatown Walk yan!

Akala mo China? Chinatown Walk yan!

Welcome!

Welcome!

unggoy ang bantay ng prosperity tree

unggoy ang bantay ng prosperity tree

the aisle is lined up with your dimsum specials

the aisle is lined up with your dimsum specials

everyday fiesta

everyday fiesta

Chinese Restaurants

Chinese Restaurants

Bike Racks here

Bike Racks here

 

PS. Nagyaya si ate Noni. Join daw siya next time na pumunta ako dun. Lunch siguro sa isa sa mga restaurant. #SetNaYan.