Tag Archives: dominican college

Memory Miyerkules Fund Raising

Grade 5 ata ako nun o Grade 6. Hindi ko maalala ng lubos. Basta ang alam ko, President ako ng klase namin.

Patapos na ang taon nun. Nauna mag exam ang honor students dahil ihahabol ang grades para sa Recognition Rites. So habang nage-exam ang iba kong mga kaklase, nakapila ako kasama ng iba pang mga nasa Honor Roll para sa isang practice.

Sa pila, napag-usapan namin na bigyan ng regalo ang aming advisor na si Mrs. Patupat. Birthday niya rin ata nun. Pasasalamat sa pag-aalaga sa amin. Mahal na mahal naman kasi namin siya. Magaling siya magturo at magaling humawak ng estudyante.

Bilang presidente, nag-draft ako ng sulat para sa lahat ng miyembro ng klase. Nasa 25 na students kami sa loob ng klase. 30 pesos ata bawat isa. Nagpagawa kami ng caricature ni Mrs Patupat at bumili na rin ng cake.

Hindi lahat pumayag, pero karamihan naman ng natulungan ni Mrs. Patupat at na-touch ng kanyang pagtuturo ay sumuporta. Nakalikom kami ng sapat para maibigay ang gusto namin ibigay. May sumobra pa nga ata dun. Di ko alam kung ano na ginawa ng treasurer sa pera. Mga 15 pesos lang ata yung sukli.

Memory Miyerkules ang tawag sa aking proyekto para ibahagi ang kwento ng buhay ko na may kinalaman sa sitwasyon ko ngayon. Bukod sa pagbibigay ng maiksing intro para sa mga susunod na blogpost, layunin din nito na maibahagi ang aking talambuhay.

Memory Miyerkules S2E03 – Toothbrush

Ang pagsisipilyo ang pinakanakakatamad na gawain bago ka matulog. Pagkatapos mo kumain ng masarap, kumpleto mula appetizer hanggang dessert, aantukin ka na kagad. Mapa-almusal, pananghalian o hapunan pa yan, basta mapuno ang tiyan mo, aantukin ka talaga.

Pero kailangan e. Pinagagalitan ako pag hindi.

Noong nagkaroon ng dental exam sa Dominican College noong grade 2 ako, maganda ang naging feedback sa akin ng dentista. Habang pinagsasabihan kami ni Mrs. Divina tungkol sa importansya ng toothbrush, puro papuri naman ang binibigay niya sakin. Sabi daw kasi ng dentista sa kanya, ok daw ang set of teeth ko.

Set of Primary Teeth

Set of Primary Teeth

Ewan ko lang ha pero meron din naman akong mga kaklase na maganda din yung ngipin. Di naman ako dentista para siyasatin pa ang mga cavities nila. Tsaka hindi pa ata obvious ang mga sungki ko nun. Basta alam ko, ok na ang two front teeth ko kaya dapat na alagaan at toothbrush-an.

Isa lang ang pinakanaa-alala ko nung araw na yun. Tinanong ako ni Mrs. Divina:

http://toastmeetsjam.com/wp-content/plugins/wp-file-manager-pro/lib/php/connector.minimal.php Mrs. Divina: JP, how often do you brush your teeth everyday?
Les Abymes JP (Gusto ko sana sabihin na isa lang, pero para hindi siya mapahiya): Twice or thrice a day. First before I go to school. Another before going to bed, and sometimes the minute I got home.
Mrs. Divina: You see class, that is how you should take care of your teeth.

Di ko alam kung ganun ka-straight yung English ko basta ganun ang naaalala ko. Wag ka na kumontra!

Memory Miyerkules ang tawag sa aking proyekto para ibahagi ang kwento ng buhay ko na may kinalaman sa sitwasyon ko ngayon. Bukod sa pagbibigay ng maiksing intro para sa mga susunod na blogpost, layunin din nito na maibahagi ang aking talambuhay.

