College Days. Wow, college days na Memory Miyerkules, that’s like 10 years ago na pala.
Pagkatapos ko mag first year college, sinigurado ko na may pagkaka-abalahan ako. Ayoko ng mga extra curricular activities na pang-resume lang. Ang gusto ko, part time job.
Mabuti na lang at may programa ang DLS Alumni Association na Account Consultant. Ang trabaho; maghanap ng establishments na willing magbigay ng discounts at freebies sa mga customer nila na may Alumni Card ng Lasalle.
Nakakagulat lang din dahil sa dinami-dami ng nag-apply, isa ako sa lima sa mga napabilang na makapagtrabaho doon. Ang liaison officer namin na si Ms Jonet Imperial ang nag-interview sa akin. Siya na rin ang naging boss ko.
Mayabang lang din ako dahil yung mga Dean’s Listers ng aming klase na nag-apply din sa kaparehong trabaho ay hindi naman natanggap. Magaling sila mag-English at organized magtrabaho. Noon, nagtataka ako kung bakit ako ang kinuha at hindi sila. Pero ngayon, medyo gets ko na.
Iba kasi ang character ko. May pagka-active ako at talaga namang extrovert. Dun ako nahasa na makipag-usap sa mga hindi ko kakilala. Mga cold approach para lang maka-close ng accounts. May cut-off nga noon na umabot ng 5k ang sweldo ko dahil sa dami ng aking na-close na accounts at sa dami ng office hours ko.
Bawat account na ma-close ay may katumbas na 150 pesos na commission. Bawat oras ko ay bayad ng 30 pesos. Yun ang rate ko noon as a part-timer.
Kung hindi siguro ako natanggap doon, naging barista ako ng Starbucks kahit hindi naman ako nagka-kape.
Memory Miyerkules ang tawag sa aking proyekto para ibahagi ang kwento ng buhay ko na may kinalaman sa sitwasyon ko ngayon. Bukod sa pagbibigay ng maiksing intro para sa mga susunod na blogpost, layunin din nito na maibahagi ang aking talambuhay.