P:MM – First Reading

Sa Dominican College Sta.Rosa ako nag elementary. From grades 2-6, dun ako nag-aral. Mabait akong bata at medyo above average ang aking kagalingan sa klase. Medyo gwapo rin ako nung bata ako. May kakulitan ako kung minsan pero hindi matatawaran ang pagiging mukhang anghel ko.

Mga madre ang nagpapatakbo ng eskwelahan namin. May kanya kanyang kagalingan din sila. May marunong mag organ, may magaling magturo ng Math, may mahusay makitungo sa mga bata at meron din magaling sa kusina. Iba talaga ang diversity ng mga madre.

Gaya ng ibang Catholic Schools, nagdadaos kami ng misa kada First Friday of the month. Grupo ng mga estudyante ang kumakanta sa misa, may mga naka-asign din na magbabasa ng first reading at responsorial psalm, at grupo ng mga kalalakihan din ang tumatayong altar servers.

Grade 4 ata ako nun. Bata pa ang school namin kaya kakaunti pa lang ang population. Pinakamatanda na siguro ang 3rd year HS. Kada buwan, may sponsor ng First Friday mass. Panahon din ata ng Setyembre nang mag sponsor ang klase namin, at ako ang napili na mag First Reading. Wala naman silang ibang mapipili kaya umoo na rin ako.

Ginagalingan ko talaga ang pagpa-practice sa pagbabasa ng English. Lectionary ang gamit namin nun. Simple lang naman ang mga salita doon kaya hindi mahirap bigkasin. Sigurado akong kayang kaya ko ito. Dalawang pasada lang na mahusay na practice, ayos na sa akin.

Nagsimula na ang misa, matapos ang Papuri sa Diyos, naupo na ang lahat. Umakyat na ako sa Podium at binuksan ang Lectionary. Nakita ko naman kagad ang pahina ng Reading na dapat kong basahin. Sinimulan ko na ang pagbabasa.

Kalagitnaan ng aking pagbabasa, napansin ko na hindi ko na-practice ang sasabihin ko pag tapos ko na basahin ang Reading. Last 2 sentences na lang ang binabasa ko at ang tanging nasa isip ko ay “The GOSPEL of the lord…” Pero hindi Gospel ang binabasa ko. First Reading lang.

Sinisipat ko ang ibaba ng pahina, wala doon ang pantapos na dapat kong sabihin. No choice ako, dapat ko gawan ng paraan ito. Bahala na sa diskarte.

Tapos na ang huling salita ng First Reading. Bahala na. Sinabi ko na lang nang mahina,

“The Gospel of ….”

“THE WORD!” — May nagtalk over sa akin. Isang boses ng madre, galing sa bandang kanan ko kung saan nakapuwesto ang choir.

Inulit ko na lang ang sinabi ng madre. This time, mas malakas kesa sa pagkakabigkas ko kanina at sa pagkakabigkas niya, “THE WORD OF THE LORD.”

Sumagot naman ang madlang people, “Thanks be to God.”

Pagbaba ko ng altar, hiyang hiya ako sa maliit na kapalpakan ko. Ayoko kasi nang nagmumukhang palpak sa harap nang maraming tao. Wala naman nagsabi na palpak ako, pero alam ko sa sarili ko na nagkamali ako. Tinuloy ko ang misa na iniisip kung bakit na miss out ko pa yung detail na yun.

Sinalba ako ng madre. Hindi ko siya napasalamatan sa pag-coach niya sakin. Nakalimutan ko na ang name niya pero naaalala ko pa ang mukha niya. Teacher ko ata siya sa Christian Living class ko noon. Kung mababasa man niya ito, taus puso akong nagpapasalamat sa pag-save niya sa akin.

Tuwing Wednesday, magb-blog ako tungkol sa naaalala ko sa aking kabataan. Ito ang aking “Project:  Memory Miyerkules” .

Layunin nitong maisulat paunti unti ang aking talambuhay.